3 INDIBIDWAL DINAMPOT SA P1.5-M SHABU

ARESTADO ang tatlong indibidwal na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, habang nakumpiska ang mahigit P1.5 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Heart”, 20; “Nene”, 24, at “Dan”, 45-anyos, pawang mga residente ng Barangay 501, Sampaloc, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, commander ng Police Station 4 ng Manila Police District, nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa isinagawang operasyon sa nasabing lugar.

Tinatayang umabot sa 225 gramo ng hinihinalang shabu na katumbas ng halagang P1,530,000 ang nakumpiska ng mga awtoridad sa nasabing mga suspek.

Ang mga suspek na nakadetine sa Sampaloc Police Station, ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

59

Related posts

Leave a Comment