‘Di umubra angas RETIRED COP PINOSASAN SA TRAFFIC VIOLATION

CAVITE – Arestado ang isang retiradong police office dahil sa paglabag sa batas trapiko at kawalan ng plaka ng kanyang sasakyan at nanutok ng baril sa isang traffic enforcer saka tumakas sa Bacoor City noong Miyerkoles ng hapon.

Nahaharap sa kasong threat, direct assault at paglabag sa Art. 151 ng Revised Penal Code at R.A. 10591 ang suspek na si alyas “Regino”, 62, isang retired police officer, at residente ng La Union.

Ayon sa nagreklamong si Marvin Salas y Era, 30, miyembro ng Bacoor Traffic Management Division, pinara nito ang sasakyan ng suspek sa Molino Boulevard dahil sa traffic obstruction, disregarding traffic sign at walang plaka ang sasakyan ngunit imbes na tumalima, tinutukan siya ng baril saka tumakas patungo sa direksiyon ng Maynila.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga awtoridad at nahuli ang suspek sa Molino Boulevard, Brgy. Niog, Bacoor City, Cavite bandang alas-1:45 ng hapon subalit muling pinalagan ang arresting officer dahilan upang posasan ito.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang .45 kalibreng pistol (Rock Island), dalawang magazine at limang bala.

Nasa kustodiya na ng Bacoor Component City Police Station ang nasabing retiradong police officer. (SIGFRED ADSUARA)

33

Related posts

Leave a Comment