HALOS 700,000 tonelada ng silt at solid waste ang inalis sa Pampanga River mula sa inisyatiba ng San Miguel Corporation (SMC), sa pagsisikap nitong makatulong na mapawi ang pagbaha sa buong Luzon. Ito ang inanunsiyo ng SMC kaugnay sa pagkumpleto ng malawakang pagsisikap sa paglilinis ng Pampanga River, sa pag-alis ng nasabing dami ng silt at solid waste. Mula kalagitnaan ng Agosto hanggang Disyembre, inalis ng SMC ang humigit-kumulang 694,372 cubic meters ng silt at solid waste mula sa 26.3 kilometro ng Pampanga River, bilang bahagi nang matagal nang inisyatiba…
Read MoreMonth: January 2025
KA-DUET NG GF TINANGKANG SAKSAKIN NG BF
QUEZON – Arestado ang isang 19-anyos na estudyante matapos nitong tangkaing saksakin ang isa ring estudyante na naka-duet ng kanyang girlfriend sa pagkanta habang nag-iinuman sa Brgy. Malabanban Sur, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Kakasuhan ng grave threat at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 ang suspek na si alyas “John”, 19-anyos, 1st year college student, matapos na ireklamo ito ng biktimang si alyas “Jake”, 3rd year college student, at schoolmate ng una. Ayon sa report, bandang alas-10:40 ng gabi, nag-iinuman ang magkakabarkada nang mag-duet…
Read MoreKLASE, TRABAHO SA GOV’T SA MAYNILA AT PASAY SUSPENDIDO SA LUNES
INANUNSYO ng Malakanyang ang suspensyon ng trabaho sa tanggapan ng gobyerno at sa lahat ng antas ng klase sa mga lungsod ng Maynila at Pasay sa Enero 13, 2025, araw ng Lunes para sa National Rally for Peace ng Iglesia Ni Cristo (INC). Nakasaad sa Memorandum Circular No.76, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na ang suspensyon ay dahil sa malaking bilang ng mga magpapartisipa at dadalo sa ”National Rally for Peace” at pahintulutan na maisagawa ang organisadong event. “The suspension of classes is for both private and public schools,”…
Read More2025 P6.326-T BADYET KUKUWESTYUNIN NG MGA GURO SA SC
KUKUWESTIYUNIN ng Teachers Dignity Coalition (TDC) sa harap ng Korte Suprema ang konstitusyonalidad ng General Appropriations Act (GAA) na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa 2025 badyet na P6.326 trilyon. Ito ang inihayag ni Benjo Basas, National Chairperson ng TDC, sa panayam ng grupo ng mga mamamahayag na kabilang sa PaMaMariSan-Rizal Press Corps sa lingguhang Kapihan sa Metro East media forum sa Pasig City. Ayon kay Basas, partikular na ihaharap nila sa Kataas-taasang Hukuman ang badyet na nakalaan para sa edukasyon kung saan inilakip umano ng Palasyo sa…
Read More8M deboto dumalo TRASLACION 2025 GENERALLY PEACEFUL
ITO ang assessment ng Philippine National Police (PNP) sa idinaos na Traslacion 2025 para sa kapistahan ng Poong Hesus Nazareno na sinalihan ng tinatayang 8 milyong deboto at tumagal ng halos 21-oras bago tuluyang nakabalik sa Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazarene o Quiapo Church. Ayon kay PNP chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, maituturing na matagumpay at masasabing payapa sa pangkalahatan ang kabuuan ng prusisyon ng Poong Hesus Nazareno bagama’t nagkaroon ng bahagyang tensyon sa prusisyon nang magtangka ang mga deboto na buwagin ang barikada. Subalit agad namang…
Read MoreTRASLACION 2025 INABOT NG 21-ORAS
EKSAKTO ala-1:25 ng madaling araw nitong Biyernes nang tuluyan nang makapasok sa Simbahan ng Quiapo ang imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno. Kumpara sa nagdaang selebrasyon, tumagal ngayong taon nang hanggang mahigit 21-oras ang Traslacion na dinuhan ng milyong deboto. Huwebes ng umaga, pagsapit ng andas sa Katigbak Drive at Roxas Blvd. ay dalawang grupo ng mga deboto ang nag-agawan sa lubid na nauwi sa sakitan. Sa unang pagkakataon, nag-deploy ang MPD ng sasakyan ng SWAT na umikot ay nagpapaalala sa mga mga deboto ng mga protocol. Ilang indibidwal din…
Read MoreHindi pa campaign period COMELEC SA CANDIDATES: BILLBOARD, CAMPAIGN MATERIALS BAKLASIN
HINIMOK ng Commission on Elections ang mga aspirant para sa May 2025 election na alisin ang kanilang billboards at iba pang campaign materials na maagang nakabalandra dahil hindi pa nagsisimula ang campaign period. Nagbabala si Garcia na maaaring maharap sa diskwalipikasyon ang mga hindi papansin sa panawagan. Sa darating na halalan, ang 90-day period para sa mga senador at party-list representatives ay magsisimula sa Pebrero 11 hanggang Mayo 10 habang ang local candidates ay papayagang mangampanya mula Marso 28 hanggang Mayo 10. Sinabi ni Garcia, inaasahan na ang mga kandidatong…
Read More4 KILO NG COCAINE NASABAT SA PINAY COURIER
MAHIGIT apat na kilo ng cocaine ang nasabat sa isinagawang joint anti-illegal drug interdiction noong Huwebes ng gabi, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon sa ulat, nakuha ng pinagsanib na mga elemento ng PDEA, NAIA- Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) Immigration Anti-Terrorist Group at Bureau of Customs sa bagahe ng nadakip na 29-anyos na Filipina ang 4,574 gramo ng cocaine na may street value na aabot sa P242,200. Kinilala ni BI-ATG Head Bienvenido Castillo III ang Pinay drug courier na si Joy Dagonano Gulmatico,…
Read More‘Di umubra angas RETIRED COP PINOSASAN SA TRAFFIC VIOLATION
CAVITE – Arestado ang isang retiradong police office dahil sa paglabag sa batas trapiko at kawalan ng plaka ng kanyang sasakyan at nanutok ng baril sa isang traffic enforcer saka tumakas sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon. Nahaharap sa kasong threat, direct assault at paglabag sa Art. 151 ng Revised Penal Code at R.A. 10591 ang suspek na si alyas “Regino”, 62, isang retired police officer, at residente ng La Union. Ayon sa nagreklamong si Marvin Salas y Era, 30, miyembro ng Bacoor Traffic Management Division, pinara nito ang…
Read More