ALLOWANCE SA PUBLIC TEACHERS PIRMADO NA

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong Lunes ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, naglalayong suportahan ang mga public school teachers sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng allowances. Layon ng nasabing allowance na pagaanin ang ‘financial burdens’ o pasanin sa pananalapi na nauugnay sa pagbili ng teaching supplies at materials, upang sa gayon ay magawa ng mga guro na mag-pokus sa kanilang mahalagang papel sa edukasyon at mas maliit na out-of-pocket expenses. Itinakda ng bagong batas ang initial teaching allowance na P5,000 kada guro para sa School Year (SY)…

Read More

DIVORCE DAAN SA KALAYAAN NG INAABUSONG ASAWA

TANGING Divorce ang pag-asa ng mga inaabusong asawa na makalaya, maibalik ang respeto sa sarili at maging masaya muli sa kanilang buhay. Pahayag ito ng pangunahing may-akda sa nasabing panukala na si Albay Rep. Edcel Lagman sa gitna ng pagkulimlim ng pag-asa na magkaroon ng Absolute Divorce sa bansa dahil maraming senador ang hindi pabor dito. “This divorce law will give the opportunity to abused spouses, particularly tormented women the opportunity to regain freedom, self respect and happiness,” paliwanag ng mambabatas. Hindi rin aniya labag sa 1987 Constitution ang Divorce…

Read More

PUBLIKO PINAG-IINGAT SA PANGANIB NA HATID NG BULKANG KANLAON

PINAYUHAN ng Department of Health (DoH) ang publiko na manatili sa loob ng bahay habang nag-aalburuto ang Bulkang Kanlaon na posibleng maghatid ng panganib sa buhay at kalusugan ng mga tao. Sa isang advisory na ipinalabas ng kagawaran, iwasang lumabas ng bahay o evacuation center kapag hindi kinakailangan at maging alerto sa mga kondisyon ng kalsada. Dapat ding maging istrikto na sundin ang mga ipinatutupad na batas-trapiko at maghanda ng emergency bag o Go Bag. Bilang tugon na rin ito sa patuloy na pag-alburuto na na-monitor ng Philippine Institute of…

Read More

P90-B PHILHEALTH FUND IPINAGKAIT SA MAHIHIRAP

(BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T binuhusan ng gobyerno ng limpak-limpak na salapi ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), halos P90 billion ang hindi nito ginamit para sa mahihirap, senior citizens at persons with disability (PWDs) sa nakaraang tatlong taon. Ito ang lumabas sa oversight committee hearing ng House committee on appropriations ukol sa napakalaking pondong hindi nagamit ng PhilHealth. Sa interpelasyon ni Marikina Rep. Stella Quimbo na siyang namuno sa imbestigasyon, kinumpirma ni PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr., na umaabot sa P89.9 billion ang excess funds sa government subsidy mula 2021 hanggang…

Read More

AFP NAGTALAGA NG BAGONG PINUNO NG EASTERN MINDANAO COMMAND

NAGTALAGA ang Armed Forces of the Philippine ng bagong mamumuno ng kanilang pwersa sa Eastern Mindanao Command. Hinugot si Major General Jose Maria R. Cuerpo II, ang commander ng 4th Infantry (Diamond) Division mula sa Northern Mindanao, para magsilbing Acting Commander ng AFP Eastern Mindanao Command. Hinalinhan ni MGen. Cuerpo si Lieutenant General Greg T. Almerol dahil sumapit na ito sa kanyang mandatory retirement age kasunod ng ginanap na Retirement and Change of Command Ceremony sa Naval Station Felix Apolinario sa Camp Panacan, Davao City. Pinangunahan ni Lieutenant General Charlton…

Read More

49 PULIS SA BAMBAN NI-RELIEVE SA PWESTO

SINIBAK sa pwesto ang 49 na pulis ng Bamban Municipal Police Station sa probinsya ng Tarlac, epektibo kahapon ng umaga, Hunyo 3, 2024. Ito ay kaugnay umano sa isinasagawang imbestigasyon sa POGO raid sa nasabing lugar. Pinangunahan ng hepe ng Region 3 na si PBGen. Jose Hidalgo Jr., ang turnover at relief sa mga tauhan ng nasabing istasyon dakong alas-7:30 ng umaga nitong Martes. Pansamantalang itatalaga ang na-relieve na mga pulis sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng Police Regional Office 3 para sumailalim sa FORM POLICE, sa Schools…

Read More