CAVITE – Sugatan ang isang 50-anyos na construction worker na mahina ang pandinig, nang barilin ng isa sa apat na mga holdaper na pumasok sa kanilang barracks, nang gumalaw ito makaraang magbabala ang mga suspek na huwag kikilos, sa Villar City, Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas ang biktimang si Alberto Mateo y Loyogog, stay-in sa construction site sa Villar City, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite dahil sa tama ng bala sa baba at kanang biceps. Tinutugis naman ng pulisya ang apat…
Read MoreDay: June 16, 2025
Sa mga pumaslang sa ABC president ‘GET THEM ALIVE!’ – GOV. FERNANDO
NAGBIGAY ng direktiba si Gobernador Daniel R. Fernando sa pulisya na hulihin nang buhay ang mga suspek na pumaslang kay Association of Barangay Captains (ABC) president Capistrano noong Oktubre ng nakaraang taon. “I want them alive,” ito ang binigyan-diin ni Fernando sa Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa ginanap na 2025 Second Quarter Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Advisory Council (PADAC) at ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) na ginanap sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos City…
Read More8 ‘MAKUKUPAD’ NA CHIEF OF POLICE SA METRO MANILA SINIBAK
SINIBAK ni PNP chief, General Nicolas Torre III ang walong chief of police sa Metro Manila makaraang mabigong ipatupad ang 5-minute response time. Sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya, hindi nasunod ng mga opisyal ang kanyang direktiba matapos tumawag ang mga nangangailangan ng tulong. Ayon kay PNP spokesperson, Brig. Gen. Jean Fajardo, ang mga sinibak na chief of police ay mula sa mga lungsod ng Navotas, Caloocan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina, San Juan at Parañaque. Posibleng may susunod pa na masisibak sa pwesto, hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa…
Read MorePAGBILI NG HALAGANG P680-M BIGAS, BIGAS SA BARMM PINAIIMBESTIGAHAN
HINILING ng ilang mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang imbestigasyon sa umano’y pagbili ng bigas na nagkakahalaga ng P680 milyon ng Ministry of the Interior and Local Government noong 2024. Ang kahilingan ay nakasaad sa ipinadalang sinumpaang salaysay ng mga nagrereklamo sa Office of the Ombudsman-Mindanao, Office of the President, Senado, Office of the Speaker-BARMM at Commission on Audit. Nabatid pa sa mga complainant, na itinago ang pangalan upang maprotektahan ang kanilang sarili, ang mga transaksyon ay labag umano sa procurement laws, transparency standards, at fiscal…
Read More2 ARESTADO,10 MINORS NASAGIP SA CHILD EXPLOITATION
ARESTADO sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang dalawang hinihinalang bugaw habang nasagip ang 10 menor de edad sa umano’y child exploitation sa Concepcion, Tarlac. Ayon sa ulat ni NBI Director Jaime Santiago, noong Hunyo 10 nang maaresto ang dalawang suspek sa kasong child exploitation, at 10 menor de edad ang nasagip. Nauna rito, nadakip ang isang Swedish national na kinilalang si Heinz Henry Andreas Berglund noong Abril 2, 2025, ng mga tauhan ng NBI-Violence Against Women and Children Division (VAWCD) at ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit…
Read MoreRUSSIAN VLOGGER NAILIPAT NA SA BJMP
INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na nailipat na sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Russian Youtuber na si Vitaly Zdorovetskiy noong Hunyo 11. Si Zdorovetskiy ay naaresto noong Abril dahil sa kinahaharap na ilang lokal na kaso bunsod ng paglabag sa batas sa imigrasyon. Mananatili siya sa kulungan hanggang maresolba ang mga kaso bago siya pabalikin sa kanilang bansa dahil tumanggi ang BI sa hiling nitong magpiyansa para sa pansamantala niyang paglaya. Ayon sa BI, ito ay hindi lang basta usapin ng administrative procedure…
Read More8th Asia Dengue Summit Renews Call to Achieve Zero Dengue Deaths, with a Record 14 million Global Cases Reported in 2024
Health leaders, researchers, and advocates unite to advance efforts against dengue through innovation, prevention, and cross-sector collaboration. Manila, Philippines, June 16, 2025 – As dengue cases in 2024 double to over 14 million globally, with Asia accounting for 70% of the global burden in 20241, the Asia Dengue Voice and Action (ADVA) Group reinforces the call for stronger policies to strengthen dengue resilience at the 8th Asia Dengue Summit held at the Crowne Plaza Galeria Manila. Themed Toward Zero Dengue Deaths: Science, Strategy, and Solidarity, the summit held from 15 to 18…
Read MoreLUMANG PROBLEMA SA BALIK-ESKWELA
EDITORIAL BALIK-ESKWELA. Panibagong school year na ibabalik ang pre-pandemic na school calendar. Magsasara ito sa Marso 31, 2026, sakop ang 197 araw ng klase, kabilang ang End-of-School-Year (EOSY) rites. Bagong school year, ngunit dating problema sa kakulangan ng classroom, kapos na upuan at problema kung paano pagkakasyahin ang mga estudyante sa mga silid-aralan ang sasalubong sa mga guro at estudyante. Paano tutugunan ang mga problemang ito? Aminado si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na tinatayang 165,000 ang kulang na classroom sa buong bansa, na aabutin ng halos 55…
Read MoreMAHALAGA ANG BAWAT SENTIMO PARA SA MGA KONSYUMER
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO PATULOY pa rin nating nararamdaman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo kaya hindi pa rin maiwasang sobrang dami pa ring nagrereklamo kapag oras na para maglabas ng pambayad para sa mga nakonsumo natin. Mabuti na lang, may magandang balita ang Meralco kamakailan. Alam naman natin na itinuturing na “grudge expense” ang kuryente — dahil dito talaga napupunta ang bahagi ng buwanang budget at bukod pa riyan, binabayaran ito matapos makonsumo hindi kagaya ng ibang produkto o serbisyo na kailangang bayaran muna bago…
Read More