P197.2-M SHABU NASABAT SA 2 TULAK SA PARAÑAQUE

UMABOT sa 29 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P197.2 milyon ang halaga, ang nasabat sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Parañaque City noong Sabado ng hapon.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa pangunguna ng mga tauhan ng PDEA RO NCR – RSET 1, kasama ang PDEA SDO, PNP Drug Enforcement Group SOU NCR, PNP SPD Parañaque City Police Station 3, PNP SPD Parañaque Substation 5, at PNP SPD Parañaque SDEU, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang drug personalities at nakumpiska ang tinatayang 29 kilos ng umano’y shabu dakong alas-5 ng hapon noong Sabado sa loob ng isang exclusive subdivision sa lungsod.

Sinasabing sinamantala ng mga suspek ang mahigit na security protocols ng subdibisyon, kaya nahirapan ang mga awtoridad na magsagawa ng

surveillance at i-validate ang intelihensya bago isinagawa ang operasyon.

Arestado sa nasabing buy-bust operation ang dalawang indibidwal na kinilalang sina alyas “Jalil,” 44, at “Gracia,” 36, kapwa residente ng Cebu City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 29 aluminum foil packs na may label na “Freeze-dried Durian” na may Chinese characters, ang bawat isa ay nagtataglay ng white crystalline substance na hinihinalang shabu.

Umabot sa 29 kilo ang nakumpiskang shabu na tinatayang may standard drug price na P197,200,000.

(DANNY QUERUBIN)

54

Related posts

Leave a Comment