Suspetsa lalong lumakas MARCOS HINDI NALINIS SA ‘POLVORON’ VIDEO

(BERNARD TAGUINOD) SA halip humupa ang haka-haka, lalong dumami ang nagdududa kahit pa itinanggi ng mga opisyal ng pamahalaan na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lalaking nasa viral video na may tila pulbos na sininghot. Nakasaad ito sa inilabas na pahayag ni Davao Rep. Paolo “Polong” Duterte kasabay ng pagtanggi na may kinalaman ang Hakbang ng Maisug national leadership sa paglabas ng nasabing video. Nagkalat na sa social media ang nasabing video kung saan makikita na akmang gumagamit ng cocaine ang lalaking itinurong si Marcos Jr., na ipinalabas sa…

Read More

P10-B SA 2025 BUDGET MAPUPUNTA SA HMO BENEFITS NG GOVERNMENT WORKERS

KABILANG sa P6.35-trillion na panukalang national budget para sa 2025 ang alokasyon na nagkakahalaga ng halos P10 billion para sa health maintenance organization (HMO) benefits ng mga manggagawa ng gobyerno. “It’s almost P10 billion, or P7,000 per employee. Per year po. Because we [government workers] do not have health maintenance,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isang panayam. “We don’t have HMO for check-ups and when we need to be hospitalized. We don’t have that incentive,”ayon sa Kalihim sabay sabing “This is in the 2025 budget for the medical…

Read More

PROTEKTOR MAPIPILAY SA POGO BAN

KUNG mayroong maapektuhan nang husto sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na pormal na ipinaba-ban ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay hindi ang sambayanang Pilipino, kundi POGO politicians at mga protektor nila sa gobyerno. Ito ang pahayag ni House committee on dangerous drug chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos ideklara ni Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, ang total ban sa POGO, legal man o ilegal at kailangang mawala na ang mga ito bago matapos ang taon. “The total ban…

Read More

SUSPEK NANG-AGAW NG BARIL PATAY, 2 PULIS SUGATAN

PINAIIMBESTIGAHAN ng Leyte Police Provincial Office (LPPO) ang pagkasugat ng dalawang tauhan ng Philippine National Police, isa rito ang malubhang nasugatan habang patay naman ang suspek na sinasabing nang-agaw ng baril sa loob mismo ng presinto sa bayan ng Javier sa Leyte. Nabatid sa paunang imbestigasyon, kusang pumunta sa himpilan ng pulisya ang suspek sa kasong frustrated murder para sumuko dahil napag-alaman niya umano na may lumabas ng warrant of arrest para dakpin siya. Ayon sa ulat na ibinahagi sa media ni Police Major Ronald Puso, hepe ng Javier Municipal…

Read More

LALAKI NAHULOG SA INAKYAT NA PUNO NG MANGGA, PATAY

QUEZON – Nasawi ang isang lalaki matapos na mahulog mula sa malaking puno ng mangga na kanyang inakyat sa Brgy. Talisay, sa bayan ng Tiaong noong Lunes ng tanghali. Agad nalagutan ng hininga at hindi na nadala pa sa ospital ang biktimang si Anisito Saludario Sildo, 43-anyos, matapos na mabagok ang ulo nito. Ayon sa report ng Tiaong Police, dakong alas-12:00 ng tanghali nang akyatin ng biktima ang puno ng mangga para manguha ng bunga. Subalit nang nasa 20 feet na taas na ito, napaapak ito sa isang malutong na…

Read More

$37-B REMITTANCES NG OFWs TUMBASAN SANA NG LIVELIHOOD PROGRAM

AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP NAKATUTOK ang buong bansa sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) upang mapakinggan at alamin ang mga programa at proyekto na ipinagkakaloob at ipagkakaloob pa lamang ng Marcos administration. Taon-taon ay nakatutok ang tenga ng mga OFW upang alamin kung ang sektor na kanilang kinabibilangan ay kanilang maririnig na banggitin ng ating pangulo. Hindi nga nabigo ang mga OFW lalo na nang bigyan-diin ni PBBM ang kanyang pasasalamat sa mga OFW. Ipinagmalaki pa nga…

Read More

POGO BAN IKINALUGOD NG PAGCOR

TARGET NI KA REX CAYANONG AGAD na aaksyunan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Ang makapangyarihang aksyon na ito, na inanunsyo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Marcos, ay makakaapekto sa tinatayang 42,000 Pilipinong manggagawa. Subalit ang matapang na hakbang na ito, kahit na may kaakibat na hamon, ay naglalayong bigyang-prayoridad ang pangmatagalang kapakanan ng bansa kaysa panandaliang benepisyong pang-ekonomiya. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni PBBM ang pangangailangan na…

Read More

HINDI IPINIPILIT RESPETO, KUSA ITONG IBINIBIGAY

EDITORIAL LINGGO ng hapon, halos sumabog sa ngitngit ng netizens ang social media at nagkakaisang kinuyog ang isang transgender na personalidad na nakabase sa Cebu, dahil sa ginawa nito sa isang waiter ng restaurant na pinuntahan nito. Tawag-pansin ang personalidad nakuhanan ng litrato habang nakaupo at nakaharap naman sa kanya na tila hiyang-hiya ang waiter. Ang dahilan: Tinawag ni kuya waiter ang gay na personalidad na “Sir”. At hindi pa roon iyon natapos. Nag-sorry na ang waiter ay hindi pa tinantanan ng ‘feelingerang’ entitled transgender. Ayon sa netizens, dalawang oras…

Read More

8 patay sa Habagat at bagyo ARMY, NAVY, AIR FORCE NAKAALERTO KAY CARINA

UMAKYAT na sa walo katao ang iniulat na nasawi bunsod ng pinagsanib na epekto ng southwest monsoon o habagat, at tropical cyclones Butchoy at Carina sa malaking bahagi ng bansa habang nasa mahigit 800 libo naman ang apektado. Kahapon, naglabas ng babala ang National Disaster and Risk Reduction Management Council hinggil sa posibleng mga pagbaha sa ilang mga lugar sa Luzon dala ng walang tigil na mga pag-ulan kaya pinag-iingat ang sambayanan. Sa inilabas na situation report ng NDRRMC nitong Martes, Hulyo 23, pito sa walong iniulat na nasawi ang…

Read More