NASA isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, ang nasamsam sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at local police na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na hinihinalang bigtime drug personalities sa Quezon City. Ayon sa ibinahaging report ni PDEA Public Information Office chief, Director Laurefel P. Gabales, apat na pinaniniwalaang high value target ang nadakip ng kanilang mga tauhan sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA RO NCR-QCDO, katuwang ang PNP, sa Barangay E. Rodriguez Sr., Quezon City nitong nakalipas na linggo. Kinilala ang mga…
Read MoreDay: March 17, 2025
‘LUFFY’ GANG MEMBER TIMBOG SA BI
ISA pang hinihinalang miyembro ng notoryus na “Luffy” gang na nauugnay sa iba’t ibang panloloko sa kanilang bansa, ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI). Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga ahente ng BI Fugitive Search ay inaresto ang 33-anyos na si Natsuki Kimura sa Ayala Avenue sa Makati City, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Board of Commissioners ng bureau noong Marso 2023, para sa kanyang deportasyon sa Japan, dahil sa pagiging undesirable alien nito. Si Kimura ay isa lamang sa maraming hinihinalang…
Read MoreRAPE SUSPECT SA 2 BATA NATUNTON SA SORSOGON
ARESTADO ang suspek sa panggagahasa sa dalawang bata sa Marikina City nang matunton sa pinagtataguang lugar sa lalawigan ng Sorsogon. Kinilala ni PCol. Villamor Tuliao, district director ng Eastern Police District (EPD), ang suspek na si alyas “Buboy,” 39-anyos, at tinaguriang ika-7 sa most wanted persons ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Batay sa imbestigasyon, palaging pumupunta sa bahay ng suspek ang dalawang batang biktima upang makipaglaro sa anak nito. Sinamantala umano ng suspek ang pagkakataon at minolestya ang 8-anyos at ginahasa naman ang pinsan nitong 7-anyos. Nang mabuking…
Read More3 BATANG BABAE SEX SLAVE NG AMA
ARESTADO sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na ginawa umanong sex slave ang tatlo niyang anak na batang babae sa kanilang bahay sa Parañaque City. Ayon sa ulat ni NBI Deputy Director Atty. Ferdinand Lavin kay NBI Director Jaime Santiago, inireklamo ng nakatatandang kapatid na lalaki ng mga biktima ang suspek noong Marso 6 hinggil sa pang-aabuso sa mga bata na may gulang na 11, 9 at 5. Ayon sa salaysay ng kapatid na lalaki, nagsimulang halayin ng kanilang ama ang magkakapatid noong taong…
Read More328 CORRECTIONS OFFICERS NAGTAPOS SA COCBC
MATAGUMPAY na natapos ng nasa 328 Corrections Officers ang kanilang Corrections Officer Custodial Basic Course (COCBC) sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Corrections National Training Institute (CNTI) Parade Ground sa New Bilibid Prisons, Muntinlupa City kahapon. Pinangasiwaan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang oath taking ng Class 2024-02 DASIG Tikas, which stands for “Disiplinadong Aksyon na may Sinsiridad at Integridad Gabay sa Tungkulin ng Institusyong Koreksyon at Alay sa Sambayanan – para sa Bagong Pilipinas.” Ang CNTI ay gumagawa ng kabuuang 1,008 graduates…
Read MorePRUTAS, KAMOTE NABIGYAN DIN NG CONFI FUNDS NI INDAY
HINDI lamang katunog ng tsitsirya at pangalan ng cellphone ang recipient o nakatanggap ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte kundi prutas, kamote at isang gang. Ito ang natuklasan ng House prosecution panel na patuloy na sumusuri sa mga pangalan na isinumite ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa Commission on Audit (COA) na recipient ng confidential funds ng Pangalawang Pangulo. “Una, may chichirya at cellphone. Ngayon, may prutas at kamote na. At higit sa lahat, mukhang ‘Dodong Gang’ na ito! Hindi lang…
Read MoreMarcos, iba pa, namumuro sa kaso GRAND CONSPIRACY SA ‘PAGDUKOT’ KAY DU30
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) POSIBLENG maharap sa kasong kriminal sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., National Security Adviser Eduardo Año, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at DILG Secretary Jonvic Remulla matapos ibunyag mismo ng huli ang kanilang partisipasyon sa paghuli at pagsurender kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ibang bansa. Ayon kay Atty. Raul Lambino, maituturing itong isang “grand conspiracy” kung saan sangkot mismo si Marcos Jr. at kanyang mga gabinete sa isang ilegal at planadong operasyon upang sapilitang alisin si Duterte sa bansa. Iginiit ni Lambino na mismong mga pahayag…
Read MoreMuling umapela ng katarungan KAMAG-ANAK NG EJK VICTIMS UMAASANG MADARAGDAGAN PA ANG DADAMPUTIN NG ICC
EMOSYUNAL na nagtipon ang mga pamilya ng 18 biktima ng extrajudicial killings (EJKs) para sa kanilang inurnment sa Dambana ng Paghilom sa La Loma Cemetery sa Caloocan City. Nagsilbi ang seremonya bilang pagkakataon ng pagluluksa at muling pagtawag para sa katarungan, kasunod ng pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay sa dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang naghihintay ng paglilitis sa The Hague, Netherlands. “Matatanggap na ng anak ko ang hustisya niya. Hindi lang sa anak ko, kundi sa iba niyang pinagpapatay na tao,” pahayag ni Crispin Cena, na ang…
Read MoreMARTIAL LAW MALABONG MANGYARI – GARIN
TINAWAG na ispekulasyon at malaking fake news ang kumakalat na impormasyon na magdedeklara umano ng martial law si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kaya hindi matutuloy ang midterm elections sa nalalapit na buwan ng Mayo. “Napakalayo sa katotohanan noong fake news na magkaka-martial law,” anang House Deputy Majority Leader Janette Garin, matapos lumutang ang isyu na posibleng magdeklara si Marcos ng batas militar kapag nagtuluy-tuloy ang kilos protesta ng mga supporter ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ngayo’y nahaharap sa reklamong crimes against humanity sa International Criminal Court sa The…
Read More