NANAWAGAN si dating Angadanan, Isabela Mayor Manuel “Noli” Siquian kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na bigyang pansin ang lumalalang problema umano sa korupsyon, droga at kriminalidad sa lalawigan ng Isabela sa kasalukuyang mga namumuno rito. Ilan sa tinukoy ng dating alkalde ang maanomalyang bilyones umano na road projects na nagsimula sa Ilagan City hanggang sa munisipalidad ng Divilacan, Isabela at ilan pang bayan nito, na gamit ang inutang na pondo sa Development Bank mula 2016 hanggang sa kasalukuyan, ang mga inosenteng mamamayan at mga hindi pa…
Read MoreMonth: January 2025
CO SINIPA BILANG APPRO CHAIRMAN NG KAMARA
INALIS bilang chairman ng makapangyarihang Committee on Appropriations si Ako Bicol Rep. Elizaldy Co kahapon. Mismong si presidential son at House senior majority leader Sandro Marcos ang nagmosyon para ideklara bilang ‘vacant’ ang nasabing komite at dahil walang tumutol ay inaprubahan ito sa plenaryo ng Kamara. Mula noong June 2022 ay pinamunuan ni Co ang nasabing komite na nag-apruba sa unang tatlong national budget ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., o 2023, 2024 at 2025 general appropriations act (GAA). Si Co ang lider ng House contingent sa Bicameral Conference committee…
Read MorePANAWAGAN NG INC PARA SA PAGKAKAISA SUPORTADO NG AKO-OFW PARTY-LIST
SI Dr. Chie Umandap (kaliwa) kasama si Mayor Christian Rodrigues ng Taytay, Palawan. SUPORTADO ng AKO-OFW Party-list ang panawagan ng Iglesia ni Cristo para muling magkaayos ang mga pinuno ng bansa. Ayon sa Advocates and Keepers Organization of OFW Inc. o mas kilala bilang AKO-OFW Party-list at first nominee na si Dr. Chie Umandap, sang-ayon ito sa panawagan ng Iglesia ni Kristo para sa pambansang kapayapaan. Una na rito ay nanawagan din ang AKO-OFW Party-list na pansamantalang italaga si Vice President Sara Duterte bilang OFW Czar na siyang mamamahala sa…
Read MoreMANILA MAYOR PANGATLO SA TOP PERFORMING SA NCR
PANGATLO si Manila Mayor Honey Lacuna sa “Pulso ng Bayan: Top Performing Mayors of National Capital Region” sa kanilang survey na isinagawa para sa buwan ng December 2024. Ang nasabing survey ay nagtatampok sa outstanding performance ng mga local chief executive sa National Capital Region (NCR). Nanguna sa listahan si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na may approval rating na 92.7%, na statistically tied kay Mayor Vico Sotto of Pasig City, na nakakuha ng 92.3%. Sila ay sinundan bilang top performers nina Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Pasay City na…
Read MorePNP IIMBESTIGAHAN SA DRUG OPS MULA 2016
IKAKASA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police-wide investigation na may kinalaman sa pagkumpiska ng ilegal na droga na sisimulan nito sa taong 2016 hanggang 2022 matapos sampahan ng criminal charges ang nasa 30 pulis. Ang pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla ay matapos na ipag-utos ng Department of Justice (DoJ) ang paghahain ng criminal charges laban sa 30 pulis na may kaugnayan sa pagkumpiska ng mahigit sa 900 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion sa serye ng anti-drug operations sa Maynila.…
Read MorePATI MIDDLE CLASS UMAARAY NA
DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI na ako nagulat sa survey ng Social Weather Station (SWS) na 61 percent sa pamilyang Pilipino ay nagugutom at naghihirap dahil maging ang middle class ay ramdam na ramdam na rin ang hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung umaaray na ang middle class o yung may regular na income na kahit papaano ay malaki-laki, paano na lamang ‘yung mga may regular na trabaho na karamihan ay marami ang mga anak na pinapakain araw-araw? Dati malaki-laki ang eco bag na dinadala ng mga…
Read MoreANG SIKRETO NI SOFRONIO
BISTADOR ni RUDY SIM IMBES na Pinoy pride ang salubong, naging “sinungaling” pa ang hatol ng mga katropa natin sa Ozamiz City at iba pang mga listong social media users sa isang mang-aawit na nagbalikbayan kamakailan matapos ang pagkapanalo sa “The Voice USA”. Oo, si Sofronio Vasquez III ang tinutukoy natin dito, pero dapat ata lagi nating ikabit ang PAROJINOG na apelyido ng kanyang ina tuwing binabanggit ang kanyang pangalan. Bakit kamo? Dahil parang pati si Sofronio Parojinog Vasquez ay nakalimot na sa kanyang pinanggalingan, o baka naman ang buhat…
Read MoreGUN BAN NAGSIMULA NA, ABUSADONG POLICE COL. KINASUHAN
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGSIMULA nang ipatupad noong Linggo, Enero 12, ang gun ban sa buong bansa dahil sa nalalapit na 2025 Midterm Elections sa Mayo 12. Dahil sa nationwide gun ban ay agad na naglatag ng checkpoints ang mga kagawad ng pulisya sa buong kapuluan. Naging epektibo ang gun ban at pagpapatupad ng checkpoints na sinimulan noong Enero 12 hanggang Hunyo 11, 2025, ito ay bahagi ng election period sa 2025 Midterm Elections. Bagamat isang araw pa lang ipinatupad ang gun ban ay apat katao na ang nahuli…
Read MoreANG PAGYAMAN AY PINAGHIHIRAPAN
AT YOUR SERVICE Ni Ka Francis WALANG madali, lahat ay pinaghihirapan kung gusto nating umunlad o yumaman. Madalas sinasabi kapag ang tao ay umangat ay nagiging madamot siya sa kanyang mga kamag-anak. Sa ganang akin, lahat ng umuunlad o yumaman ay dumaan yan sa matitinding pagsubok. Bukod sa perang puhunan, kasama niyan ay dugo at pawis natin. Hindi ka rin mananalo, kung hindi ka tataya. Ibig sabihin kung ayaw mong magsakripisyo at dumaan sa matitinding pagsubok ay hindi mo maaabot ang tagumpay sa buhay. Pinakamahalaga sa lahat ay ang disiplina,…
Read More