(BERNARD TAGUINOD) “THE question would be….sino ang nag-fill in the blanks mula sa bicameral conference report para ang makarating sa Pangulo ay wala nang blanko?” Ito ang ibinatong katanungan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos kumpirmahin na may mga blangko sa Bicam report ng 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion. Ayon kay Manuel, nakakita siya ng 14 blangko sa pinirmahan report ng mga miyembro ng Bicam na pinili ng dalawang kapulungan ng Kongreso para mag-usap sa magkaibang probisyon sa pambansang pondo. Karamihan aniya sa mga blangko o…
Read MoreDay: January 24, 2025
PUBLIKO BINALAAN NG DOH SA SCAMMER NA NAGPAPANGGAP NA SEC. HERBOSA
HINDI mangingiming kasuhan ng Department of Health (DOH) ang scammers na nagpapakilalang sila si Secretary Teodoro Herbosa na umano’y nanghihingi ng pera sa text message. Ang babala ay inilabas ng DOH sa publiko kasunod ng kumalat na nagpakilalang Secretary Herbosa sa pamamagitan ng text messages. Muling nilinaw ng DOH ang mga pinadadalang mensahe ay hindi nagmula sa kalihim at ang numerong ginagamit ay hindi pag-aari ng kalihim. Binalaan ng DOH ang mga gumagawa ng ganitong uri ng ilegal na gawain na mahaharap sila sa kaukulang kaso lalo na kung ito…
Read MoreSUBSTITUTE BILL SA TEENAGE PREGNANCY INIHAIN SA SENADO
NANINIWALA si Senator Risa Hontiveros na walang epekto sa inihain niyang substitute bill ang pagbawi ng lagda ng pitong senador sa committee report ng Senate Bill 1979 o Prevention of Adolescent Pregnancy Bill nang humarap siya sa mga mamamahayag sa lingguhang Kapihan sa Senado. (DANNY BACOLOD) ISINULONG ni Senador Risa Hontiveros ang pag-amyenda sa kontrobersyal na Senate Bill 1979 o ang proposed Prevention of Adolescent Pregnancy Act sa pamamagitan ng paghahain ng substitute bill. Sa kanyang substitute bill ay inalis ang katagang guided by international standards ang comprehensive sexuality education…
Read MoreBLANGKONG BICAM REPORT KUKUWESTYUNIN SA SC
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KUKUWESTYUNIN ng ilang grupo sa Supreme Court ang mga blangko umano sa bicameral conference committee report kaugnay ng 2025 national budget. Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Davao City Rep. Isidro Ungab na kasama siya sa mga mag-aakyat sa nasabing usapin sa Kataas-taasang Hukuman. Nais umano nilang malaman kung paano napunan ng detalye ang mga blangko sa bicam report bago ito nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at naging national budget law. “Considering that the P6.326-trillion GAA has already been signed by the President, there is…
Read MoreCHINESE AMBA KAILANGANG MAGPALIWANAG SA ESPIYA AT MONSTER SHIP – CONG. ERWIN TULFO
NAIS ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na magpaliwanag si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kung bakit ayaw umalis ng Chinese Coast Guard “monster ship” sa karagatan ng Zambales at ang pagkakaaresto sa isang Chinese spy sa Maynila kamakailan. Sa isang panayam, sinabi ni Cong. Tulfo na labis-labis na ang pambabastos ng China sa Pilipinas. “Hindi na sila nakuntento na pumasok sa ating Exclusive Economic Zone, tapos ngayon magpapadala pa sila ng espiya,” ani Tulfo. Aniya pa, ” I am sure alam ng Chinese…
Read MoreANTI-ESPIONAGE LAW KAILANGAN NA – SOLON
IGINIIT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na kailangan nang ipasa ang dalawang anti-espionage bills upang mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga nag-eespiya sa bansa. Ginawa ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang panawagan kasunod ng pagkakahuli ng Chinese spy na si Deng Yuanqing at dalawang Pilipino na kasabwat nito sa pag-eespiya sa bansa mula 2015. “The arrest of these suspected Chinese and Filipino spies should prompt Congress to immediately pass bills that would expand the coverage of the crime of espionage,” ayon sa…
Read MoreVIRGINIA RODRIGUEZ, NAPILING “OUTSTANDING FILIPINO WOMAN LEADER” NG AMERIKA PRESTIGE AWARDS
INANUNSYO ng Amerika Prestige Awards na ang Filipino businesswoman na si Virginia Ledesma Rodriguez ay napili ngayong taon bilang Outstanding Filipino Woman Leader, dahil sa kanyang ipinakitang exceptional innovation, leadership, community impact at bunsod ng kanyang kontribusyon sa pagpapahusay ng agrikultura at industriya ng edukasyon sa Pilipinas. Ang Amerika Prestige Awards ngayong taon ay idaraos sa Mayo 24, 2025 sa Church Of Scientology Valley Burbank Blvd. sa Los Angeles, USA, ayon kay Sam Azurel, president at founder ng Amerika Prestige Awards. Si Ms. Rodriguez, isang pilantropo at kilala sa kanyang…
Read MoreISKO UMALAGWA NA: 72% VOTING PREFERENCE SA PHILDATA TRENDS, 86% SA OCTA
KINUMPIRMA ng dalawang political survey ang hindi na mapipigilang pagbabalik ni dating Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Manila City Hall. Ayon sa resulta ng survey ng OCTA Research at Phil Data Trends, nagpapakita ng posibilidad na mananalo si Yorme Isko bunga ng malaking tiwala sa kanya ng mga botante ng Maynila. Sa ulat ng PhilData Trends, lumitaw na nakakuha si Isko ng 72.1% of voter preference sa buong Maynila, ayon sa isinagawang survey mula Enero 2 hanggang Enero 7, 2025. Nasa likod ni Yorme si Sam Verzosa na kumubra…
Read MorePAGBAWAS SA SAHOD AT PANANAKIT SUMBONG NG OFW SA SAUDI ARABIA
AKO OFW ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG ngayon sa AKO-OFW-Saksi ang isa nating kababayan na si Ideza Romano Soratos, 26 years old na kasalukuyang nasa TAIF Saudi Arabia. Ito’y upang humingi ng tulong para sa repatriation o di kaya’y pagkakaroon ng bagong employer at makapagsimula ng bagong trabaho. Hindi kasi maganda ang naging karanasan ni Ideza dahil sa pang-aabuso sa kanya ng anak ng kanyang amo. Inilarawan nito sa AKO-OFW-SAKSI, kung paano siya minamaltrato ng kanyang employer, bago pa man siya maka-tatlong buwan sa pagseserbisyo. Naranasan nito ang pag-ipit…
Read More