METRO MANILA, GAANO KAHANDA SA MALAKAS SA LINDOL?

RAPIDO ni PATRICK TULFO MAHIGIT isang linggo na ang nakalilipas mula nang yanigin ng magnitude 7.6 na lindol ang Ishikawa Prefecture sa Japan. Sa huling tala ay umabot na sa 160 na katao ang namatay at pinangangambahang lalaki pa ang bilang. Kilala ang Japan sa malalakas na lindol kaya’t karamihan sa mga gusali at istraktura dito ay sinasabing earthquake proof dahil normal na lang sa kanila ang pagyanig ng lupa. Katulad ng Japan, nasa Pacific Ring of Fire din ang Pilipinas, kung saan malalakas na lindol ang naitatala. Pero gaano…

Read More

EKONOMIYA 2024

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO UNA, gusto nating batiin ng isang Masaganang Bagong Taon ang pamunuan ng Saksi Ngayon. Ano ang hinaharap ng ating ekonomiya ngayong 2024? Well, mukhang maganda ang simula natin ngayong taon dahil ipinasa ng Kamara ang national budget na P5,786 trillion para sa 2024 na ang halaga ay mas mataas ng 9.5 percent sa nakaraang taon. Ang pag-apruba sa HB 8980 o ang General Appropriations Act ay kasunod ng pagsertipika ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa panukalang batas sa Kamara bilang ‘urgent’. Ito ang nagbigay daan…

Read More

PAGBUHAY SA BICOL EXPRESS

TARGET ni KA REX CAYANONG SA unang pulong ng Maharlika Investment Corporation (MIC) noong nakaraang linggo, tila nagiging mas malinaw ang landas patungo sa modernisasyon ng rail industry sa bansa. Isang pangarap na isinusulong ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan na hindi matatawaran ay ang kahalagahan ng pamumuhunan sa iconic na Bicol Express. Ayon kay Yamsuan, ang paglago ng Bicol Express ay hindi lamang magbubunga ng mga oportunidad sa rehiyon ng Bicol, kundi maging sa buong Luzon. Isinusulong niya ang pangangailangan na muling itaguyod ang PNR-Bicol bilang isang moderno…

Read More

7 SA 10 PINOY DISMAYADO KAY MARCOS JR.

PITO sa sampung Pilipino ang hindi umano kumbinsido kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. hinggil sa sistema ng pagtugon sa mabilis na pagsirit ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ayon sa isinagawang pag-aaral ng Pulse Asia . Ito ay sa likod ng ulat naman ng Philippine Statistics Authority na mas bumaba ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong nakaraang taon. Ayon sa Pulse Asia Survey, hindi kumbinsido ang pito sa sampung mga Pilipino sa aksyon ng gobyerno patungkol sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing…

Read More

P14-B PONDO SA CHA-CHA ISININGIT SA BICAM

SININGITAN sa Bicameral conference committee ng P14 billion ang 2024 General Appropriations Act (GAA) na gagamitin para amyendahan ang 1987 Constitution kung saan hindi lamang economic provisions kundi nais ding palawigin ang termino ng mga politiko. Isiniwalat ito ni Liberal Party (LP) at Albay Rep. Edcel Lagman matapos matuklasan na may isiningit na P14-B ang mga House at Senate contigent sa Bicam at P12 billion naman ang idinagdag sa budget ng Commission on Elections (Comelec). Ayon sa mambabatas, nakalaan ang pondong ito para sa “Conduct and supervision of elections, referenda,…

Read More

POULTRY PRODUCTS NG BELGIUM AT FRANCE BAN MUNA SA PINAS

IPINAGBAWAL ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng manok at iba pang poultry products mula Belgium at France sa gitna ng outbreak ng bird flu sa mga nasabing bansa. Sinabi ng DA na ang poultry ban ay ipinalabas kasunod ng pag-uulat ng Belgium at France ng kani-kanilang outbreaks sa Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa domestic birds sa World Organization for Animal Health (WOAH). Tinuran pa ng departamento na ang Belgium at France, nagsi-share ng border, halos magkasabay na nag-ulat ng bird flu…

Read More

TRASLACION 2024 MAAYOS, PAYAPA

PAYAPANG naidaos ang taunang Traslacion ng Itim na Nazareno kahapon bagaman hindi pa rin naiwasan ang mga nasaktan at pagkakaroon ng basura. Agad namang naglinis ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Parkways Clearing Group sa Quirino Grandstand matapos ang “Pahalik” at Misa Mayor. Karamihan sa mga basurang nakolekta ng MMDA ay mga pinagkainan ng mga deboto at plastic bottles. Umabot naman sa daan-daang deboto ang nilapatan ng paunang lunas ng mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) makaraang maipit sa buhos ng mga deboto na sumama sa prusisyon. Sa…

Read More

MS. RODRIGUEZ NG ACT AGRI-KAAGAPAY, NAGPAKAIN NG LIBU-LIBONG DEBOTO NG BLACK NAZARENE

LIBU-LIBONG deboto ng Black Nazarene sa Quiapo, Maynila ang pinakain at pinainom ng presidente ng Act Agri Kaagapay Organization na si Ms. Virginia Ledesma Rodriguez. Dalawang araw na namigay ng tubig, pagkain, pansit, puto at tinapay si Ms. Rodriguez sa mga deboto ng itim na Nazareno. Inikot ni Ms. Rodriguez ang mga kalsada sa palibot ng simbahan ng Quiapo para ipamigay ang kanyang dala-dalang pagkain sa bawat masalubong niyang deboto. Tinatayang nasa 25 libong deboto ang kanyang napakain. Aniya, taon-taon niyang ginagawa ang pagpapakain ng mga deboto bilang pagbabahagi ng…

Read More

OCD NAGBABALA NG AFTERSHOCKS KASUNOD NG MAGNITUDE 7.1 QUAKE SA DAVAO OCCIDENTAL

AGAD na naglabas ng babala ang Office of Civil Defense (OCD), ang operational armed ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), sa publiko na posibleng makaranas ng malakas na aftershocks ang ilang lugar sa lalawigan ng Davao Occidental. Ito ay matapos na yanigin ng magnitude 7.1 earthquake ang Sarangani Island sa Davao Occidental nitong madaling araw ng Martes base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Ang nasabing lindol ay kasunod lamang ng nangyaring magnitude 7.4 earthquake sa Surigao del Sur, isang buwan lamang ang nakalilipas. Ayon…

Read More