TINUKOY na ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong vlogger na sangkot umano sa pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ito’y matapos muling dumulog sa DOJ ang Presidential Communications Office (PCO) upang magsumite ng panibagong referral kaugnay sa kumalat na fake news.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, natukoy na ang mga administrator ng social media pages na nasa likod ng umano’y malisyosong paninira.
Kabilang sa pinaiimbestigahan ang mga personalidad na sina:
Iloy Bugris: The Queen of Revelations
Rigondola Ping
Crage Anderpal
Dahil dito, inirekomenda ng DOJ sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mas malalim na imbestigasyon laban sa mga nasabing indibidwal.
Magugunitang unang nagsampa ng reklamo ang PCO nitong Lunes upang tugisin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon hindi lamang sa kalusugan ng Pangulo kundi pati sa iba pang isyu.
(JULIET PACOT)
93 