RAPPLER TUMIKLOP NANG MABISTO SA PANDARAYA NG SURVEY VS BBM

TINANGGAL ng Rappler ang presidential survey nito sa Facebook matapos magalit ang netizens dahil natuklasan ang ginagawang pandaraya sa naturang survey kay Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Fedinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Humingi ng paumanhin ang Rappler at nagpaliwanag na tinanggal ang survey dahil hindi umano ito ayon sa kanilang layunin. Ngunit inulan pa rin ng batikos sa mga vloggers ang media outfit dahil sa pagtangka nitong linlangin ang publiko. “Hindi kinaya ng sistema ninyo, hindi kinaya ng program niyo, Facebook and Rappler, kung tinambakan man nila agad si Leni ng…

Read More

SMB-TNT DO-OR-DIE NA!

SADYANG walang tulak-kabigin sa tapatang Talk N’ Text at San Miguel Beer. Nitong Biyernes ay nakapwersa ng decider Game 7 ang SMB makaraang muling magwagi laban sa TNT, 103-90. Dahil sa panalo ng Beermen ay nagtabla sila sa ikatlong pagkakataon ng Tropang Giga, sa Game 6 ng 2021 PBA Philippine Cup Semifinals sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga. Nakaungos sa Game 1 ang TNT, ngunit agad bumawi ang SMB sa Game 2. Muling lumamang ng Tropang Giga sa Game 3, ngunit maagap na nakabalikwas ang Beermen…

Read More

WORLD TITLE DEDEPENSAHAN NI YULO

PUNTIRYA ni 2020 +1 Tokyo Olympian Carlos Yulo na mapanatili ang kanyang paghahari sa floor exercise sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships. Nasa Kitakyushu, Japan si Yulo at puspusang naghahanda sa naturang torneo na gaganapin ang qualification round at all-around apparatus finals sa Oktubre 18-24. Wagi ang Pinoy gymnast sa floor exercise noong 2019 World Championships sa Germany, kaya asam niya na ma-panatili ang kanyang titulo. Matapos ang kabiguan sa nakaraang Tokyo Games, agad bumawi si Yulo noong nakaraang buwan at nakapagbulsa ng isang ginto at isang tansong medalya…

Read More

3rd WIN ASAM NINA THIRDY, KOBE BALITANG B.LEAGUE

Ni ANN ENCARNACION   KAPWA target nina Thirdy Ravena at  San-En Neo­Phoenix at Kobe Paras at Niigata Albirex BB ang ikatlong panalo ng kanilang teams ngayong Sabado sa 2021-22 B.League. Maghaharap ang Neo-Phoenix, may 2-2 win-loss record, at Hiroshima Dragonflies (3-1), 12:05 ng tanghali. Habang makakasagupa ng Albirex BB (2-2) ang ­Levanga Hokkaido (0-4), ganap na 1:05pm. Matatandaang nagkaroon ng back-to-back games ang teams ng magkaibigang Ravena at Paras noong nakaraang linggo kung kailan nagtabla sila sa 1-1 panalo-talo. 194

Read More

PBA LEGEND MAY KAKAIBANG SAKIT

Ni ANN ENCARNACION MAYROONG kakaibang sakit ang tinaguriang “Living ­Legend” ng PBA na si Robert Jaworski. Sa pahayag ni Dr. Edwin Bien, isang integrated medicine practitioner, maaaring may ‘high ferritin disorder’ ang ­dating basketball player-coach, na nagpasikat din ng “never-say-die” mantra ng Barangay Ginebra. Inamin ni Bien, ang kanyang obserbasyon ay base lang sa naging pahayag kamakailan ng dati ring basketball player na anak ni Jaworski na si Dodot Jr. “Iron level is high, but at the same time anemic siya,” ang sabi ni Dodot kay Randy ­Caluag ng Manila…

Read More

BATAS SA PAUPAHAN NABALEWALA

BINABALEWALA ng mga may-ari ng paupahan sa Metro Manila at iba pang urbanized cities sa buong bansa ang batas sa paupahan o ang Rent Control Act in the Philippines (RA 9653). Maraming kawawang mga pamilya ang pinaalis sa kani-kanilang mga inuupahang bahay ng kanilang landlords, habang nasa kasagsagan ng lockdown sa buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic. Halos dalawang taon na ang COVID-19 mula noong Marso 2020, dito rin nagsimula ang kalbaryo ng mga nangungupahan. Marami ang nawalan ng hanapbuhay o trabaho. Marami kasi sa mga kumpanya ang pansamantalang nagsipagsara…

Read More

‘YAN ANG PROBLEMA NG MAGSASAKA

ANG isa sa ginagawang mga propaganda ng mga kandidato kapag panahon ng kampanya ay paunlarin ang sektor ng pagsasaka kaya sa mga nakaraang halalan, may mga senatorial candidate na kinukunan ng video sa bukid para sa kanilang TV Commercials. ‘Yung mga magsasaka naman ay nadadala sa kanilang propaganda lalo na’t kailangan na kailangan nila ang tulong mula sa national government para umangat naman ang kanilang kalagayan. Pero kapag nanalo na ang mga kandidatong ibinoto ng mga magsasaka ay hindi na sila maaalala at matatapos na ang termino nila ay wala…

Read More

PWERSAHAN SA BAKUNAHAN

MULING nagpamalas ng pagiging brusko si Pangulong Rodrigo Duterte nang humarap sa kanyang dumadalas na paglabas sa telebisyon para mag-ulat kaugnay ng ginagawa ng ­administrasyon sa laban kontra pandemya. Sa kanyang mensaheng ipinaabot sa publiko, muling nagpaandar ang Pangulo. Aniya, uutusan na raw niya ang Philippine National Police (PNP) na samahan ang mga kawani ng Department of Health para hanapin ang mga bantulot na magpabakuna para sa pwersahang turukan. Bahagi ng paandar ni Duterte ang mala-akyat bahay na diskarte – ang pasukin ang bahay ng mga hindi pa bakunado at…

Read More

DOLE, HINIMOK NA BUMUO PA NG SPECIAL PROGRAM PARA SA MGA WALANG TRABAHO

MATAPOS maalarma sa datos ng unemployment, hinimok ni Senador Sonny Angara ang Department of Labor and Employment (DOLE) na bumuo ng special programs para sa lahat ng apektado ng COVID 19 pandemic. Kasabay nito, pinuri ni Angara ang ahensya sa mga magagandang programang ipinatupad katulad ng Special Program for the Employment of Students (SPES), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Covid19 Adjustment Measures Program (CAMP). Sinabi ni Angara na bagama’t mahalaga ang mga programang ito sa panahon ng krisis, kailangan din itong palawigin sa iba pang sektor upang…

Read More