Ni ANN ENCARNACION NGAYONG gabi ang Game 4 sa pagitan ng TNT at Magnolia sa kanilang best-of-seven Philippine Cup final series kung saan angat ng isa (2-1) ang Tropang Giga. Ngunit lalaro ang TNT na wala ang isa sa kanilang key player na si Troy Rosario, na na-injure noong Game 3, na pinagwagian ng Magnolia, 98-106. Iniulat ng koponan na ang 29-anyos na forward ay nagtamo ng spinal shock matapos bumagsak bunsod ng flagrant foul ni Hotshots Jackson Corpuz ng Magnolia. Ang spine injury ay nagdulot kay Rosario ng halos…
Read MoreDay: October 26, 2021
Dahil sa gold, silver sa World Championships P750K INSENTIBO KAY YULO
Ni VT ROMANO INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) Board ang ‘special incentives’ na ipagkakaloob kay gymnast Carlos Yulo. Halagang P750,000 ang tatanggapin ni Yulo bunga nang kanyang double-medal performance sa 2021 World Artistic Gymnatics Championships sa Kitakyushu General Gymnasium sa Japan, kung saan P500,0008 para sa gold at P250,000 naman sa silver. Si Yulo ang unang Filipino multi-medalled gymnast sa nasabing torneo, makaraang kunin ang gold medal sa men’s vault sa iskor na 14.916 points, laban kay Japanese Yonekura Hidenobu (14.866 points). Tumapos naman siyang runner-up sa men’s parallel…
Read MoreHULING PMAer NA MAGIGING PNP CHIEF
SINASABING si PNP-National Capital Regional Police Office Director P/Maj. Gen. Vicente Danao na ang pinakahuling Philippine Military Academy graduate na magsisilbi bilang Philippine National Police chief, sakaling siya ang hiranging kapalit ni PNP chief, General Guillermo Lorenzo T. Eleazar. Matunog kasi ang usap-usapan sa loob ng dalawang security camp na maaaring dalawang Davao Boys ang mapisil ng kanilang commander-in-chief, si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, para magsilbing bagong pinuno ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. Marami ang umaasang isasalin ni General Eleazar ang renda ng PNP kay…
Read MoreGOBERNADOR AT MAYOR, PINAPANAGOT SA KASONG RAPE
UMAASA ang pamilya ng biktima ng panghahalay na kaagad na maaksyunan ng office of the Ombudsman ang patong-patong na kasong kriminal at administratibo na isinampa nila laban kay Quezon Governor Danilo Suarez. Bukod sa kasong obstruction of justice, accessory to the crime of child abuse at paglabag sa Paragraph (e) Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na isinampa sa Ombudsman kay Gov. Suarez dahil sa ginawa nitong pang-aareglo sa kinakaharap na kasong kidnapping with rape ni Lopez, Quezon, Municipal Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde, ay…
Read MoreKAMPANTENG GOBYERNO
SA pagbaba ng naitatalang arawang kaso ng mga nagpositibo, nangusap ang dalawang tanggapan ng gobyerno. Ayon sa Department of Health (DOH), low risk na ang buong bansa. Saad naman ng tagapagsalita ng Palasyo, matatapos na ang pandemya. Sa kanilang tinuran, dapat balikan ang nakaraan. Hindi nga ba’t ganito rin ang akala ng dalawang tanggapan nang bumaba ang bilang ng mga tinamaan batay sa kanilang sariling talaan. Ang siste, ang pagiging kampante ng mga taong gobyerno ang nagsisilbing mitsa ng panibagong peligro. Walang dudang ang lahat ay nasabik na makalabas at…
Read MorePEDIATRIC VACCINATION TATAPUSIN SA DISYEMBRE
PUNTIRYA ng Pilipinas na tapusin ang pagbabakuna sa mga menor de edad sa Disyembre ngayong taon upang maprotektahan ang mga ito sa malubhang COVID-19 infection. Iniulat ng Department of Health na mayroong 1.2 milyong kabataan na may comorbidities na ang edad ay 12 hanggang 17 sa buong bansa. Sinimulan ng Local Government Units sa National Capital Region ang pagbabakuna sa mga menor de edad na may comorbidities noong nakaraang linggo. “Ang maganda po matapos natin ang kabataan by at least December para at least yung mga ibang susunod na sektor…
Read MoreGahol na sa December deadline LGUs INAAPURA SA PAGBABAKUNA
BINIGYANG DIIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pangangailangan na pataasin at paigtingin ang vaccination rate sa iba’t ibang local government units (LGUs) upang makamit ang target na i-fully vaccinate ang 50 milyong Filipino para makamit ang population protection sa Disyembre ngayong taon. “We cannot reach this target if we will plateau at 400 or 500,000 daily jabs,” ayon sa pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi. Aniya, ang non-stop vaccination program sa local levels ay makapag-aambag para mapabilis ang COVID-19 vaccination program sa buong bansa. Sinabi…
Read MoreF2F CLASSES SA PRIVATE SCHOOLS SA NOV. 22 NA
KASADO na ang pagsisimula ng pilot face-to-face classes sa mga pribadong eskuwelahan sa darating na Nobyembre 22. Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na target ng departamento na isama ang 20 private schools kabilang na ang international academic institutions. “Ang formal na [umpisa ng face-to-face classes] ay Nov. 15 [for the public schools], 22 for the private schools,” ayon kay Briones. Mula sa inisyal na 100 public schools na lalahok sa pilot run, hiniling ni Briones na 20…
Read MoreCOMELEC: TAGA-MONTALBAN SI CONG. FIDEL NOGRALES
IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang paratang na hindi taga-Montalban si Congressman Fidel Nograles ng Ikalawang Distrito ng Rizal. Sa isang Resolusyon na inilabas kamakailan, sinabi ng Comelec na hindi sapat ang pagbibintang na si Congressman Nograles ay hindi taga-San Isidro sa nasabing bayan. Idiniin ng Comelec na ang ganitong kaso ay dapat suportado ng karampatang ebidensya. Nabanggit sa Resolusyon ng Comelec na walang lakas sa hukuman ang hubad na paratang na si Congressman Nograles ay hindi diumano taga-San Isidro, sa kabila ng pagiging aktibo niya sa mga sari-saring…
Read More