ANG KAHALAGAHAN NG PAGPILI NG TAMANG KANDIDATO

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HABANG papalapit na ang national at local elections sa ating bansa, napakahalaga para sa ating mga botante na maging matalino sa kanilang mga pagpipilian. Sa halo ng mga celebrity, dating convict, at social media influencers na tumatakbo para sa opisina, nakae-excite ang eksena pero nakalilito rin. Bagama’t kapana-panabik na makakita ng pamilyar na mga mukha sa pulitika, dapat nating tandaan na hindi lahat ng nagbibigay aliw sa atin sa screen o online ay may karanasan o dedikasyon na maglingkod sa bansa nang epektibo. Una,…

Read More

WALANG BUMANGGIT SA INDUSTRIALIZATION

DPA ni BERNARD TAGUINOD NATAPOS na ang paghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ng mga tatakbo sa 2025 election mula Senado hanggang konsehal ng bayan at lungsod noong Martes at siyempre may mga naglatag na agad ng kanilang plataporma. Ang napansin ko lang, walang nagsusulong ng industriyalisasyon sa mga kandidato, lalo na sa Senado at Kongreso, at maging sa local government units (LGUs) para magkaroon ng dagdag na trabaho ang mga tao. Mabuti pa ang military industrialization ay nabigyan ng atensyon pero hindi ang commercial industrialization na kailangang na…

Read More

MAY ITINATAGO NGA BA SI VP SARA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NOONG nakaraang congressional hearing na ginanap noong September 18, 2024, pabalang at pabastos na tumanggi si Sara Duterte, ang nanunungkulang bise presidente ng bansa at nakaraang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, na sumumpa bilang isang resource person. Ayon sa kanya, siya ay hindi naroon bilang isang testigo kundi bilang isang resource person lamang kung kaya’t hindi siya dapat sumumpa. Ibig sabihin, naroon lamang siya bilang isang reference at hindi niya kailangang magsabi ng totoo. Puwede siyang sumagot sa kahit anong paraan na gusto niya at…

Read More

AKO BICOL PARTY-LIST MULING TATAKBO SA 2025 MIDTERM POLLS

MULING naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance ang Ako Bicol Party-List upang ipagpatuloy ang mga programang isinusulong nito sa Kongreso. Pinangunahan nina Ako Bicol Party-List Congressman Zaldy Co at Alfredo ‘Pido’ Garbin ang paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections noong Lunes. Nabatid sa isang pahayag, iniulat ng Ako Bicol Party-List kung saan dinala ang mga proyektong nakuha nito sa mga nakalipas na taon. Kabilang dito ang pagpapagawa ng mga lansangan at tulay, ospital, school buildings, solar street lights, solar-powered water and irrigation projects, pabahay, trabaho sa mga disadvantaged…

Read More

Alegasyon ng korupsiyon vs Lagdameo kinondena

MAHIGPIT na binatikos ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim ang akusasyon ng korupsiyon laban sa regional government at kay Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. Batay sa akusasyon, na pinangunahan ng political figures sa rehiyon, si Lagdameo ay nag-misappropriate ng bilyon-bilyong piso para sa pagpapaunlad ng BARMM. Sa isang statement, sinabi ni Ebrahim na ang alegasyon ay “mapanirang-puri” at “entirely fabricated”. Nagpahayag siya ng pagkabahala sa posibleng pinsala na maaaring idulot ng alegasyon na ito sa reputasyon ng mga indibidwal na may…

Read More

Habang nasa foreign trip si BBM VP SARA ETSAPWERA NA BILANG ‘CARETAKER’

HINDI kasama si Vice President Sara Duterte sa magiging caretaker ng Pilipinas habang nasa Lao PDR si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para dumalo sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits. Sa katunayan, sinabi ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez na ang mga tatayong caretaker ng bansa ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III at Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla. Si Bersamin ang tatayong chairman ng committee of caretakers. ”It is an Executive Committee chaired by ES, with Secretaries of Justice…

Read More

PINOY SA SAUDI ‘DI NAISALBA NG MARCOS ADMIN SA BITAY

BINITAY ang isang Pilipino sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa kasong pagpatay sa isang Saudi national. Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa ng departamento ang lahat ng posible sa kaso ng akusadong Pilipino kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of appeal, subalit nabigo lamang sila. “No official confirmation from Saudi authorities yet but yes, our Embassy in Riyadh reports that there was an execution. It was for murder of a Saudi national over money,” ayon kay De Vega.…

Read More

Cha-cha ‘wag bigyan ng tsansa – Atty. Rodriguez TUNAY NA OPOSISYON IUPO SA KAMARA, SENADO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINAALALAHANAN ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez ang taumbayan na mahalaga ang pagboto ng mga tunay na oposisyon sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa 2025 National at Local Elections (NLE). Ito ay upang mahadlangan ang posibleng muling pagsusulong ng Charter change sa Kamara at Senado sa susunod na taon. Sa pagharap ni Rodriguez sa mga mamamahayag sa forum sa Quezon City noong Biyernes, umapela ito sa sambayanang Pilipino na maglagay ng dominant o effective opposition sa Kamara at Senado at huwag hayaan na makontrol ito…

Read More

DAGDAG PONDO SA FREE COLLEGE EDUCATION ISUSULONG

HIHILINGIN ni Senador Win Gatchalian na madagdagan ng pondo ang free college education sa susunod na taon upang mapunan ang P3 bilyong budget deficit sa implementasyon nito. Sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program, nasa P23.38 bilyon ang inilaang pondo para sa libreng kolehiyo. Kapos ito sa kinakailangang P27.078 bilyon ng Philippine Association of State Universities and Colleges upang maipatupad ang libreng kolehiyo para sa School Year 2025-2026. Binigyang-diin ni Gatchalian na kung hindi matutugunan ang deficit, hindi makakakuha ng karagdagang guro ang mga State Universities and Colleges (SUCs), makakabili…

Read More