Tanong kay Marikina 2nd District Quimbo MULTI-MILYONG FLOOD CONTROL PROJECTS NASAAN?

UMAALMA ang mga residente ng Distrito Dos ng Marikina City kung bakit nakararanas sila ng matinding pagbaha, sa kabila ng milyun-milyong pisong flood control projects ni 2nd District Rep. Stella Quimbo. Ngayon, sinisingil ng mga residente si Quimbo kung saan napunta ang napakalaking budget para sa mga flood control project. Ayon sa Facebook video post ng isang netizen, napakaraming flood control projects sa 2nd District ang nakalista sa pangalan ni Quimbo. Kung susumahin, nasa mahigit kalahating bilyong piso ang halaga ng flood control projects ang nakalaan para sa siyudad ng…

Read More

SOLON DISMAYADO KAY BBM SA ‘DI PAGPAPAHALAGA SA IBA’T IBANG WIKA SA PINAS

DISMAYADO ang isang mambabatas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil hinayaan nito mag-lapse into law ang panukalang batas na magtatanggal sa mother tongue bilang medium of instruction sa kindergarten hanggang Grade 3. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, sa ginawa ni Marcos ay mistulang pagtalikod sa iba’t ibang wika sa Pilipinas kaya hindi nito naitago ang kanyang labis na pagkadismaya gayung maaari namang i-veto ito ng Pangulo. “Ang pag-abandona sa Mother Tongue ay pagtalikod sa iba’t ibang wika ng bansa at ang ambag nito sa iba’t ibang kultura…

Read More

LIFE IMPRISONMENT, WALANG PAROLE NAKAUMANG SA MASASANGKOT SA EJK

HABAMBUHAY na pagkakabilanggo at hindi bibigyan ng parole ang mga otoridad na masasangkot sa extra-judicial killings (EJK). Ito ang nakapaloob na parusa sa House Bill (HB) 10986 o Anti-Extrajudicial Killing Act kung saan ituturing na bilang “heinous crime” ang EJK na naging popular noong panahon ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. “This bill seeks to explicitly criminalize extrajudicial killings, ensuring that any individual, regardless of rank or position, who is found guilty of participating in, authorizing, or condoning such acts will face appropriate criminal penalties,” ayon sa nasabing panukala.…

Read More

Kahit ‘di pinagagamit ng gov’t covered court TULONG PINANSYAL SA MONTALBEÑO TULOY-TULOY – REP. NOGRALES

(JOEL O. AMONGO) TINIYAK ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles na kahit na hindi sila pinagagamit ng mga covered court ng gobyerno sa iba’t ibang barangay ng Montalban ay hindi nito mapipigilan ang kanilang isinasagawang tulong pinansyal sa kanilang mga kababayan. Sa harapan ng 1,500 benepisyaryo ng tulong pinansyal, mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), humingi si Nograles ng paumanhin dahil napalayo ang venue ng kanilang pamamahagi ng ayuda. “Kaunting tiis lang po, kahit na medyo nahihirapan kayo sa pagpunta dito ay sinisiguro ko po sa…

Read More

15,000 MULA SA INDUSTRIYA NG SINING TUMANGGAP NG CASH AID MULA SA BPSF

INILUNSAD ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang isang malawak na programa na nagkakahalaga ng P75 milyon, na layuning magbigay ng tulong pinansyal at mga pagkakataon sa pagpapahusay ng kakayahan para sa mahigit 15,000 miyembro ng industriya ng sining, kabilang ang pinansyal na suporta at iba pang mga serbisyo ng pamahalaan. Ang event na may paksang “Paglinang sa Industriya ng Paglikha” ay ginaganap ngayong Linggo hanggang Lunes sa PhilSports Arena (ULTRA) sa Pasig City, na layuning itaguyod ang mga propesyonal mula sa sektor…

Read More

PAMAHALAAN PATULOY SA PAG-AYUDA SA MAHIHIRAP – TULFO

TINIYAK ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na hindi titigil ang pamahalaan sa pagtulong at pagbibigay ng ayuda habang may mga kababayan tayong patuloy na naghihirap. “Anong kakainin o ipapakain sa pamilya nya kung hindi aayudahan ng gobyerno?” pahayag ni Tulfo, sa isang radio interview, hinggil sa usapin ng ayuda ng pamahalaan. Tugon ito ni Cong. Tulfo matapos matanong kung, “hindi kaya tinuturuan ng pamahalaan ang mahihirap na maging tamad dahil lagi na lang binibigyan ng ayuda?” Ayon naman sa House Deputy Majority leader na si Tulfo, “Hindi po lahat ng…

Read More

REQUEST NI ROMUALDEZ: GAMOT PARA SA DIALYSIS PATIENTS DURING SESSION, APRUB NA SA PHILHEALTH

PINASALAMATAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil sa mabilis nitong tugon sa kanyang kahilingan na pataasin ang presyo ng coverage ng per session ng hemodialysis para sa mga miyembro nito. Kamakailan lamang ay inanunsyo ng PhilHealth na ang package rate ng hemodialysis ay tumaas na sa P6,350 per session mula sa dating P4,000 para sagutin na rin ang mga kailangang gamot habang nasa dialysis session ang pasyente. Matatandaan na kamakailan ay inatasan ni Speaker Romualdez si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist…

Read More

BFP NAKAKUHA NG UNMODIFIED OPINION SA COA

NANINIWALA ang Bureau of Fire Protection (BFP) na patuloy itong tatanggap ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit (COA) para sa fiscal year 2023 bilang pagsunod sa Seksyon 43 ng Government Auditing Code of the Philippines (Presidential Decree No. 1445). Kaugnay nito, inaasahan ng BFP na maglalabas ng karagdagang budget ang Congress para sa modernization program ng bureau ngayong taon, may karagdagang P4.5 Billion ang ahensya na pambili ng mga makabagong kagamitan para isulong ang modernization program nito. Nabatid sa huling pagdinig ng Kongreso para sa budget ng BFP,…

Read More

Nakabangga ng motorista sa kalasingan 2 PNP-SWAT MEMBERS SINIBAK

NAHAHARAP sa kasong administratibo ang dalawang kasapi ng Special Weapon and Tactics (SWAT) ng Bacoor City Police Station, matapos mag-viral sa social media nang mabangga ang isang motorista dahil sa kanilang kalasingan. Inamin ni Police Lieutenant Colonel John Paolo Carracedo, hepe ng Bacoor Police, na tauhan nito ang dalawang hindi kinilalang pulis. Ayon kay Lt. Col. Carracedo, pansamantalang inilagay sa Cavite Provincial Administrative and Resource Management Unit ng PNP ang dalawang pulis habang sumasailalim sa imbestigasyon at tiniyak na isasailalim ang mga ito sa due process. Nabatid, nasa hot water…

Read More