BILYONARYONG OUTGOING GOVERNOR ITSAPWERA NA SA INNER CIRCLE NG FIRST COUPLE

ITSAPWERA na sa inner circle ng First Couple ang isang bilyonaryo na outgoing provincial governor dahil sa ginawa umanong “pangmamanyak” sa mismong hipag niya.

Ayon sa source, nagsimula ito nang makilala ng bilyonaryong gobernador ang hipag sa isang party. Hindi na nagsayang ng panahon ang bilyonaryo, agad diniskartehan ang hipag at niyayang sumabay pauwi.

Habang bumibiyahe, doon nangyari ang umano’y “pananantsing” ng bilyonaryo.

Sabi pa ng source, nagulat ang hipag sa ginawa ng gobernador dahil malayo ito sa imahe niya bilang maginoo at kagalang-galang.

Agad namang ipinarating ng hipag sa isang maimpluwensiyang kaibigan sa Malacañang ang ginawa ng gobernador.

Ito umano ang dahilan kaya marami ang nakapansing wala ang bilyonaryong gobernador sa mga event ni Pangulong Marcos kamakailan.

May nakapagbulong daw sa Chief Executive na dumistansya muna para di madamay sa kontrobersiya. Sa nangyaring ito, apektado rin ang kandidatura ng bilyonaryo sa kanyang lalawigan dahil siguradong hindi na siya susuportahan ng Palasyo.

82

Related posts

Leave a Comment