NAKATAKDANG i-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang 29 dayuhang POGO workers na naaresto sa Cavite matapos maaktuhang nag-ooperate ng illegal online gaming facility. Ginawa ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang anunsyo matapos maaresto ang mga dayuhan makaraang salakayin noong Miyerkoles ang private resort and events place sa Silang, Cavite. Sa nasabing operasyon, katuwang ng mga tauhan ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU), ang Anti-Terrorist Group (ATG), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at Criminal Investigation and Detection group (CIDG). Sinabi ni Viado, inatasan na ang mga prosecutor mula sa…
Read MoreDay: January 18, 2025
TOP MWP NASILO SA MAYNILA
INARESTO ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District, ang isang 54-anyos na jobless, sa bisa ng warrant of arrest, sa kasong acts of lasciviousness at child abuse, noong Miyerkoles ng umaga sa Carlos Palanca Sr. Street, Quiapo, Manila. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Damaso Burgos, hepe ng DIDMD, ang suspek na si Jose Madriaga, binata, residente ng Quiapo, Manila. Batay sa ulat ni Police Major Dave Garcia, hepe ng MPD-WSS, bandang alas-11:28 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa naturang lugar. Ang suspek ay kabilang…
Read More1 PATAY, 1 SUGATAN SA LANDSLIDE SA RIZAL
RIZAL – Patay ang isang construction worker habang isa pang biktima ang sugatan matapos matabunan sa nangyaring landslide sa Sitio Mayagay-1, Barangay Sampaloc, sa bayan ng Tanay, nitong Huwebes ng umaga. Ayon sa report ng Tanay Police, bandang alas-9:30 ng umaga, abala ang mga biktima sa paghuhukay para sa ginagawang bakod nang biglang bumigay ang malaking bahagi ng lupa at bumagsak sa kanilang kinatatayuan. Ayon sa Tanay Police, umuulan sa lugar nang mangyari ang insidente. Kaagad namang nagresponde ang iba pang mga trabahador sa lugar upang hukayin ang mga biktima…
Read MoreP1.5-M CASH, JEWELRY NALIMAS SA BASAG-KOTSE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1.5 milyong halaga ng cash at mga alahas ang natangay sa isang lady contractor matapos nabiktima ng ‘basag-kotse” sa parking area ng isang ospital sa Trece Martires City noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, ipinarada ng biktimang si alyas “Margie”, 54, ng Brgy. Pasong Kawayan 2, Gen. Trias City, Cavite, ang kanyang puting Toyota Land Cruiser na may plakang NCP 8904, bandang alas-7:00 noong Miyerkoles ng gabi sa parking area ng MV Santiago Medical Center sa Trece-Tanza Road, Brgy. De Ocampo, Trece…
Read MoreTiyahin ng mga suspek dyinowa FOREMAN BINUGBOG NG 2 TAUHAN
QUEZON – Isang foreman ang binugbog ng dalawang construction worker makaraang dyowain umano ng biktima ang tiyahin ng mga suspek sa Brgy. Lalig, sa bayan ng Tiaong sa lalawigan. Kinilala ang biktimang si Edmond Pasco, 41, residente ng Brgy. Cabibihan, Tagkawayan, Quezon. Pinaghahanap naman ang mga suspek na sina alyas “Ayan”, 25-anyos, at “Jovit”, 28-anyos, kapwa residente ng Brgy. Tagbakin, Tiaong, Quezon. Ayon sa imbestigasyon ng Tiaong Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-9:20 ng gabi noong Huwebes, habang nagpapahinga ang biktima at mga kasamahan nito sa ikalawang palapag…
Read MoreRIDER SUMALPOK SA KALABAW, KAPWA PATAY
QUEZON – Patay ang isang binata nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang kalabaw na biglang tumawid sa Barangay Road, Brgy. Macpac, sa bayan ng Catanauan sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Kenneth”, 24-anyos, residente ng Brgy. Tuhian, Catanauan. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-6:30 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang biglang tumawid sa kalsada ang kalabaw na walang tali. Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at kanyang motorsiklo sa kalsada. Napag-alamang wala itong suot na helmet o anomang…
Read MoreCRIME INCIDENTS SA METRO MANILA BUMABA NG 23%
NAKAPAGTALA ang Metro Manila ng pagbaba sa crime rate nitong huling tatlong buwan, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Base sa crime index na kanilang naitala mula huling linggo ng Nobyembre 2024 hanggang kalagitnaan ng Enero 2025, mas mababa ito ng 23.73 percent. Ayon sa PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), nakapagtala sila ng 768 index crimes noong nakaraang taon, mas mababa kaysa 1,007 na kaso noong 2023. Sa kanilang datos, nakumpiska ng NCRPO ang P153.29 milyong halaga ng ilegal na droga at inaresto ang 3,806 suspek mula sa…
Read MoreTRABAHO PARTYLIST SUPORTADO PAGPAPATIBAY NG TRILATERAL AGREEMENT NG PILIPINAS, US AT JAPAN
NAGPAHAYAG ng buong suporta ang TRABAHO Partylist para sa pagtutok ng Pilipinas, Estados Unidos, at Japan sa pagpapalakas ng kanilang trilateral na kasunduan na naglalayong pagbutihin ang seguridad at kooperasyong pang-ekonomiya sa rehiyon. Ang pahayag na ito ay kasunod ng magkasamang pangako ng tatlong bansa na palakasin ang kanilang partnership. Ang trilateral na kasunduan ay itinuturing na isang mahalagang hakbang upang tiyakin ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan sa rehiyon ng Indo-Pacific. Tinututukan nito ang mga karaniwang hamon tulad ng banta sa seguridad, pagbabago ng klima, at kaunlarang pang-ekonomiya. Binibigyang-diin ng…
Read MorePANELO: RALLY NG 1.8 MILYONG INC, HUWAG MALIITIN
HINDI dapat maliitin ninoman ang 1.8 milyong miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na nagsagawa ng rally nitong Enero 13 sa Quirino Grandstand. Ito ang sagot ni dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo kaugnay sa ipinahayag ni ACT Teachers Partylist Congresswoman France Castro sa lingguhang ‘The Agenda’ media forum sa Club Filipino sa San Juan City kahapon ng umaga. Sinabi kasi ni Castro na ang nasabing rally ay hindi sentimyento ng mayorya ng sambayanang Pilipino dahil ayon sa mambabatas, 41% ang sumusuporta sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.…
Read More