CHR PINASALAMATAN NI CONG. ERWIN TULFO SA SUPORTA SA HB 8987

LABIS ang pasasalamat ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa suporta ng Commission on Human Rights sa kanyang panukalang batas na Child support bill na “An Act punishing the willful failure to pay paternal child support or HB 8987.

Sa isang panayam kay CHR Comm. Faydah Dumarpa, sinabi nito na inaabangan ng Komisyon ang pagsasabatas ng House Bill 8987.

“This will help a lot of single moms na makakakuha ng sustento sa kanilang ex para sa anak nila,” ani Dumarpa.

Base sa panukalang batas na inihain ni Tulfo noong nakaraang taon, anim na taong pagkakakulong ang parusa sa sinomang ama na ayaw sustentuhan ang anak bagamat may hanapbuhay naman.

Paliwanag ni Comm. Dumarpa, ang hindi pagsustento sa anak ay paglabag sa karapatang pantao ng bata na papasok sa “Violence Against Women and Children” o VAWC sa ilalim ng economic deprivation. Aniya, “Maraming single moms ang lumalapit sa CHR at humihingi ng tulong para habulin ang kanilang dating asawa o partner para sa sustento ng anak”.

Ang HB 8987 ay lusot na sa House Committee on Child Welfare at nasa Appropriations Committee na para pag-aralan ang pondo na ilalaan sa nasabing batas dahil kailangan din magtatag ng isang opisina sa DSWD para mangasiwa sa child support. Kasama ni Tulfo ang ilan pang mambabatas bilang co-author ng nasabing panukalang batas.

Ayon kay Cong. Erwin Tulfo, “Malaking tulong ang suporta ng CHR, knowing na nasa likod natin at ng mga single moms ang ahensyang ito”.

47

Related posts

Leave a Comment