NAIINTRIGA ang publiko kung bakit ayaw bumitaw sa kanyang posisyon bilang kalihim ng Department of Agriculture si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. gayung hindi niya magawang dumalo sa mahahalagang pulong ng ahensya. Sa social media, hinimay ng mga netizen ang mga posibleng dahilan ng pananatili ni BBM sa DA. Tulad ng inaasahan, umiral ang malilikot na imahinasyon ng mga netizen dahil marami ang naniniwala na malapit sa Palasyo ang mga sangkot sa smuggling na siyang pangunahing dahilan umano kaya nais ni BBM hawakan ang DA. Matatandaang sa pagdinig sa Kamara,…
Read MoreDay: August 28, 2023
KONTRIBUSYON NI SEC. OPLE KINILALA SA ARAW NG MGA BAYANI
KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon sa pagdiriwang ng National Heroes Day ang marangal at napakagandang kontribusyon ng namayapang si dating Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople sa pagpo-promote ng kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs). Kasabay ito ng tribute ni Pangulong Marcos sa “unsung heroes” na walang kapaguran na itinuon ang kanilang buhay sa public service. Sa talumpati ng Pangulo sa commemorative ceremony sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, Lunes ng umaga, sinabi ni Pangulong Marcos na isang “perfect example” si Secretary Ople bilang isang…
Read MoreP125-M CONFI FUND NI SARA UBOS SA 19 ARAW
NAUBOS sa loob lang ng labing siyam (19) na araw ang isang daan at dalawamput limang (125) milyon pisong confidential funds ni Vice President Sara Duterte na hindi kasama sa 2022 national budget. Ito ang ibinuko ni House deputy minority leader at ACT party-list Rep. France Castro kaugnay ng kuwestiyonableng confidential fund ni Duterte na lalong nagpainit sa bangayan ng dalawang opisyal. Ayon kay Castro, nirelease ng Department of Budget and Management (DBM) noong December 13, 2022 ang SARO-BMB-C-22-0012004 sa Office of the Vice-President (OVP) na naghahalaga ng P221,424,000. Sa…
Read MoreCOMMUTERS’ GROUP SINITA PAGSAWSAW NG MBC SA DESISYON NG OMBUDSMAN
PINUNA ng isang commuters’ group nitong Linggo ang pagsawsaw ng Makati Business Club (MBC) sa mga desisyong inilabas ng Office of the Ombudsman. “Mind your own business,” ang ipinarating na mensahe ng Lawyers for Commuters Safety and Protection sa MBC matapos maglabas ang huli ng pahayag na pinarerekonsidera kay Office of the Ombudsman Chief Samuel Martires ang desisyon nitong alisin na sa serbisyo sina Manila International Airport Authority (MIAA) acting general manager Cesar Chiong at acting assistant general manager Irene Montalbo, dahil sa kasong ‘grave abuse of authority’. “The Makati…
Read MoreP1.4-M DROGA, 5 KATAO SILAT SA MARINES
NAGING instrumento ang mga tauhan ng Philippine Marines para masamsam ang nasa P1.4 million halaga ng shabu at pagdakip sa limang kasapi ng lawless element group sa isinagawang joint law enforcement operation sa Zamboanga City. Ayon kay Philippine Navy Public Information Office chief Commander Benjo Negranza, base sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., bukod sa nasamsam na droga ay limang kalalakihan din ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation sa bisa ng hawak nilang warrant. Kinilala ang mga nadakip na…
Read MoreAKYAT-BAHAY HULI SA NAIWANG T-SHIRT
CAVITE – Dahil sa naiwang t-shirt, nakilala at naaresto ang isang 26-anyos na lalaking pumasok at tumangay ng mahigit sa P38,000 cash sa isang bahay sa Imus City, noong Linggo ng gabi. Nasa kustodiya na ng Imus City Police ang suspek na si Zildjan Sarno y Paredes, 26, binata, ng Imus City, dahil sa reklamo ni Merle Ramirez y Sabale, 69, ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Edilberto Reyes Jr., ng Imus City Police, pinasok ng suspek ang bahay ng biktima sa Brgy. Anabu 1-F,…
Read MorePUMATAY SA MAY-ARI NG FEEDS SHOP, ARESTADO
CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang suspek sa pagpatay sa may-ari ng feeds shop na natagpuang nakasilid sa sako na itinapon sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, dalawang linggo na ang nakararaan. Tumanggi pa ang pulisya na pangalanan ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso, bagama’t kinilala ito bilang si “Nicolo Drew”, 22, ng Amadeo, Cavite. Sinasabing aminado ang suspek sa pagpatay sa biktimang si Joseph Oliver Ilagan, nasa hustong edad, nang pasukin nito ang tindahan ng feeds upang magnakaw. Ngunit nakita ito ng biktima naging dahilan…
Read More13 TRIPULANTE NASAGIP SA LUMUBOG NA FISHING VESSEL
BATANGAS – Isang fishing vessel na may sakay na 13 tripulante ang lumubog sa karagatang sakop ng bayan ng Calatagan sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ayon sa Philippine Coast Guard Station (PCGS)-Batangas, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Agutaya police station sa Cuyo Group of Island sa Palawan, na may lumubog na sasakyang pandagat sa bisinidad ng Batangas. Agad nagresponde ang mga tauhan ng PCG Batangas at napag-alaman na isang fishing boat na may pangalang Anita DJ II na pag-aari ng IRMA Fishing company, ang lumubog sa karagatan,…
Read MoreVIRAL EX-COP HINUBARAN NG LTOPF AT PTCFOR
BINAWI na ng Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) ang License to Own and Possess Firearm (LTOPF) maging ang firearm registration at permit to carry ni Wilfredo Gonzales, ang retiradong pulis na nag-viral dahil sa pananakit at panunutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City. Sa inilabas na pahayag ng PNP, ipinag-utos na ng Firearms and Explosives Office ang pagbawi sa lisensya at permit ni Gonzales kasunod ng insidenteng kinasangkutan nito malapit sa Welcome Rotonda. Si Gonzales ay matatandaang nag-viral sa social media matapos manampal, manakit at magkasa ng…
Read More