HINIMOK ng Commission on Elections ang mga aspirant para sa May 2025 election na alisin ang kanilang billboards at iba pang campaign materials na maagang nakabalandra dahil hindi pa nagsisimula ang campaign period.
Nagbabala si Garcia na maaaring maharap sa diskwalipikasyon ang mga hindi papansin sa panawagan.
Sa darating na halalan, ang 90-day period para sa mga senador at party-list representatives ay magsisimula sa Pebrero 11 hanggang Mayo 10 habang ang local candidates ay papayagang mangampanya mula Marso 28 hanggang Mayo 10.
Sinabi ni Garcia, inaasahan na ang mga kandidatong ito ay tatanggalin ang kani-kanilang election propaganda materials tatlong araw bago magsimula ang campaign period.
Kasabay nito, sinabi ni Garcia na siya ay kaisa ng publiko sa pagkadismaya sa paglaganap ng premature campaigning materials sa pangunahing mga lansangan at mga patalastas sa TV at radyo.
Aminado si Garcia na wala silang magagawa sa mga kandidato dahil sa Election Automation Law, nakasaad na ang sinomang indibidwal na naghain ng Certificates of Candidacy ay maituturing lamang na kandidato sa pagsisimula ng campaign period. (JOCELYN DOMENDEN)
36