SINUPORTAHAN ng lead chair ng Quad Committee sa Kamara ang ikinakasang imbestigasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte dahil bukod sa bigo umanong nasugpo ang ilegal na droga ay naging dahilan ito ng lumalang corruption sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Noong Lunes ay inanunsyo ni DILG Secretary Jonvic Remulla na magsasagawa ang mga ito ng imbestigasyon dahil lumalabas umano na nagkaroon ng grand conspiracy sa PNP para itago ang criminal activities sa loob ng organisasyon. “While…
Read MoreDay: January 14, 2025
DMW, Embahada kinastigo sa kapalpakan BANGKAY NG NEPALESE IPINADALA SA PAMILYA NG NASAWING OFW
MARIING kinastigo ng isang mambabatas sa Kamara ang Department of Migrant Workers (DMW) at Embahada ng Pilipinas dahil imbes na bangkay ng OFW na namatay sa Kuwait ang iniuwi, labi ng kasamahan nitong Nepalese national ang dumating sa bansa. “This is a grave insult to the dignity of our OFWs and their families. Paano nangyari na ang bangkay ng isang Nepali national ang naiuwi sa Pilipinas samantalang ang pamilya Alvarado ay naghihintay sa kanilang ina? Malaking kapalpakan ito,” ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Ang tinutukoy ng mambabatas ay ang…
Read MoreKAUNA-UNAHANG OFW, NAISAKATUPARAN ANG PANGARAP NA MALIBOT ANG MUNDO MATAPOS ANG 10 TAON
PINATUNAYAN ng overseas Filipino worker at Digital Nomad na si Kach Medina Umandap ang kakayahan ng Pinoy worker na malibot ang buong mundo gamit lamang ang kanyang Philippine Passport. Ayon kay Kach, hindi naging madali para sa kanya ang ginawang paglibot sa 195 UN Countries lalo pa’t naipit siya noong kasagsagan ng pandemya. Ngunit sa kabila nito ay gumawa siya ng paraan at ipinagpatuloy ang kanyang pangarap. Noong 2013 nang magtrabaho si Kach bilang QA supervisor sa isang Kuwaiti hospital ngunit kalaunan taong 2014 ay umalis din ito para simulang…
Read MoreBAM AQUINO TITIYAKIN SAPAT NA PONDO SA EDUKASYON, KALUSUGAN AT SOCIAL SERVICES
DISMAYADO sa nabawasang pondo para sa mahahalagang programa at serbisyo, nangako si dating Senador Bam Aquino na titiyaking sapat na pondo para sa edukasyon, kalusugan, at serbisyong panlipunan sa mga susunod na pambansang budget kapag nanalo bilang senador sa 2025. “Hindi ko matanggap na bumaba yung budget ng mga ito. Kung bibigyan ng pagkakataon, uunahin talaga natin ang budget. Itong nakaraang budget, ang hirap talagang tanggapin na mayroong cuts sa edukasyon, sa kalusugan, at sa DSWD, pati na sa computerization program ng DepEd,” wika ng dating Senador sa panayam sa…
Read MoreANGKAS PINAKALIGTAS NA MC TAXI
PINURI ni Senador Grace Poe ang Angkas sa pangunguna nito sa pagbibigay ng tamang training sa mga rider nito para sa kaligtasan ng mga pasahero nito. “I commend Angkas for doing this kasi kayo ang nag-umpisang mag-professionalize nito,” wika ni Poe sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services. Ang Angkas ang kauna-unahang Transportation Network Company (TNCs) na nagsimula ng sarili nitong basic motorcycle driving program para mabigyan ng pormal na training ang mga rider nito para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero nito. Pinuri naman ni Senate Committee on…
Read MoreAIDE NI HARESCO NAHAHARAP SA KASONG PAGLABAG SA TERRORISM FINANCING ACT
NAHAHARAP ang top aide ni Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr. sa kasong paglabag sa Republic Act 10168, o “Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012,” umano’y pagbibigay ng pagkain at pera sa teroristang grupo na New People’s Army (NPA). Inakusahan si Benjie Tocol, kanang-kamay ni Haresco ng paglabag sa Sections 4 at 8 (ii) ng RA 10168, batay sa kasong isinumite ng Criminal Investigation and Detection Group Aklan Provincial Field Unit (CIDG-PFU), na kinatawan ni PMSG Bella Ladera. Inihain ni Ladera ang reklamo laban sa aide ni…
Read MoreSA PAGBABALIK NI YORME, TIYAK NA AAYUSIN ULI ANG MAYNILA, IBABALIK ANG NINGNING AT SIGLA NG SIYUDAD!
PUNTO DE BISTA ni Bambi Purisima DAHIL sa request po ng mga Batang Maynila, muli ko pong tatalakayin sa pitak na ito kung bakit kailangan nang bumalik si Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Bakit nga ba kailangang ibalik si Yorme Isko sa cityhall sa midterm elections sa Mayo 2025? Aksyon man kasi si Isko. Pagkatapos niyang talunin noong 2019 si dating Mayor President Joseph “Erap” Estrada ay agad na nagtrabaho ito sa unang buwan ng kanyang panunungkulan bilang alkalde — agad-agad nilinis niya ang maruruming kalsada ng Maynila. Agad na…
Read More‘RELIGION IS THE OPIUM OF THE PEOPLE’
KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari NAGSAGAWA ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) ng isang malawakang pagkilos nitong nakaraang Lunes sa 13 lugar sa bansa, pangunahin sa Quirino Grandstand sa Luneta sa Maynila. Tinawag nila itong “National Rally for Peace”. Bihirang magkaroon ng pagkilos ang INC lalo’t higit kung may nakatagong layuning pampulitika kahit sabihing pang “peace rally”. Nakasentro ang pagtitipon sa panawagan na muling magkaisa sina PBBM at Vice President Sara Duterte alang-alang sa sambayanang Pilipino. At…panggulantang din sa mga politiko. Malapit na ang eleksyon. Matatandaang sinuportahan…
Read MoreNLEX, HIGHWAY ROBBERY?
RAPIDO NI TULFO ILANG reklamo na ang natanggap ng RAPIDO tungkol sa nawawalang load ng Easy Trip na ginagamit ng mga motorista tuwing daraan sa North Luzon Expressway (NLEX). Ayon sa reklamo ng isang OFW, ang kanilang sasakyan ay nakagarahe lamang sa kanilang bahay sa Las Piñas City pero nakatatanggap umano ng notification ang kanyang misis, sa pamamagitan ng message mula sa mobile app na MPT Drive Hub, na nabawasan ang kanilang load matapos nitong dumaan sa Balintawak Toll Plaza. Agad umano silang nakipag-ugnayan sa pamunuan ng NLEX sa pamamagitan…
Read More