SINAMPAL ng 100 taong pagkakulong ng Sandiganbayan si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman Efraim Genuino at apat na iba pa kaugnay ng kasong multiple counts ng graft at malversation of public funds na may kaugnayan sa paglustay sa P187.7 milyong pondo ng ahensya. Kasamang nahatulan sina former president and chief operating officer Rafael Francisco; former senior vice president (SVP) for administration Rene Figueroa; SVP for corporate communications services Edward “Dodie” King; at former assistant vice president for internal audit Valente Custodio matapos mapatunayang guilty sa five counts…
Read MoreMonth: May 2025
3 INDIBIDWAL DINAMPOT SA P1.5-M SHABU
ARESTADO ang tatlong indibidwal na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, habang nakumpiska ang mahigit P1.5 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Sampaloc, Manila. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Heart”, 20; “Nene”, 24, at “Dan”, 45-anyos, pawang mga residente ng Barangay 501, Sampaloc, Manila. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, commander ng Police Station 4 ng Manila Police District, nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa isinagawang operasyon sa nasabing lugar. Tinatayang…
Read MoreP197.2-M SHABU NASABAT SA 2 TULAK SA PARAÑAQUE
UMABOT sa 29 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P197.2 milyon ang halaga, ang nasabat sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Parañaque City noong Sabado ng hapon. Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa pangunguna ng mga tauhan ng PDEA RO NCR – RSET 1, kasama ang PDEA SDO, PNP Drug Enforcement Group SOU NCR, PNP SPD Parañaque City Police Station 3, PNP SPD Parañaque Substation 5, at PNP SPD Parañaque SDEU, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang drug personalities at nakumpiska ang…
Read MoreNAHARANG NA P441 MILYON SA MACTAN-CEBU INTERNATIONAL AIRPORT, KONEKTADO SA PAGPATAY KAY QUE?
TINITINGNAN ngayon ng Pambansang Pulisya ang koneksyon ng nakumpiskang pera sa Mactan-Cebu International Airport sa ransom na ibinayad ng pamilya ni Anson Que. Nauna nang naharang noong Biyernes ng gabi ang siyam na indibidwal na kinabibilangan ng dalawang Pinoy at pitong dayuhan bitbit ang pitong bag na puno ng pera. Sa ulat, sasakay ng isang chartered flight mula sa MCIA patungong Manila ang mga suspek nang madiskubre sa X-ray machine na pera ang nilalaman ng kanilang bag dakong alas-9:00 ng gabi dahilan upang makipag-ugnayan ang Aviation Security Unit sa Police…
Read More31 PAG members huli, 3 terorista napatay AFP NASA ELECTION AT FIGHTING MODE
IDINEKLARA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na naka-dual mode ang kanilang buong pwersa bago pa man ang gaganaping national and local election ngayong Lunes. Nasa election at fighting mode ang lahat AFP unified kaya habang abala sa pagbibigay ng seguridad para sa isasagawang May 12 midterm election ay tuloy-tuloy rin ang kanilang opensiba laban sa lawless elements. Sa Northern Luzon Command, may 31 indibidwal na hinihinalang mga kasapi ng private armed groups, ang nadakip ng Special Operations Command’s Trident North at 501st Infantry Brigade sa Barangay Laskig,…
Read MoreOBRERO SINAKYOD NG KABARO, PATAY
CAVITE – Patay ang isang construction worker nang pagsasaksakin ng kanyang kabaro habang nag-iinuman makaraang magtalo hinggil sa trabaho sa bayan ng Indang sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Naisugod pa sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Erni Magallon, binata, ng Brgy. Mahabang Kahoy Cerca, Indang, Cavite ngunit hindi umabot nang buhay. Naka-hospital arrest naman ang suspek na si alyas “Dennis” 47, tubong Negros Occidental, binata at isa ring construction worker, dahil sa mga sugat sa katawan. Una dito, nag-iinuman ang dalawa bandang alas-11:50 ng gabi sa harapan…
Read MorePASASALAMAT, PAG-ASA MENSAHE NG ‘ALYANSA’ SA PAGTATAPOS NG KAMPANYA
MENSAHE ng pasasalamat at pag-asa para sa sambayanang Pilipino ang ipinarating ng mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ang senatorial slate na suportado ni President Ferdinand R. Marcos Jr., sa pagtatapos ng kanilang campaign period ilang araw bago ang midterm polls sa Lunes, Mayo 12. Nagpasalamat si ‘Alyansa’ campaign manager at Navotas Rep. Toby Tiangco sa mga Pilipino, campaign volunteers, local leaders at mga miyembro ng media na sumuporta at naghatid ng balita sa simula pa lang ng pangangampanya ng koalisyon. “Sa pagtatapos ng makasaysayang campaign period na…
Read MoreNO TO VOTE BUYING
IBINALANDRA ni Sogod, Southern Leyte mayoral candidate Rico Cajipe ang karatula na nagsasaad na ibasura ang pamimili ng boto ng mga kandidato ngayong midterm elections. Matapang niyang kinokondena ang malawakang bilihan ng boto hindi lang sa kanilang lalawigan kundi sa iba pang panig ng bansa. Nanawagan si Cajipe sa mga botante na tanggihan ang mga kandidato na lalapit para bumili ng kanilang boto sa Lunes May 12, 2025 para sa national and local elections. (PS) 244
Read MoreMANNY VILLAR SUMALI SA LAS PIÑAS NA NAGHAYAG NG ALL-OUT SUPPORT KAY CAMILLE
ANG chairman ng Nacionalista Party na si dating Senate President Manny Villar, kasama ang kandidato sa Kongreso, at outgoing Sen. Cynthia Villar, ay nagbigay ng buong suporta sa kanilang anak na si Camille, na tumatakbo sa pagka-senador sa darating na Mayo 12 na botohan. Sa pagtatapos ng 90-araw na panahon ng kampanya, si Camille Villar ay nakakuha ng suporta mula sa kanyang pamilya at sa kanyang kapwa Las Piñeros. “Si Camille, sa anomang aspeto, hindi tayo mapapahiya dito. Nag-congresswoman, Deputy Speaker kaagad. Sa talino, wala tayong masasabi. Sa mga nagawa,…
Read More