PANAWAGAN NG INC PARA SA PAGKAKAISA SUPORTADO NG AKO-OFW PARTY-LIST

SI Dr. Chie Umandap (kaliwa) kasama si Mayor Christian Rodrigues ng Taytay, Palawan.

SUPORTADO ng AKO-OFW Party-list ang panawagan ng Iglesia ni Cristo para muling magkaayos ang mga pinuno ng bansa.

Ayon sa Advocates and Keepers Organization of OFW Inc. o mas kilala bilang AKO-OFW Party-list at first nominee na si Dr. Chie Umandap, sang-ayon ito sa panawagan ng Iglesia ni Kristo para sa pambansang kapayapaan.

Una na rito ay nanawagan din ang AKO-OFW Party-list na pansamantalang italaga si Vice President Sara Duterte bilang OFW Czar na siyang mamamahala sa pakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng ibang bansa lalo na ang bansang Israel, Lebanon upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga OFW.

“Sa pamamagitan ng pansamantalang pagtatalaga kay VP Sara bilang OFW czar ay magiging hudyat din ito ng pagkakasundo ng iba’t ibang pinuno lalo na sa Kongreso at Senado. Makabubuti na magkaroon muna ng pagkakaisa sa ating mga opisyal ng pamahalaan lalo na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at VP Sara Duterte.

Ang ginawa ng INC na panawagan para sa Pambansang pagkakaisa ay kapuri-puring hakbang na naayon din naman sa banal na kasulatan,” ayon sa grupo.

Bukod sa pambansang pagkakaisa ay isinusulong din ng AKO-OFW party-list ang pagkakaroon ng OFWs pension plan, pabahay, no collateral loan para sa lahat ng mga OFW at dating OFWs, OFW hospital ward sa PGH at pagkakaroon ng libreng wi-fi sa bawat barangay upang hindi maputol ang ugnayan ng pamilyang OFW sa kanilang kamag-anak sa ibang bansa.

49

Related posts

Leave a Comment