SANIB-PWERSA ang Department of Justice (DOJ), Office of Cybercrime at ang United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) para palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa cybercrime sa Pilipinas.
Kasunod ito ng planong pagpapalawak ng bilang ng digital forensic experts at sanayin ang mga cybercrime investigators at prosecutors.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, patuloy na dumarami ang cybercrimes sa bansa kaya kailangang palakasin ang hakbang laban dito.
Upang talakayin ang mga detalye ng nasabing pakikipagtulungan, pamumunuan ni Remulla ang isang maliit na delegasyon ng DOJ patungo sa headquarters ng UNODC sa Vienna, Austria.
Nakatakdang makipagpulong si Remulla kay UNODC Executive Director Ghada Fathi Waly saka bibisitahin ang crime laboratory nito.
Target naman ng DOJ at UNODC na lumagda ng kasunduan para sa iba’t ibang programang panghustisya, kabilang ang reporma sa bilangguan at forensics. (JULIET PACOT)
