NBI MAGIGING MAINGAT SA IMBESTIGASYON KAY VP SARA

TINIYAK ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na hindi sila magbibigay ng kopya ng mga tanong na gagamitin sa magiging imbestigasyon tungkol sa mga kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte sa planong pagpatay umano nito kay Pangulong Bongbong Marcos. Nilinaw ng kalihim, iikot lamang ang mga katanungan sa kung sino nga ba ang nautusan ng Pangalawang Pangulo para ipapatay si Pangulong Marcos at kung bakit niya nabitawan ang mga bantang iyon. Ito ay matapos maurong ang dapat sanang pagdalo ni VP Sara sa opisina ng…

Read More

VLOGGERS NEXT TARGET NG QUAD COMM

(BERNARD TAGUINOD) SUMULAT ang chairman ng Quad Committee sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga umano’y bayarang vloggers na nagpapakalat ng kasinungalingan para siraan ang komite na nag-iimbestiga sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), Illegal Drug Trades at Extrajudicial Killings (EJK). Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, bagama’t bahagi ng demokrasya ang kritisismo na ibinabato sa Quad Comm, hindi na umano dapat pang palagpasin ang ginawa ng mga vloggers na binabaligtad ang katotohanan, nagtatahi ng kasinungalingan na ikinakalat ng mga ito sa Youtube, Tiktok, Facebook…

Read More

DA WHO? MAYOR SA RIZAL OPERATOR NA RIN NG PERYA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SA halip na maging huwaran ng mga kabataan, hayagan ang kabalbalan ng isang alkalde ng isang bayan sa lalawigan ng Rizal. Ito ay dahil pati peryahan umano ay pinasok na rin nito sa hangaring makalikom ng pera para sa nalalapit na halalan. Tawagin natin sa pangalang Alanis the Lion ang mayor na higit na kilala sa Rizal sa sandamakmak na kabalbalan sa loob at labas ng lokal na pamahalaan. Sa kanyang bayan na matatagpuan sa baybaying bahagi ng Laguna de Bay, hindi lang isa ang kanyang…

Read More

P2.2-M ‘DAMO’ SINUNOG SA ILOCOS SUR

ILOCOS SUR – Umabot sa P2,225,000 halaga ng fully grown marijuana plants at marijuana dried leaves ang winasak at sinunog ng mga awtoridad sa nadiskubre nilang plantasyon ng marijuana sa Brgy. Licudan, sa bayan ng Sugpon, sa lalawigang ito noong Nobyembre 28. Nagsasagawa ng marijuana eradication operation sa Mt. Agay ang law enforcement officers mula sa Philippine National Police-Drug Enforcement Group Special Enforcement Unit (lead unit), National Bureau of Investigation, 1st Provincial Mobile Force Company La Union Provincial Office, Sugpon MPS, at PDEA La Union Provincial Office, nang madiskubre nila…

Read More

AYAW MAGBAYAD NG UTANG, NAMARIL

CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang lalaki makaraang barilin ang kanyang kapitbahay dahil sa paniningil nito sa kanyang utang sa bayan ng Kawit sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Kalayaan Hospital ang biktimang si Antonio Avila y Layson, 36, may asawa, ng Libis ng Nayon, Brgy. Wakas II, Kawit, Cavite dahil sa tama ng bala sa kanyang kaliwang paa makaraang barilin ng kapitbahay nito na si alyas “Benjamin”. Ayon sa ulat, dakong alas-7:10 ng gabi nang magkita ang magkapitbahay sa Brgy. Wakas kung saan…

Read More

POGO INVESTIGATION ITITIKLOP NA NG KAMARA

TATAPUSIN na ang imbestigasyon ng House Quad committee sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na isa sa tatlong usapin na inimbestigahan ng komite sa nakaraang limang buwan. Ito ang kinumpirma ni Quad Comm lead chairman Robert Ace Barbers kaugnay ng nasabing isyu na kinasasangkutan ng mga Chinese national na nagpanggap na mga Pilipino. “Marami na rin tayong natalakay sa usapin ng POGO. Pina-finalize na namin yung aming termination at committee report sa subject na ‘yan,” pahayag ni Barbers sa isang panayam kahapon. Ayon sa mambabatas, nakapaghain na ang mga ito…

Read More

NAUNSYAMING PAGPAPATALSIK KAY PBBM, UGAT NG GALIT NI VP SARA?

PINAG-UUSAPAN ngayon sa social media ang ilang post ng netizens na dahilan daw kaya galit na galit si VP Sara Duterte kay Speaker Martin Romualdez. Sa X post ng username na Laitera, na may higit 600,000 na ang nakabasa at may 3,300 likes, sinabi nito na taong 2023 nagsimula ang lahat nang tangkain umano na agawin ni dating pangulong Gloria Arroyo, na noo’y Senior Deputy Speaker, ang pagiging Speaker ni Martin Romualdez. Ang dahilan aniya ay para patalsikin si Pangulong Marcos sa pamamagitan ng impeachment para ipalit si VP Duterte.…

Read More

28,000 OFWs SA ISRAEL SINIGURO ANG KALIGTASAN—REP. ERWIN TULFO

SINIGURO ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang kaligtasan ng mahigit 28,000 manggagawang Pilipino sa Israel ngayon kasunod pa rin ng patuloy na giyera ng naturang bansa sa grupong Hamas sa Gaza City, Hezbollah sa Lebanon, at sa bansang Iran. Ito ang naging pangunahing paksa matapos ang courtesy visit ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa tanggapan ni Tulfo sa House of Representatives sa Batasan, Quezon City nitong Nobyembre 27. “My question, Mr. Ambassador, is that we have a lot of Filipino friends…

Read More

LIBRENG PAGHAHATID NG RELIEF GOODS SA MGA NASALANTANG LUGAR PASADO NA SA KAMARA

PINAGTIBAY ng Kamara de Representantes sa huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 10924 o ang “Free Transportation of Relief Goods Act” na nag-aatas na gawing libre ang freight services para sa pagbiyahe ng relief goods at donasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity. Layon ng panukala na resolbahin ang pagkaipit at pagkabalam ng disaster response sa pamamagitan ng pagtiyak na mabilis na makararating ang mga relief goods sa nasalantang komunidad. “This legislation creates a vital partnership between government and the private logistics sector, requiring free…

Read More