“PWEDE PALANG MAGPATAYO NG SCHOOL BLDG. NANG ‘DI NANGUNGUTANG” – MAYOR HONEY

HAWAK ni Congressman Rolan ‘CRV’ Valeriano (2nd district) ang kapsula na naglalaman ng mga pahayagan para sa groundbreaking ng 10-storey annex building ng Universidad de Manila sa Vitas, Tondo. Nasa larawan sina (mula kaliwa) anak ni Valeriano na si Christine, Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo and UdM President Dr. Felma Tria. “PUPWEDE naman palang di mangutang para makapagpatayo ng isang mataas na paaralang gusali. Pwede palang lumapit lang sa isang kaibigan at manghingi, isang kaibigan na nagmamalasakit di lang sa kanyang distrito kundi sa buong Maynila.” Ito…

Read More

LAW OFFICE SA CAVITE, NILOOBAN

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa panloloob sa isang law office kung saan tinangay ang mahigit P27,000 na pondo ng opisina sa Tagaytay City noong Miyerkoles ng umaga. Ang nilooban ng ‘di pa nakikilalang mga suspek ay ang Sumagui Law Office and APC Lending Company sa Brgy. Mendez Crossing East, Tagaytay City. Ayon sa ulat, pumasok si Atty. Henry Tuazon sa kanilang tanggapan bandang alas-7:00 ng umaga subalit bumungad sa kanya ang nagkalat na mga papeles sa kanilang cabinet at drawers kaya agad niyang tinawagan ang isang…

Read More

TIRADOR NG BATERYA SUGATAN SA SEKYU

CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang lalaki makaraang barilin ng isang security guard nang tangkang agawin ang service firearm nito, habang pinaghahanap ang dalawa nitong kasamahan matapos maaktuhan habang ninanakaw ang baterya ng trailer truck at copper wires sa loob ng isang kumpanya sa Carmona City noong Miyerkoles ng gabi. Naka-hospital arrest sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila ang suspek na si alyas “Mario” dahil sa tama ng bala sa leeg mula sa service firearm ni Josiel Barsuleo, security guard ng Marovill Consolidated Resources Corp., sa…

Read More

P90-M KRUDO, TINANGKANG IPUSLIT SA BATANGAS PORT

BATANGAS – Napigilan ng mga awtoridad ang tangkang pagpuslit ng 1.8 milyong litro ng krudo mula sa isang barko na naka-angkla sa Batangas International Port noong madaling araw ng Miyerkoles. Huli sa akto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at mga miyembro ng Batangas Maritime Police Station (MARPSTA) ang paglilipat ng kargang krudo mula sa naka-dock na barkong MTKR Cassandra sa katabi nitong apat na tanker truck sa loob ng port dakong alas-3:45 ng madaling araw. Nakita rin ang malalaking hose na nakakonekta mula sa barko papunta sa…

Read More