IMEE KAY PBBM: POLITIKO SA LIKOD NI MADRIAGA ‘WAG KUNSINTIHIN

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na huwag kunsintihin ang mga politikong gumagamit sa nagpakilalang ‘bagman’ ni Vice President Sara Duterte.

Kasabay nito, pinalagan ng senadora ang mga alegasyon ni Ramil Madriaga sa Kamara nitong Martes.

Direktang tinawag ni Marcos na sinungaling si Madriaga kasabay ng paggiit na walang katotohanan ang sinasabing term sharing nina Pangulong Marcos Jr. at VP Sara.

Sinabi ni Marcos na isa siya sa nagsulong ng tandem ng kapatid at ng kaibigan na si VP Sara at wala sa kanilang mga naging usapan ang kasunduan para sa paghahati ng termino.

Tanong din ni Marcos kung anong kinalaman ng mga pahayag ni Madriaga sa impeachment ng Bise Presidente.

“Who you ka, Madriaga? Sinungaling ka, Madriaga…At ang lahat ng gustong marinig at pakinabangan ang mga kasinungalingan mo ay may naghihintay na kwarto sa impyerno,” diin ni Marcos.

“Inuulit ko, sinungaling ka Madriaga at hindi ako papayag na gamitin mo at ng mga kasamahan mo ang oras, ang espasyo, ang dignidad ng kahit na anong opisina, ang tunay na pagbuo ng UNITEAM,” dagdag ni Marcos.

(DANG SAMSON-GARCIA)

92

Related posts

Leave a Comment