NANGUNA si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa ibobotong mayoral candidate ng mga Malabueno, batay sa isinagawang komprehensibong survey ng Capstone Intel Corporation. Si Sandoval ay nakakuha ng 60% voter preference habang ang katunggali sa mayoral race na si Jaye Noel ay 28%. Ayon kay UP Professor Guido David, Chief Data Scientist ng Capstone, isang kilalang research company, na ang voter confidence na nakuha ni Sandoval ay sumasalamin sa naging magandang pamamalakad nito. Ipinaliwanag ni David na 91% ng respondents sa isinagawang survey ay pawang bumoto noong nakaraang eleksyon kaya naman…
Read MoreDay: February 14, 2025
MGA TAGA-PASIG NAGHAHANGAD NG BAGONG LIDERATO
NAIS ng mga residente sa Pasig City na magkaroon ng pagbabago sa liderato sa lungsod kasunod ng kabiguan umano ng kasalukuyang administrasyon na maipatupad ang mga plano nito gaya na lamang ng pagkakaroon ng housing projects, job creation, health facilities at bagong paaralan. Humihiling din ang mga taga-Pasig ng accountability sa infrastructure projects sa lungsod na hindi natapos at kwestyonableng pag-award ng local projects sa mga contractor. “We Want a mayor who will deliver on the promises made, and not merely because of being popular but failed to deliver the…
Read MoreDOJ, UNODC SANIB-PWERSA SA CYBERCRIME
SANIB-PWERSA ang Department of Justice (DOJ), Office of Cybercrime at ang United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) para palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa cybercrime sa Pilipinas. Kasunod ito ng planong pagpapalawak ng bilang ng digital forensic experts at sanayin ang mga cybercrime investigators at prosecutors. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, patuloy na dumarami ang cybercrimes sa bansa kaya kailangang palakasin ang hakbang laban dito. Upang talakayin ang mga detalye ng nasabing pakikipagtulungan, pamumunuan ni Remulla ang isang maliit na delegasyon ng DOJ patungo sa…
Read MoreBILYONARYONG OUTGOING GOVERNOR ITSAPWERA NA SA INNER CIRCLE NG FIRST COUPLE
ITSAPWERA na sa inner circle ng First Couple ang isang bilyonaryo na outgoing provincial governor dahil sa ginawa umanong “pangmamanyak” sa mismong hipag niya. Ayon sa source, nagsimula ito nang makilala ng bilyonaryong gobernador ang hipag sa isang party. Hindi na nagsayang ng panahon ang bilyonaryo, agad diniskartehan ang hipag at niyayang sumabay pauwi. Habang bumibiyahe, doon nangyari ang umano’y “pananantsing” ng bilyonaryo. Sabi pa ng source, nagulat ang hipag sa ginawa ng gobernador dahil malayo ito sa imahe niya bilang maginoo at kagalang-galang. Agad namang ipinarating ng hipag sa…
Read More‘ALYANSA’ CANDIDATES NAGSAMA-SAMA SA ILOILO
SA ikalawang araw ng kampanya, sa Iloilo naman nagtungo ang 12 pambato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas. Muling sinamahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang mga kandidato matapos ang kanilang kick off rally sa balwarte nito sa Ilocos Norte. Sa proclamation rally sa Iloilo City Center sa Manduriao, muling itinaas ni PBBM ang kamay ng kanyang mga kandidato na kinabilangan nina Deputy Speaker Camille Villar, Senator Francis Tolentino, dating senador Manny Pacquiao, Senator Lito Lapid, Senator Pia Cayetano, Makati Mayor Abby Binay, Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., dating…
Read MorePANTAY NA KARAPATAN SA LAHAT, ISINUSULONG NG PAMILYA KO PARTY-LIST
ITINAAS ni PAMILYA KO party-list #150 supporter Ms. Sunshine Cruz ang kamay nina nominees Atty. Anel Diaz at Miguel “Migz” Kallos sa kick off rally nito sa Tanay, Rizal. TANAY, Rizal – Umarangkada na kahapon at nagtipon-tipon ang mga kasapi at tagasuporta ng PAMILYA KO Party-list sa Covered Court ng Brgy. San Isidro, Tanay, Rizal para sa kanilang kick off rally para sa nalalapit na eleksyon ngayong Mayo. Pinagsama-sama sa makulay na pagtitipon ang iba’t ibang mukha ng modernong pamilyang Pilipino—mula sa live-in parents, OFW families, mga biktima ng domestic…
Read MorePAMBATO NG PDP-LABAN INENDORSO NI DIGONG
PORMAL nang ipinakilala sa proklamasyon sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City ang mga kandidato sa pagkasenador ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban. Ipinakilala bilang “Duterte Senatorial Candidates,” isa-isang nagsalita sa entablado ang mga tumatakbong senador na kinabibilangan ni dating executive secretary Vic Rodriguez at kanilang sinabi ang kanilang mga plataporma at plano sakaling manalo sa 2025 midterm elections. Sa kanyang pananalita, nanawagan si Atty. Rodriguez sa kanilang mga tagasuporta na protektahan ang 32 milyong Pilipino na bumoto kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng reklamong impeachment…
Read MoreKapag napatalsik si VP Sara DU30 FOR PRESIDENT ULIT SA 2028
(PRIMITIVO MAKILING) MAPIPILITAN si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong muli sa pagkapangulo sa 2028 kapag napatalsik ang kanyang anak na si Vice President Sara Duterte at hindi na payagang pumasok pa muli sa pulitika. Isiniwalat ito ni dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez, lalo na’t hindi umano sakop ang matandang Duterte sa constitutional ban o nagbabawal na tumakbo muli ang nakaupong pangulo. Ayon kay Alvarez, tanging ang mga incumbent president lang ang pinagbabawalang tumakbo kaya maaaring kumandidato ang dating pangulo sa 2028 presidential election kapag nahatulan ng guilty ang…
Read MoreHirap matukoy dahil ‘high-tech’ na KORUPSYON SA BUWIS MAS LUMALA
(JULIET PACOT) BINANATAN kahapon ni Ex-Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang mga bagong estilo ng katiwalian sa buwis sa Pilipinas. Aniya, kailangan nang paunlarin ang sistema ng pagbubuwis sa bansa. Mas nagiging tuso umano at mahirap nang matukoy ang mga bagong estilo ng korupsyon, kaya’t dapat itong bantayan at labanan. Kasabay nito, iginiit niya na malaking tulong naman ang teknolohiya sa pagpapahusay ng pangangasiwa ng buwis at transparency. Tinalakay rin ni Justice Leonen ang digital na reporma sa hudikatura sa pamamagitan ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 at…
Read More