KASO NG CYBER LIBEL TUMAAS NG HIGIT 13%

NAITALA ang pagsipa sa mahigit 13 porsyento ng kaso ng cyberlibel, ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group. Sa ulat, 13.53% ang kaso nitong nakalipas na Pebrero o 151 kumpara sa 133 na kaso noong Enero. Sinabi ni ACG Acting Director Brigadier General Bernard Yang, na patuloy ang pag-angat ng kaso ng online defamation o paninirang puri dahil sa mabilis na paglaganap ng hindi beripikadong impormasyon sa mga digital platform. Ang mali o malisyosong content kasi ay maaaring makasira sa reputasyon ng isang tao at magdulot ng mental, emotional at physical distress…

Read More

AFP AT PNP NAKA-TODO ALERTO

KAPWA nakaalerto ang buong pwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court. Ayon sa militar at pulisya, generally peaceful ang sitwasyon ng bansa matapos ilipad patungong The Hague, The Netherlands si dating Pangulong Duterte. Ayon kay Col. Francel Margaret Padilla, ang tagapagsalita ng AFP, “While the security situation remains stable, the AFP is actively monitoring developments and is prepared to respond appropriately to any threats to…

Read More

FPJ PANDAY BAYANIHAN TINIYAK REPORMA SA PAGGAMIT NG LUPA PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN

PUNTIRYA ng FPJ Panday Bayanihan party-list na malikha ang isang komprehensibong plano para sa paggamit ng lupa at imprastruktura na magsusulong ng lokal na produksyon at pagkamit ng food security. Binigyang-diin ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng party-list, ang pangangailangang maipasa ang batas upang maresolba ang magkakasalungat na batas at patakaran sa land use conversion. Ipinunto ni Llamanzares ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pangunahing lupang pang-agrikultura para sa pangmatagalang pagsasaka, na nagsusulong laban sa patuloy na pagbabagong-kategorya o pagbabalik-loob ng mga lupang ito. Kanyang binigyang-diin na patuloy na lumiliit…

Read More

DISCAYA UMANGAT PA SA SURVEY

MULING nagkaroon ng pagtaas sa trust rating si Pasig City Mayoral candidate Sarah Discaya sa nakalipas na linggo. Karamihan sa mga sumagot sa survey ay naghahangad ng pagbabago sa liderato sa lungsod. Batay sa resulta ng independent survey ng Pulso ng Lipunan, si Discaya ay nakakuha ng 44 percent na suporta mula sa mga rehistradong botante sa lungsod. 2 percent na lamang ang kalamangan sa kanya ni incumbent Mayor Vico Sotto na nakakuha naman ng 46 percent. Ayon sa mga taga-Pasig, si Discaya ay may kakayahang mapagbuti ang mga serbisyo…

Read More

BASAG-KOTSE GANG UMISKOR, GADGET AT CASH NATANGAY

CAVITE – Natangay ang ilang gadgets at ‘di pa nabatid na halaga ng cash ng hinihinalang mga miyembro ng basag-kotse gang sa dalawang magkahiwalay na insidente sa Tagaytay City at General Trias City sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Julius Lanting, 29, accountant, ng Brgy. Florentino East, Tagaytay City; Fernando Videña Magno, 52, at asawa nitong si Marisol Nuerto Magno, 50, kapwa residente ng Brgy. Pook 2, Silang, Cavite. Napag-alaman, ipinarada ni Lanting ang kanyang Toyota Innova sa parking area ng isang restaurant sa Brgy.…

Read More

P3.5-M SHABU AT BARIL NAKUMPISKA SA BUY-BUST

MAHIGIT tatlong milyong pisong (P3,570,000) ang halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Pangasinan Provincial Office (PDEA PANG PO) at PNP Drug Enforcement Group-Special Operations Unit 1 (PDEG-SOU 1) sa Lungsod ng Urdaneta sa Pangasinan. Kinilala ni PDEA Regional Director, Director III Joel B. Plaza ang suspek na si alyas “Odi”, 57, residente ng nasabing lungsod, naaresto bandang alas-2:35 kahapon ng madaling araw, Marso 11, 2025, na nahulihan din ng isang baril. Nasamsam sa inilunsad na anti-narcotics operation ang…

Read More

1 PATAY, 2 SUGATAN SA SAGASA NG MULTICAB

CAVITE – Patay ang isang pedestrian habang sugatan ang dalawa pang biktima nang masagasaan ng driver ng isang multicab nang tinangka nitong mag-overtake sa isang pampasaherong jeepney sa Dasmariñas City nitong Martes ng madaling araw. Pawang isinugod sa Asia Medic Hospital ang mga biktimang sina Ramiro Raymundo, 26; Mark Louie Elustre, nasa hustong edad, at Luis Angelo Lagoras y Oreo, 22, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ang huli. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng driver ng isang Rusco multicab na tumakas matapos masagasaan ang mga biktima. Ayon sa…

Read More

CAMILLE NAG-IKOT SA MGA PALENGKE SA LAGUNA

NAG-IKOT si Senatorial candidate Camille Villar sa mga palengke ng Laguna noong Martes habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang kampanya para sa May 2025 midterm elections. Naglaan ng oras si Villar para tingnan ang kalagayan ng mga nagtitinda sa Pila at Sta. Cruz public markets sa Laguna kung saan nangako rin siyang uunahin ang mga hakbang na makatutulong upang matugunan ang epekto ng market forces sa presyo ng mga bilihin. Binigyang-diin ni Villar, na matagal nang nagtataguyod ng entrepreneurship, ang pangangailangang bigyan ang mga market vendor ng access sa kapital upang…

Read More

VP SARA WALANG MORAL AUTHORITY NA HUMINGI NG MAS MALAKING PONDO -SOLON

WALA umanong moral authority si Vice President Sara Duterte-Carpio na humingi pa ng malaking pondo para sa kanyang tanggapan dahil hindi nito maipaliwanag kung paano nito nagastos ang kanyang confidential funds at iba pang pondo ng Office of the Vice President (OVP). Ginawa ni Bataan representative Geraldine Roman ang pahayag matapos magsumbong si Duterte sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong na iniwan na umano ng buong gobyerno ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang OVP. Itinanggi ito ni Roman dahil nabigyan umano ng mahigit P733 million ang…

Read More