PINANGUNAHAN ni Sen. Cynthia A. Villar nitong Lunes (Marso 17,2025) ang inagurasyon ng bagong gusali sa Las Piñas General Hospital at Satellite Trauma Center, kasama ang isang bagong daanan patungo sa modular na ospital, na nagbibigay-daan para sa makabuluhang pagpapabuti sa mga serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan sa lungsod.
Ang 12-palapag na gusali ay magtataas ng kapasidad ng LPGH at STC mula 200 hanggang 500 na kama o hospital beds. Ang pagtatayo nito ay ipinag-uutos ng Republic Act No. 11497, isang panukalang ipinagtanggol ni Rep. Camille Villar sa House of Representatives at Senador Villar sa Senado.
Kasama ni Villar sa aktibidad sina Padre Dennis Irisari; DPWH-LPMDEO Engr. Isabelo C.Baleros; Padre Peter Trandannan; DOH-CHD Director- Dr. Lester Tan; DOH-Asec. Dr. Ariel I. Valencia at LPGHSTC Chief Dr. Ignacia G. Fajardo. (DANNY BACOLOD)
