BINIGYAN ng clearance ng liderato ng Mababang Kapulungan si Davao 1st District Congressman Paolo ‘Polong’ Duterte na bumiyahe sa labing limang bansa, kasama na ang The Netherlands sa Europa. Sa travel clearance na nilagdaan ni House secretary general Reginald Velasco, inaprubahan ang request ng pangalawang anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte na payagan siyang bumiyahe mula Marso 20 hanggang Mayo 10, 2025. Kabilang sa mga bansang pupuntahan umano ng mambabatas ang Hong Kong, People’s Republic of China, Malaysia, Indonesia, Republic of Korea, Japan, Vietnam, Cambodia, United States of America, Australia,…
Read MoreDay: March 26, 2025
PAGHINGI NG ASYLUM NI DIGONG ITINANGGI NG CHINA
TULUYAN nang winakasan ng China’s Foreign Ministry ang usapin hinggil sa lumabas na mga isyung paghingi umano ng asylum ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gobyerno ng China. Sa ibinahaging report ng Chinese Embassy sa Maynila, itinanggi ng China na naghain ng asylum sa kanila ang dating pangulong na ngayo’y nakadetine pa sa Netherlands. Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun: “We have never received the so-called application for asylum to the Chinese government from former president Rodrigo Duterte or his family.” Sabi pa ni Guo: “The Commissioner’s…
Read MoreDOJ IAAPELA PAGKABASURA NG EXTRADITION REQUEST VS TEVES
TINIYAK kahapon ng Department of Justice (DOJ) na maghahain sila ng motion for reconsideration sa Timor-Leste Court of Appeals matapos ibasura ng kanilang bansa ang extradition request para pabalikin sa Pilipinas si dating Negros Oriental congressman Arnulfo Teves Jr. Sa isang ambush interview sa DOJ, kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na itinuturing ito bilang undocumented alien dahil kanselado na ang kanyang Philippine passport. Sinabi ng kalihim, nakausap nila kahapon si Undersecretary Raul Vasquez, ang abogado ni Pamplona Mayor Janice Degamo. Si Mayor Janice ang naulilang maybahay ni dating…
Read MoreSUMMER SPECIAL UNIFORM SA PRIVATE SECURITIES APRUB
PINAPAYAGAN ng PNP – Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o PNP- SOSIA ang paggamit ng summer special set of uniforms ng mga private security personnel na naka-deploy sa outdoor areas. Base sa Uniform and Equipment Board resolution ng PNP-SOSIA at sa babala ng DOH at PAGASA, mapanganib ang kasalukuyang heat index na maaaring magdulot ng heat exhaustion at heat stroke. Gayunman, ang mga Private Security Service Provider ay kailangang humingi ng Letter of Authority bago gamitin ang summer uniform na sasailalim naman sa pagsusuri ng Uniform and Equipment…
Read MorePinaiimbestigahan ng DA sa NBI NALULUGING MAGSASAKA SA NE NAGSU-SUICIDE NA?
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HUMANTONG na umano sa pagpapatiwakal ang depresyon ng ilang magsasaka na dumaranas ng matinding pagkalugi ngayon sa gitna ng bagsak presyong palay. Matapos kumalat sa social media ang mga ganitong usapan ay agad nagpasaklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Department of Agriculture (DA) upang matukoy kung ito’y may katotohanan. Nais ng DA na imbestigahan ng NBI ang mga balitang nasa tatlong magsasaka umano mula sa Nueva Ecija ang nagpakamatay dahil sa pagkalugi sa kanilang mga pananim na gulay. Bagaman may insidente ng pagkamatay ng…
Read More2 SUSPEK SA PAGPATAY SA APARRI, CAGAYAN VICE MAYOR AT 5 PA, TIKLO
KALABOSO ang dalawang suspek na responsable sa pagpaslang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda, na ikinamatay rin ng apat na bodyguards at driver nito noong taong 2023. Hindi nakapalag ang mga suspek nang isilbi sa kanila nitong Martes, dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Barangay Luna, Sta. Rosa, Nueva Ecija, ang warrant of arrest na inilabas ng Bayombong, Nueva Vizcaya Regional Trial Court Branch 28, kaugnay sa anim na bilang ng kasong murder. Kabilang sa naaresto ang itinuturong lider ng De Guzman potential private armed group, at isang miyembro…
Read MoreLAGUNA SINUYOD NG ‘AKO-OFW BIYAHENG KONGRESO CARAVAN’
SINUYOD ng AKO-OFW Party-list ang bawat sulok ng Lumban, Laguna bilang bahagi ng “Biyaheng Kongreso Caravan ng AKO-OFW,” kung saan nagsagawa sila ng kanilang house to house tour kasama ang pinaka-popular na kakandidatong mayor na si Wendy “Love U All” Samonte. Dito, personal na inendorso ni Samonte sa kanyang mga kababayan sa Lumban ang AKO-OFW Party-list upang ipalaganap pa ang mga nais maisabatas ng nasabing partido. Pangunahin kasi sa plano ni AKO-OFW Party-list 1st Nominee Dr. Chie Umandap ang pagpapatayo ng kauna-unahang “Remote Filipino Workers Digital Creative Hub Building” sa…
Read MoreTUGBOAT AT PANAMIAN CARGO VESSEL NAGBANGGAAN; 1 PATAY, 1 MISSING
PATAY ang kapitan ng isang Philippine tugboat vessel matapos na makabanggan ang isang Panama registered cargo vessel nitong Martes ng madaling araw sa dagat sakop ng Maasim, Sarangani Province. Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na may nasawi sa banggaan ng barko at tugboat sa Sarangani subalit hindi kaagad inilabas ang pagkakakilanlan nito. Ayon sa PCG, nangyari ang insidente bandang alas-4:20 kahapon ng umaga sa karagatang sakop ng Maasim, Sarangani. Sa ibinahaging ulat ng Philippine Coast Guard na nakabase sa nasabing bayan, patay ang kapitan ng M/Tug Sadong 33, isang…
Read MorePULIS, 3 PA HULI SA 20 KILO NG SHABU
ARESTADO ang isang police officer at tatlo pang hinihinalang bigtime drug personalities sa hilagang Luzon makaraang mahulihan ng 20 kilo ng umano’y shabu sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Baguio City. Ayon sa inisyal na ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General, Usec. Isagani Nerez, tinatayang P136 milyon ang halaga ng umano’y shabu na nakumpiska mula sa apat na high value target, isa rito ay police personnel, na kanilang nahuli sa isinagawang buy-bust operation. Batay sa ulat, bandang alas-11:02 ng umaga nitong Martes, inilunsad…
Read More