US EMBASSY NAGBABALA LABAN SA VISA SCAM

BINALAAN ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas ang publiko hinggil sa US visa scam na kumakalat sa mga social media na layunin ay makapanloko lamang ng mga visa applicant. Sa statement ng US Embassy sa Maynila, nilinaw nitong wala silang anomang transaksyon sa mga social media o direktang e-mail sa mga visa applicants para mabilis na maaprubahan ang isang visa application. Ayon sa embahada, nag-aalok umano ang mga scammer ng mabilis na approval ng US visa kapalit ng malaking halaga. Sinasabing pinapadalhan ng fraudulent emails and messages ng mga nagpapakilalang…

Read More

CHR PINASALAMATAN NI CONG. ERWIN TULFO SA SUPORTA SA HB 8987

LABIS ang pasasalamat ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa suporta ng Commission on Human Rights sa kanyang panukalang batas na Child support bill na “An Act punishing the willful failure to pay paternal child support or HB 8987. Sa isang panayam kay CHR Comm. Faydah Dumarpa, sinabi nito na inaabangan ng Komisyon ang pagsasabatas ng House Bill 8987. “This will help a lot of single moms na makakakuha ng sustento sa kanilang ex para sa anak nila,” ani Dumarpa. Base sa panukalang batas na inihain…

Read More

P200 DAILY WAGE HIKE BILL LUMUSOT NA SA KAMARA

PINAGTIBAY na kahapon sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang unang legislative wage increase sa lahat ng manggagawa sa buong bansa, matapos ang mahigit tatlo’t kalahating dekada. Nangailangan lamang ng ilang minuto ang House committee on labor na pinamumunuan ni Rizal 4th District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles sa pag-apruba sa Committee Report 514 o “An act providing for a P200 daily across the board increase in the salary rate of employees/workers in the private sector”. Idinaan sa botohan ang pag-apruba sa nasabing panukala kung saan idineklara ni…

Read More

FOREIGNERS SA KITCHEN-TYPE SHABU LAB SA CAVITE TINUTUGIS

IPINAG-UTOS ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kilalanin at tugisin ang mga sinasabing banyagang nasa likod ng nadiskubreng kitchen-type shabu laboratory sa Tanza, Cavite. Sinasabing dalawang Indonesian nationals, isang Chinese-looking individual at isang Pinay ang sangkot sa nadiskubreng shabu lab kasunod ng naganap na malakas na pagsabog. Nabisto ang operasyon ng shabu factory sa nirerentahang bahay sa Leon Fojas Street, Barangay Sahud-Ulan, Tanza, Cavite matapos ang naganap na pagsabog kung saan umano tumakas ang mga tenants ng nasabing bahay. Nakita sa…

Read More

PAMASKONG HANDOG NG CALAMBA LGU NAIS PAIMBESTIGAHAN

NANAWAGAN ng isang masusing imbestigasyon ang mga residente ng Calamba, Laguna ukol sa P409 milyong halaga ng 2024 “Pamaskong Handog” na ginastos ng pamunuan ni Mayor Roseller “Ross” H. Rizal. Batay sa isang dokumento mula sa Bid Notice Abstract – Invitation to Bid ng Philippine Government Procurement System (PhilGeps) ng pamahalaan ng Calamba, umabot sa P409 milyon ang budget para sa Pamaskong Handog. Para sa ilang residente, bagaman maganda ang pamimigay ng aginaldo, nakagugulat na mas malaki ang pondong inilaan dito ng Calamba kumpara sa ibang mas malalaking siyudad sa…

Read More

P70K CASH, GADGETS NG 2 BETERINARYO NADALE NG BASAG-KOTSE

CAVITE – Tinatayang P70,000 halaga ng cash at gadgets at ilang dokumento ang tinangay ng isang hinihinalang miyembro ng basag-kotse gang matapos atakehin ang sasakyan ng dalawang beterinaryo sa parking area ng isang restaurant sa bayan ng Silang noong Miyerkoles ng hapon. Personal na nagreklamo sa tanggapan ng Silang Police Station ang mga biktimang sina Jesus Raymondo, 50, at Edwin Lajara, 58-anyos. Ayon sa ulat, bandang ala-1:00 ng hapon nang iparada ni Raymundo ang kanyang Toyota Hilux na may plakang NEC 312, kasunod ang sasakyan ni Lajara na isang Toyota…

Read More

2 MOBILE PRECINCTS RORONDA SA MARILAQUE HIGHWAY

DALAWANG mobile precinct ang magroronda sa kahabaan ng Marikina-Rizal-Laguna-Quezon (Marilaque) Highway matapos masawi ang isang motovlogger dahilan para paigtingin ng Rizal PNP ang kanilang pagbabantay katuwang ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at Land Transportation Office (LTO). Sinabi ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, ang nasabing de-gulong na presinto o Blue Cops on Mobile Wheels (BCMW) ay dagdag na itinayo para sa 7 maliliit na grupo ng mga pulis sa pitong strategic location o lugar na kung saan madalas tambayan ng mga pasaway na motovloggers. “Actually,…

Read More