PH ENVOY SA CHINA PAUWIIN SA PINAS BILANG PROTESTA

PARA sa isang prominenteng kongresista sa Kamara, higit na kailangan ipadama ng Pilipinas ang pagkadismaya sa pinakahuling pambabarako ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong sundalong naglalayag sa West Philippine Sea. Mungkahi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa Palasyo, pabalikin na lang sa Pilipinas si Philippine Ambassador Jaime Flor Cruz bilang protesta sa insidente sa Ayungin Shoal kung saan nalagay sa peligro ang buhay ng mga Pilipinong bantay-dagat matapos ‘pinahan’ ng Chinese Coast Guard ang BRP Malapascua. Paglalarawan ni Rodriguez, ‘David versus Goliath’ ang insidente sa pagitan ng…

Read More

Netizens sa administrasyong Marcos Jr. ‘GOBYERNONG SHORTAGE’

KINANTYAWAN ng netizens ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang anila’y ‘gobyernong puro shortage’. Ito ay matapos ang sunod-sunod na kakapusan sa bansa magmula sa bigas, asukal, sibuyas, at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino hanggang sa pati na ang mga iniisyung ID at lisensya ay hindi na rin natutugunan ng mga ahensya nito. Matapos ianunsyo ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade na kakapusin ang ahensya ng plastic cards dahil 147,000 na lamang ang nalalabi sa kanilang imbentaryo, agad pumalag ang mga…

Read More

BALASAHAN SA PNP NAKAAMBA

NAKAAMBA ang balasahan o galawan ng posisyon sa hanay ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagkakahirang kay PNP Chief PGen Benjamin Acorda Jr. bilang bagong pinuno ng pambansang kapulisan at ang pagreretiro ni dating PNP chief Rodolfo Azurin Jr. Bukod sa mga magaganap na galawan ay may mga nakatakda ring magretiro sa hanay ng third level o senior PNP officers. Subalit bago umano magkaroon ng reshuffle ay dadaan muna sa vetting process ang key officers ng PNP hinggil sa kanilang performance. Ayon kay PNP-Public Information Office chief PCol. Redrico…

Read More

‘BAKUNA PUSH’ SA HALIP MANDATORY FACE MASK – PBBM

HINDI pa nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na oras na para ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask, sa kabila ng pagtaas muli ng COVID-19 cases sa bansa. Sa halip, binanggit ng Pangulo ang pangangailangan na itaas at paigtingin ang vaccination efforts lalo na sa mga kabataan. “We will have to conduct again, especially for young people, we’ll have to conduct again a vaccination push para mabawasan na ‘yan, para mabawasan ‘yan especially with people being a little bit, shall we say, nahihirapan na nga eh dahil sa…

Read More

BABY GIRL PATAY SA RAPE?

CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite police ang pagkamatay ng isang taong gulang na baby girl na hinihinalang namatay dahil sa pang-aabuso sa Imus City nitong Lunes ng madaling araw. Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Imus ang biktimang natuklasang may dugo sa kanyang ari. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Anthony Macario ng Imus City Police, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang isugod sa ospital ang biktima dahil umano sa pang-aabuso subalit hindi umabot nang buhay. Nakitaan ng pagdurugo ang ari ng biktima kaya inaalam kung ginahasa ito. Ayon…

Read More

RIDER TODAS SA MINI BUS

CAVITE – Patay ang isang motorcycle rider nang banggain ng isang mini bus habang papatawid sa isang intersection sa bayan ng Kawit, sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Alvin General Ferrarin, nasa hustong edad, habang kinilala ang driver ng Isuzu RB mini bus na may plakang DWY 476, na si Michael Aplacador, nasa hustong edad. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Nelvin Trajico ng Kawit Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Rusi habang binabagtas ang Centennial Highway dakong alas-5:20 kamakalawa ng…

Read More

DATING SANGKOT SA DROGA ITINUMBA NG TANDEM

LUCENA CITY – Patay ang isang lalaking dating nakulong dahil sa illegal drugs, matapos na pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa noong Linggo ng gabi. Nalagutan ng hininga habang nakaupo sa minamanehong tricycle ang biktimang si Randy Arguiñoso Baldonado, 33, residente ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City. Batay sa report, dakong alas-11:45 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle sa Old Maharlika Highway patungong  Lucena City proper nang habulin ito ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Pagtapat sa biktima ay pinagbabaril ito ng backrider. Mabilis ding tumakas ang mga suspek matapos…

Read More

PULIS NA-HEAT STROKE SA DUTY, PATAY

CAVITE – Pinaniniwalaang namatay dahil sa heat stroke ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang makaramdam ng hirap sa paghinga habang nagpapatrulya sa Trece Martires City noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si P/SMsgt. Joselito Alegre Amparo, 45, may asawa, ng Trece Martires City, at Patrol member ng Trece Martires City Police Station. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Frisian Marie Navarro ng Trece Martires City Police, nagpapatrulya ang biktima kasama si PSMSgt. Joseito Amparo sa kahabaan ng Conchu Hugo Perez Road ng nasabing lungsod nang makaramdam umano ito ng…

Read More

Walang kadala-dala NAIA SAPOL MULI NG POWER OUTAGE

MULING binatikos ni Senate committee on public services chairperson Grace Poe ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport na anya’y tila walang natututunan sa mga nakalipas na aberya sa paliparan kasunod ng power outage nitong Labor Day. Sinabi ni Poe na ang panibagong insidente ay bunsod ng hindi maayos na sistema sa paliparan kayat libu-libo ang naaberya. Ang kawalan anya ng air conditioners sa ilang bahagi ng paliparan ay hindi lamang inconvenient sa mga pasahero kundi nagbibigay rin ng negatibong epekto sa kalusugan. Hindi anya katanggap-tanggap na tuwing may brownout,…

Read More