3 BATANG BABAE SEX SLAVE NG AMA

ARESTADO sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na ginawa umanong sex slave ang tatlo niyang anak na batang babae sa kanilang bahay sa Parañaque City.

Ayon sa ulat ni NBI Deputy Director Atty. Ferdinand Lavin kay NBI Director Jaime Santiago, inireklamo ng nakatatandang kapatid na lalaki ng mga biktima ang suspek noong Marso 6 hinggil sa pang-aabuso sa mga bata na may gulang na 11, 9 at 5.

Ayon sa salaysay ng kapatid na lalaki, nagsimulang halayin ng kanilang ama ang magkakapatid noong taong 2022.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa ikinasang hot pursuit operation noong Marso 11.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong 3 counts ng rape o paglabag sa (Republic Act 8353 in relation to Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act). (RENE CRISOSTOMO)

20

Related posts

Leave a Comment