INFLATION RATE NITONG MAYO BUMILIS SA 3.9%

(CHRISTIAN DALE) PATULOY ang pagsirit ng presyo ng “consumer goods at services” sa Pilipinas para sa ikaapat na sunod na buwan noong Mayo. Ito’y sa gitna ng mabilis na pagtaas ng ‘utility at transportation costs’ sa nasabing panahon. Ayon kay National Statistician at Philippine Statistics Authority (PSA) chief Claire Dennis Mapa, ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo, umakyat ng 3.9% noong Mayo, bahagyang tumaas mula sa 3.8% rate noong Abril. Ito ang “fastest inflation reading” ngayong taon at pinakamabilis sa loob na anim na…

Read More

DU30 PAGPAPALIWANAGIN SA TRANSFER NG P47.6-B FUND

IPATATAWAG ni House deputy minority leader France Castro si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na oversight committee hearing ng House committee on appropriations para magpaliwanag sa P47.6 billion na pondo ng Department of Health (DOH) na ipinalipat umano nito sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM). Pahayag ito ni Castro kasunod ng pag-amin ni dating Health Secretary Francisco Duque III na mismong si Duterte ang nag-utos na ilipat ang nasabing pondo sa PS-DBM noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. “Mag-move tayo next hearing to summon former president…

Read More

INTERNAL PNP LEGAL OFFICE PINAPOPORMA

IPINAG-UTOS na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-aaral para sa posibleng paglikha ng legal department sa loob ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi bilang ”defense council” ng anoman at sinomang police officer. Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga pulis laban sa harassment at “flimsy accusations.” “We’ll create an office, the legal office within the PNP who will be the defense council of any policeman who is charged with whatever complaint, crime. Mayroon at mayroon silang tatakbuhan kaagad na…

Read More

SALESLADY PATAY SA BUNDOL NG BUS

ISABELA – Patay ang isang saleslady nang masalpok ng pampasaherong bus sa national highway sa bayan ng San Mateo sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Kinilala ng San Mateo Police ang biktimang si Julie Dumo, 49, residente ng Barangay Sinamar Sur sa nasabi ring bayan. Batay sa report ng pulisya, galing sa trabaho ang biktima nang masalpok ng Victory Liner bus pasado alas-7:00 ng gabi. Umo-overtake umano ang bus sa isa pang sasakyan nang mahagip nito ang biktima na noon ay nasa kabilang lane at patawid ng kalsada kung saan…

Read More

BUS NAHULOG SA KANAL SA DAVAO DEL SUR, 4 SUGATAN

DAVAO DEL SUR – Apat na pasahero ang sugatan nang mahulog sa kanal ang isang pampasaherong bus sa Digos-Makar Road, sa national highway sa Purok 3, Barangay Balutakay sa bayan ng Hagonoy, sa lalawigan noong Martes ng madaling araw. Ayon sa Davao del Sur Provincial Police, binabaybay ng bus ang national highway papuntang Davao City nang mawalan ng kontrol ang driver dahil basa at madulas ang kalsada bunsod ng mga pag-ulan. Nag-overshoot ito sa kalsada at patagilid na nahulog sa kanal sa gilid ng highway. Sa video ng isang netizen,…

Read More

BAYAN SA NEGROS OCCIDENTAL ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

BUKOD sa Canlaon City, nagdeklara na rin ng state of calamity ang La Castellana sa Negros Occidental Ayon kay Mayor Rhumyla Nicor Mangilimutan ng La Castellana, bagama’t higit sa dalawang barangay lamang ang direktang apektado ng ash fall noong Lunes ng gabi ngunit ang amoy ng asupre ay nakaapekto sa 13 barangay ng bayan. Pinaghahandaan din ng LGU ang posibilidad na lumalala pa ang sitwasyon dahil kung pagbabasehan ang naunang pattern ng pag-aalburuto ng bulkan noon ay maaari pa itong magkaroon ng kasunod na pagsabog. At ito ang pinaghahandaan pa…

Read More

EDDIE GARCIA ACT, TAGUMPAY PARA SA MOVIE/TV WORKERS – NOGRALES

IKINATUWA ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para maging batas ang Eddie Garcia Act noong nakaraang Huwebes. “Nagagalak tayo na sa wakas, pagkatapos ng ilang taon na pagsisikap ay napirmahan na ang Eddie Garcia Act. Malaking tagumpay ito para sa mga manggagawa sa movie and television industry,” ani Nograles, chairman ng House Committee on Labor and Employment. Ang Republic Act No. 11996, ay nilagdaan ni Pres. Marcos noong Mayo 24, na nag-uutos sa implementasyon ng work hours, wages at iba pang…

Read More

4 nahuling pulis ‘kumanta’ POLITIKO, BI OFFICER DAWIT SA KIDNAPPING NG 4 DAYUHAN

(JESSE KABEL RUIZ) ITINURO ng apat na naarestong pulis ang isang dating politiko at isang Immigration officer na kasabwat umano nila sa pagdukot sa apat na dayuhan sa Pasay City. Tinutugis na ang mga tinukoy na indibidwal kabilang ang sibilyan na umano’y mastermind bagaman hindi muna pinangalanan ang mga ito. Kahapon, iniharap sa media ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Francisco Marbil ang mga suspek na sina Police Major Christel Carlo Villanueva, Police Senior Master Sergeant Angelito…

Read More

AFP TUMULONG SA EVACUATION SA PAGSABOG NG KANLAON

NAG-DEPLOY ng kanilang mga tropa ang AFP Visayas Command na nakabase sa Cebu, bilang paghahanda para sa humanitarian aid at disaster response kaugnay ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon. May kabuuang 464 tauhan ang naka-standby na binubuo ng mga opisyal, enlisted personnel, at mga miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA). Ayon kay Lt. Gen. Fernando Reyeg, commander ng VISCOM, bitbit ng ipinadalang personnel ang kinakailangang disaster response equipment, mobility, at communication assets. Ang mga miyembro ng 62nd Infantry Battalion ay tumulong sa forced evacuation ng 1,685 indibidwal mula sa apektadong mga…

Read More