SURVEY: ERWIN TULFO NANGUNGUNA PA RIN

SI ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo pa rin ang nangunguna sa pagka-Senador base sa pinakabagong senatorial survey.

Ayon sa Tugon Ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Pebrero 22-28, si Tulfo pa rin ang numero uno na may 100% na awareness at 66% na voting preference.

Ang dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development ay patuloy sa pag-arangkada bilang top choice ng mga Pilipino. Patunay rito, ang pananatili niya sa mataas na ranggo sa iba pang naunang survey mula sa mga kilalang ahensya tulad ng Social Weather Stations (SWS), WR Numero, Pulse Asia, at iba pa.

Nagpasalamat si Tulfo sa pag-agos ng suporta para sa kanya at sa patuloy na pagtangkilik sa kanyang mga adbokasiya para sa pagpapabuti ng bansa.

“Ang patuloy na suporta at pagmamahal ng ating mga kababayan sa atin at sa ating mga adbokasiya ay nagsisilbing lakas ko upang magpatuloy sa pagtatrabaho sa Kongreso bilang kakampi ng mga inaapi,” pahayag ng mambabatas.

Ang pinakahuling OCTA Survey ay isinagawa sa 1,200 na respondents kung saan pinagbigay sila ng 12 kandidato na kanilang iboboto kung gaganapin ang eleksyon sa panahon ng survey.

52

Related posts

Leave a Comment