SINAMPAL ng 100 taong pagkakulong ng Sandiganbayan si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman Efraim Genuino at apat na iba pa kaugnay ng kasong multiple counts ng graft at malversation of public funds na may kaugnayan sa paglustay sa P187.7 milyong pondo ng ahensya.
Kasamang nahatulan sina former president and chief operating officer Rafael Francisco; former senior vice president (SVP) for administration Rene Figueroa; SVP for corporate communications services Edward “Dodie” King; at former assistant vice president for internal audit Valente Custodio matapos mapatunayang guilty sa five counts ng graft at five counts of malversation.
Gayunman, hindi maipatutupad ang naturang hatol ng graft court dahil alinsunod sa batas, ang maximum period ng pagkabilanggo ay hanggang 40 taon lamang alinsunod sa Article 70 ng Revised Penal Code.
Hindi na rin pinapayagan ng batas na makapagtrabaho si Genuino sa alinmang tanggapan ng pamahalaan.
(JULIET PACOT)
