KALIGTASAN NI CONG. ARNIE TEVES TINIYAK NG MARCOS ADMIN

TARGET NI KA REX CAYANONG MALAYO na ang nilalakbay ng isyu laban kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves. Kung anu-ano ang ibinabato laban sa kanya kahit wala namang basehan. Kinakaladkad siya sa usapin ng pagpaslang kay Gov. Roel Degamo. Aba’y nasa labas ng bansa ngayon si Teves. Nangangamba nga ito sa kanyang kaligtasan. Nagpapasaklolo na rin siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa sobra na raw ang pagdidiin sa kanya ng ilang taga-gobyerno. Sa kanyang social media post, isiniwalat ni Teves na may natanggap siyang impormasyon na ginagamit daw ang…

Read More

LAMAN NG ALLWIN CONTAINERS 1140-1141 NANGANGANIB NA HINDI MAIPAMIGAY?

RAPIDO NI TULFO KASALUKUYANG ipinamamahagi na ng Bureau Of Customs ang mga laman ng natitirang Allwin containers 1140-1141 na nailabas sa pamamagitan ng auction na ginanap, ilang linggo na ang nakararaan. Ang nanalo sa bidding ay isang kumpanya na ayon sa aking source ay konektado rin di-umano sa grupo nina Robert Uy ng Association of Bidders at the Bureau of Customs (ABBC). Si Robert Uy ng Agbay Enterprises ay ang nanalo rin sa bidding ng 16 Allwin Containers na kasama sa 18 containers na inabandona sa ahensiya ng Allwin. Naisulat…

Read More

WAGE HIKE NAMAN

PATULOY na mangangalampag ang mga grupo ng mga manggagawa habang hindi natutugunan ng gobyerno ang kanilang hinihirit na dagdag-sahod. Humihingi ang mga manggagawa ng minimum wage hike na P530 sa lahat ng rehiyon sa bansa. Maiipit ang gobyerno sa pagitan ng mga manggagawa at employer at kapitalista. Balanseng pagtimbang sa rason at posisyon ng magkabilang panig ang dapat pairalin ng gobyerno sa pagresolba sa usapin na maaaring humantong sa pansamantalang pagkaparalisa o tigil-trabaho sa hanay ng mga manggagawa o ang bantang pagsasara at pagbabawas ng empleyado ng mga namumuhunan. Hindi…

Read More

Dedma sa banta ng China PBBM NANINDIGAN SA DAGDAG EDCA SITES

(CHRISTIAN DALE) SA kabila ng banta ng China, kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan ang Estados Unidos na mag-station ng tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa. Matatandaang nagbabala ang China na ang pagpayag sa mas maraming sites sa ilalim ng PH-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay makapagdudulot ng malubhang pinsala sa Pilipinas. “There are four extra sites scattered around the Philippines. There are some in the north. There are some around Palawan. There are some further south,”…

Read More

Drug war victims makapagkokomento sa kaso APELA NG PINAS TINABLA NG ICC

HINDI pinagbigyan ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na huwag payagan ang mga biktima ng drug war na lumahok sa paglilitis. Gayundin ang Office of Public Counsel for Victims (OPCV) na magkomento sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Papayagan naman ng Appeals Chamber ang Office of Public Counsel for Victims, na gumawa ng written observations sa gobyerno ng Pilipinas tungkol sa mga interes ng mga biktima. May kabuuang 90 aplikante ang pumirma sa apela na…

Read More

KONGRESO BAKASYON NA

SIMULA na bukas, Marso 25, ang limang linggong bakasyon ng mga mambabatas sa kanilang plenary work. Noong Miyerkoles ng gabi ay tuluyang nag-adjourn ang session ng mababang kapulungan ng Kongreso subalit bukas lamang magsisimula ang kanilang pormal na session break na magtatagal hanggang Mayo 7. Babalik ang session ng Kongreso sa Mayo 8 kung saan isang buwan lamang magsesesyon ang mga ito at muling mag-aadjourn sa Hunyo 2, kasabay ng pagsasara ng 1st Regular Session ng 19th Congress. Bubuksan ang 2nd Regular Session sa July 24, 2023 kasabay ng ikalawang…

Read More

33 OPISYAL NA DAWIT SA PHARMALLY SINUSPINDE

TATLUMPU’T tatlong opisyales ng gobyerno – kabilang si Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao – ang pinatawan ng anim na buwang suspensyon ng Office of the Ombudsman kaugnay ng di umano’y overpricing sa mga COVID-19 testing kits na binili ng Department of Budget and Management (DBM) mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation tatlong taon na ang nakalipas. Sa kalatas na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires, nakitaan ng sapat na dahilan para isailalim ng ‘preventive suspension’ si Lao at iba pang mga opisyales mula sa DBM at Department of Health. Bukod kay Lao,…

Read More

SERYE NG PAGSABOG INIULAT SA MASBATE

CAMP ELIAS ANGELES, San Jose, Pili, Camarines Sur – Ginimbal ang mga residente ng magkakasunod na pag-atake ng hinihinalang Communist Terrorist Group (CTG) na gumamit ng ipinagbabawal na anti-personnel mines (APMs) sa Masbate nitong Marso 22. Ito’y kasunod ng naitalang magkahiwalay na engkwentro sa nasabing lalawigan. Una rito ay sa Barangay Locso-on, Placer, kung saan dalawang sundalo ang nasugatan habang isang M16 rifle at tatlong magazine ang narekober ng tropa ng pamahalaan matapos ang pangyayari. Kasunod nito, ay dalawang pulis rin ang nasugatan sa Barangay Gaid sa bayan ng Dimasalang…

Read More

“BIG TIME” SA MAYNILA TIMBOG SA DROGA

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang 32-anyos na jobless makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Quiricada Street, Barangay 255, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Wilson Pascual, alyas “Big Time”, binata at residente ng Quiricada Street, Tondo. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses III, commander ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang matimbog ang suspek sa nasabing lugar. Bago isinagawa ang buy-bust operation, nakipagkoordina ang Station Drug Enforcement Team (SDET) sa tanggapan ng Philippine Enforcement Drug…

Read More