TULAD ng inaasahan, ayaw pakawalan ng mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) na ipinabubura ng Senate Finance committee sa 2025 national budget. Sa press conference kahapon, hindi naitago ni House deputy majority leader Jude Acidre ang panghihinayang kung mawawala ang nasabing ayuda sa mga low income earner kaya dapat umanong ikonsidera ang rekomendasyon ni Senador Grace Poe na burahin ito sa pambansang budget. “I hope that our senators will go beyond the noise of issue but rather look at the program…
Read MoreDay: November 6, 2024
TAMBAY SA MARCOS ADMIN NASA 1.8M
(CHRISTIAN DALE) BUMAGSAK ang unemployment rate ng Pilipinas nito lamang buwan ng Setyembre subalit umakyat naman underemployment. Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi nito na ang jobless rate ay bumagsak sa 3.7% nito lamang Setyembre ng taong kasalukuyan mula 4% noong Agosto at 4.5% ng Setyembre 2023. Nangangahulugan ito na 1.89 milyong manggagawang Pilipino ang ‘unemployed’ noong Setyembre. Samantala, umakyat naman ang underemployment rate sa 11.9% noong Setyembre mula 11.2% noong Agosto at 10.7% noong Setyembre ng nakaraang taon. Nangangahulugan ito na 5.94 milyong manggagawa ang underemployed noong…
Read MorePCG ALL-SET NA SA BAGYONG MARCE
PREPARADO na ang lahat ng mga kagamitan ng Phil. Coast Guard-North Western Luzon upang magbigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng Bagyong Marce. Sinabi ni PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, nasa heightened alert ngayon ang lahat ng district station at substation sa North Western Luzon. Kinansela na rin ang lahat ng leave at day off ng mga tauhan ng PCG upang matutukan ang pagsalba sa mga naapektuhang residente. Nakahanda na rin ang lahat ng mga kagamitan ng coast guard gaya ng mga barko, rubber boat, chopper at iba pa para…
Read MoreDOJ PASOK SA EJK INVESTIGATION
PASOK ang Department of Justice (DOJ) sa imbestigasyon ng extra-judicial killings sa drug war ng Duterte administration. Ito ay matapos ipag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagbuo ng task force na kapapalooban ng mga prosecutor at mga tauhan ng National Bureau of Investigation para imbestigahan ang extra-judicial killings o EJK sa drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Base sa inisyung Memorandum Order No. 778 na may petsang Nobyembre 4, nakasaad na ang task force ay pangungunahan ng Office of the Secretary at mag-iimbestiga at tutulong sa pagsasagawa…
Read MoreSTAFF NI CONGRESSMAN JOLO REVILLA PATAY SA AKSIDENTE
NASAWI ang isang staff ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang Isuzu ref van sa Noveleta, Cavite, Martes ng gabi. Isinugod pa sa Divine Grace Medical Center ang biktima na si Rey Arevalo, 34, may-asawa ng Camia St., Green Valley, Molino II, Bacoor City, Cavite subalit namatay ito habang ginagamot. Hawak naman na ng pulisya ang driver ng Isuzu ref van na may plakang NFL 3644 na si Edwin Jaena, 48, ng Blk 61 Lot 6A La Paz Homes Brgy. Cabezas, Trece Martires…
Read MorePRAYER RALLY ISASAGAWA PARA SA KALIKASAN SA QUEZON
QUEZON – Magsasagawa ng prayer rally at forum ang mga grupo ng environmentalist upang ipanawagan ang pagprotekta sa kalikasan at likas na yaman sa lalawigan. Ayon kay Jay Lim ng Tanggol Kalikasan, isasagawa ang aktibidad na tinawag na “Lakad-Dasal para sa Kalikasan, Katotohanan at Kaligtasan” sa Biyernes ng umaga. Magsisimula ang paglalakad ng mga sasama sa prayer rally sa harap ng St. Ferdinand Cathedral sa Lucena City patungo sa kapitolyo ng Quezon upang hilingin sa pamahalaang panlalawigan na tuluyang ipatigil na ang iba’t ibang mga quarrying operation sa lalawigan. Ayon…
Read MoreLIVE-IN PARTNERS NIRATRAT SA BAHAY
QUEZON – Malubhang nasugatan ang mag-live-in partner matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa kanilang bahay sa Sitio Sampalok Lakers, Brgy. Malabanban Norte, sa bayan ng Candelaria noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Jose Zamora Abordo, 35, at Odesa Carandang Villena, 43 anyos. Ayon sa report ng Candelaria Police, natutulog ang mga biktima nang kumatok sa kanilang bahay ang mga suspek pasado alas-10:00 ng gabi. Nang pagbuksan ng mga biktima, bigla silang pinaputukan ng dalawang suspek. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang…
Read MoreNCRPO chief pumalag sa ‘extortion’ 3 PNP-ACG SIBAK SA RAID SA MALATE SCAM HUB
MARIING itinanggi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Sidney Hernia ang paratang na extortion sa kanilang hanay ang responsable sa pagsalakay sa umano’y scam hub sa Century Peak Tower, Malate, Manila. Ayon kay Hernia, lubhang “absurd and unfounded,” ang akusasyon laban sa kanya at 14 na iba pang opisyal ng kapulisan. Kasunod ng pahayag na handa nilang harapin ang anomang imbestigasyon para patunayang legal ang inilunsad na operasyon. “I will not tolerate any wrongdoing within our ranks, and I firmly urge the accusers to substantiate their…
Read MoreVP SARA ‘DI SINUNOD SARILING “NO GIFT POLICY”
MISMONG si Vice President Sara Duterte ang hindi sumunod sa kanyang “no gift policy” dahil sa mga sobreng may lamang pera na ‘regalo’ umano nito sa mga mataas na opisyal ng Department of Education (DepEd) na dati niyang pinamumunuan. Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, sinabi ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na naglabas ng patakaran si Duterte sa DepEd na huwag silang tatanggap ng anumang regalo. “I remember, some years ago when the Vice President is in DepEd, there’s a rule she makes…no gift…
Read More