CRIME GROUP MEMBER TIKLO SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang isang umano’y miyembro ng criminal group na most wanted person sa lalawigang ito, sa isinagawang operasyon ng pulisya noong Linggo sa Barangay Marinig, Cabuyao City. Patong-patong na kaso ang kahaharapin ni Alexander Acibar Marino alyas Hapon, 29, longganisa vendor. Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director. P/Col. Rogarth Campo kay Calabarzon Regional Director, P/BGen. Eliseo DC Cruz, nagsagawa ng operasyon sa tinitirhan ng suspek sa Southville 1, Barangay Marinig, ang Laguna PNP upang ihain ang warrant of arrest para sa kasong murder, na inisyu…

Read More

LIDER NG CRIME GROUP TINADTAD NG BALA

QUEZON – Patay ang isang umano’y lider ng organized crime group matapos na ito ay pagbabarilin habang sakay ng tricycle sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Arnel Saez, 52-anyos, taga Sitio Tondo, Barangay Tagbakin. Batay sa report ng Tiaong police, dakong alas-3:20 ng hapon nang pagbabarilin ang biktima ng hindi kilalang suspek habang minamaneho ang kanyang tricycle sa barangay road ng Barangay Talisay patungo sa Maharlika highway. Tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay. Mabilis na tumakas…

Read More

3 PATAY, 5 SUGATAN SA MASBATE STRAFING

BLANGKO pa ang homicide probers ng PNP-PRO5 hinggil sa motibo ng hindi pa nakikilalang mga suspek na nasa likod ng naganap na ‘strafing’ sa dalawang bahay sa Milagros, Masbate na ikinamatay ng tatlo katao kabilang ang isang bata, at ikinasugat ng limang iba pa. Ayon sa Masbate PNP, may lead at person of interest na silang tinututukan na posibleng magbigay linaw sa pamamaril sa bahay ng dalawang pamilya sa Barangay Capaculan, Milagros, Masbate. Nabatid sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni P/Maj. Rustom Dela Torre, hepe ng Masbate PNP, dead on the…

Read More

5 DUMAYO NG SABONG SA BATANGAS NAGLAHO *58 sabungero dinampot sa Cavite

BATANGAS – Malalimang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkawala ng limang kalalakihan mula sa Bulacan at hindi na nakauwi matapos na magpunta sa sabungan sa Lipa City, Batangas. Kinilala ng Calumpit Municipal Police Station ang dalawa sa mga biktima na sina Edgar Malaca, 50-anyos, barangay kagawad, at Alexander Quijano, 50-anyos, parehong residente ng bayan ng Calumpit. Base sa salaysay ng kapatid ni Malaca, bandang alas-10:30 ng gabi noong Enero 6, 2022 nang umalis ang kapatid nito at kaibigan sakay ng puting van patungo sa sabungan sa Lipa City para magsabong. Kinabukasan, nakausap pa…

Read More

PNP NAGTALAGA NG LADY SPOKESPERSON

BUKOD kay Police Brigadier General Roderick Alba, hepe ng PNP Public Information Office (PIO), nagtalaga na rin ng isang opisyal na tagapagsalita ang pamunuan ng Philippine National Police. Isang lady spokesperson ang hinirang ni PNP chief, Police General Dionardo Carlos bilang tagapagsalita sa mga isyu na may kaugnayan sa pinuno ng pambansang pulisya. Si Police Colonel Jean Fajardo, isang PNPA graduate at lady lawyer, ang itinalaga ni Gen. Carlos bilang kanyang bagong tagapagsalita. Miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Kaagapay” Class of 1996 at nagtapos ng abogasya sa Jose…

Read More

343 HULI SA GUN BAN

PATULOY sa pagtaas ang bilang ng nahuhuling lumalabag sa ipinaiiral na total gun ban ng Commission on Elections na ipinatutupad ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine kaugnay sa papalapit na eleksyon. Pumalo na sa 343 ang bilang ng mga lumabag sa nationwide gun ban na ipinatutupad na 45,638 Comelec-PNP-AFP checkpoints, mula sa naitalang 318. Sa datos na ibinahagi ng PNP, 25 ang pinakahuling nadagdag, 23 ang sibilyan at dalawa naman ang security guards. Lahat aniya ng mga naaresto ay kanila nang sinampahan ng kaukulang kaso. Sa kasalukuyan…

Read More

BAYANIHAN 3, DDR BILL TINULUGAN SA KAMARA

NANAWAGAN si dating House Speaker Rep. Alan Peter Cayetano sa kanyang kapwa mambabatas sa Mababang Kapulungan na maipasa na ang Bayanihan 3 and Department of Disaster Resilience (DDR) bill bago magsara ang sesyon sa darating na Pebrero 4. Ani Cayetano, higit na kailangan ngayon ang “political will” sa hanay ng mga senador, kongresista at Palasyo sa hangaring maisalang sa plenaryo ang aniya’y dapat sana’y iprayoridad lalo pa’t mayroon ng lamang dalawang linggo ang nalalabi bago magdeklara ng adjournment na hudyat ng simula ng kampanya. “Parang basketball din ‘yan, yung last…

Read More

Sapat na pagkain pasok sa plataporma GUTOM SOLB SA BBM-SARA UNITEAM

TULUYAN nang matutugunan ang gutom sa bansa sa sandaling maupo bilang susunod na Pangulo si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, ayon kay dating presidential spokesperson Harry Roque. Subalit hindi aniya sapat ang tugunan ang gutom sa ilalim ng kanyang ikakasang panukalang magbibigay ng sapat na panahon sa tambalang Marcos at sa magiging bise presidente nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Aniya, may naihain na siyang panukalang batas sa Kamara noong panahong siya’y kinatawan pa ng isang party-list group, isang adyendang kanyang umanong muling ihahain kung papalaring maging bahagi ng…

Read More

MENDIOLA MASSACRE 35 taong paghahanap ng hustisya

(BERNARD TAGUINOD) TATLO’T kalahating dekada na ang nakararaan, hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 13 magsasaka na kabilang sa mga nagsagawa ng kilos protesta sa paanan ng Palasyo ng Malacañang sa Mendiola, Manila na nanawagan sa noo’y pangulo ng bansa na si Corazon Aquino ng makatotohanang land reform. “Pinatay ng gobyerno ang mga magsasakang may lehitimong kahilingan, at wala ni isa ang naparusahan sa mga kriminal na pulis at militar,” panangis ni Rafael Mariano ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) habang ginugunita ang ika-35 anibersaryo ng Mendiola…

Read More