KONTRATA NG MGA LOPEZ KAY RAZON DEHADO ANG CONSUMERS

MY POINT OF BREW ni JERA SISON NALANTAD na sa publiko ang mas mataas na presyo ng kuryente na dulot ng bagong kontratang pinasok ng mga planta ng Lopez group sa grupo ni Enrique Razon. Ayon kasi mismo sa kanila, mayroon nang bagong Gas Sale and Purchase Agreement (GSPA) para sa natitirang gas mula sa Malampaya. Pero lumabas sa singil nila sa Meralco ngayong Pebrero na mas mataas pa ito kaysa dati. Ayon sa Meralco, may 12% na dagdag sa presyo ng Malampaya gas sa ilalim ng bagong GSPA ng…

Read More

CONG. AMBEN AMANTE, ‘HANDS-ON’ NA LIDER

TARGET ni KA REX CAYANONG NGAYONG panahon kung saan ang pagiging public servant ay madalas na nasusukat sa dami ng proyektong naipatutupad, nangingibabaw ang pangalan ni Congressman Loreto “Amben” Amante bilang isang tunay na halimbawa ng dedikadong paglilingkod. Hindi lamang siya isang aktibong mambabatas sa Kongreso kundi isang hands-on na lider sa kanyang distrito. Ang kanyang pangalan ay hindi lamang kilala sa loob ng mga pader ng Batasang Pambansa kundi maging sa bawat sulok ng Ikatlong Distrito ng Laguna. Kamakailan, nakamit ni Cong. Amben ang pagkilala bilang Top 1 sa performance…

Read More

MARATHON HEARING NG KAMARA SA CHA-CHA LALARGA SA LUNES

SISIMULAN sa Lunes ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang marathon hearing sa kanilang economic Charter change o Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na kahalintulad umano ng RBH No. 6 ng Senado. Sa press conference sa Kamara, sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na sisimulan ang pagdinig sa RBH No. 7 sa Lunes kung saan target nila magkaroon ng tatlong beses kada linggo na hearing. “We’re going to hear it for a couple of weeks until all questions have been satisfied… With three hearings a week I’m…

Read More

1 pang Bugatti Chiron nabawi na LTO TIKOM PA RIN BIBIG SA NAREHISTRONG LUXURY CARS

NA-RECOVER na ng mga operatiba ng Bureau of Customs katuwang ang National Bureau of Investigation ang asul na smuggled Bugatti Chiron sa isang posh subdivision sa Muntinlupa. Ito ang ikalawang luxury car na parehong nagkakahalaga ng Php165 million na narehistro sa Land Transportation Office (LTO) nang walang kaukulang dokumento. Matapos ang ilang buwang paghahanap sa tulong ng ilang informants ay natunton ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang asul na Bugatti Chiron. Unang isinuko ang pulang Bugatti Chiron ng may-ari nito na taga-Muntinlupa. Patuloy naman ang pagsisiyasat ng BOC-CIIS…

Read More

BALANCED APPROACH NG GOBYERNO NG INDUSTRIYA NG TABAKO, KINASTIGO

SINITA ni Senador Alan Peter Cayetano ang ipinatutupad na balanced approach ng gobyerno pagdating sa industriya ng tabako. Tinukoy ng senador ang balanseng pagturing ng mga ahensya ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga magsasakang nagtatanim ng tabako at mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Cayetano na napakaliit ang kinikita ng mga magsasaka kumpara sa mga kapitalista. Tinukoy ng senador na sa P160 billion na kinikita sa Tobacco Industry sa isang taon, nasa P1 bilyon lamang ang napupunta sa mga magsasaka. Binatikos…

Read More

1 PATAY, 4 SUGATAN SA TRUCK VS TRIKE SA ANTIQUE

ANTIQUE – Patay ang isang tricycle driver habang sugatan ang apat na pasahero nito matapos bumangga ang kanilang sinasakyan sa kasalubong na truck sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Sebaste sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang namatay na biktimang si Leon Ambos, 63, taga Brgy. Idio, Sebaste, Antique. Ayon sa kuha ng video na ibinahagi ng isang netizen, makikita na tumilapon sa kalsada ang ilan sa mga biktima habang ang iba naman ay kasama ng tricycle na nahulog sa malalim na bahagi ng gilid ng highway. Dumiretso naman…

Read More

P398-M SMUGGLED YOSI NASABAT NG PHIL. NAVY

IPINADE-DEPORT ng Philippine Navy ang crew ng Indonesian vessel na nahuli matapos magpuslit ng tinatayang P398 milyong halaga ng smuggled na mga sigarilyo mula sa Indonesia patungo sa bansa. Noong Lunes, pormal ng hiniling ng Philippine Navy sa pamamagitan ng kanilang Naval Task Force 61 Units ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM), sa Bureau of Immigration sa Manila, ang pag-deport sa mga dayuhang smuggler. Noong Pebrero 1 nang masabat ng mga tauhan ng NFWM sa karagatan ng Tawi-Tawi ang cargo vessel na naglalaman ng smuggled na mga sigarilyo matapos makatanggap…

Read More

3 TERORISTA NALAGAS SA ESCALANTE ENCOUNTER

TATLONG kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Negros Island ang napatay ng tumutugis na mga tauhan ng Philippine Army habang ilang mataas na kalibre ng baril ang nasamsam sa serye ng sagupaan sa Sitio Mansulao, Barangay Pinapugasan, sa Escalante City Unang nakasagupa ng Army’s 79th Infantry Battalion habang nagsasagawa ng combat operations, bandang alas-11:00 noong Miyerkoles ng tanghali, ang nalalabing mga miyembro ng dismantled Northern Negros Front (NNF) habang nagsasagawa ng pangingikil sa lugar. Tumagal ng kulang isang oras ang sagupaan bago nagpasyang umatras ang grupo ng communist New…

Read More

215 KATAO ARESTADO SA SACLEO SA BATANGAS

UMABOT sa 215 na indibidwal ang naaresto sa limang araw na isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations o SACLEO, ng Batangas Police Provincial Office simula Pebrero 15 hanggang 19. Ayon sa report ni Police Colonel Samson B. Belmonte, Provincial Director Batangas PPO, 42 wanted persons ang naaresto sa bisa ng inihaing warrant of arrests, 12 dito ay tinaguriang most wanted persons (MWP) at 30 naman ang nabibilang sa other wanted persons (OWP). Samantala, sa iba pang operasyon, 56 personalidad na sangkot sa ilegal na droga ang arestado at tinatayang…

Read More