PH LAWMAKERS, LAWBREAKERS – CALLEJA

TINAWAG ng isang law professor na lawbreakers ang mga senador sa gitna ng mabagal na pag-usad ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. “Our senators — lawmakers are lawbreakers!” ani Atty. Howard Calleja. Partikular na pinatutsadahan nito si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa lantaran umanong paglabag sa saligang batas at ang mismong sariling Senate impeachment rules na nagresulta ng pagkaantala at paghinto ng paglilitis ukol sa inihaing reklamo laban kay Duterte. “These senators are supposed only to listen to the evidence and decide to convict or acquit,…

Read More

PAGBABAYAD NG P28-B SA HACIENDA LUISITA PINALAGAN

KINONDENA ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang desisyon ng Court of Appeals na nag-uutos sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Land Bank of the Philippines (Landbank) na bayaran ng mahigit P28.488 bilyon bilang “just compensation” ang mga Cojuangco-Aquino at Lorenzo. Ayon sa KMP, ang desisyon ng appellate court ay patunay ng walang hanggang inhustisyang dulot ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga manggagawang-bukid at magsasakang matagal nang niloloko ng huwad na reporma sa lupa. Iginiit ni Danilo Ramos, Tagapangulo ng KMP, habang ang mga tunay na nagbubungkal…

Read More

51 NPA NAPATAY SA LOOB NG 6-BUWAN

IPINAKITA ng Armed Forces of the Philippine ang patuloy na paghina ng Communist New People’s Army sa inilabas nilang datos na umabot sa 871 miyembro at tagasuporta ng New People’s Army (NPA) ang kanilang naneyutralisa loob lamang ng nakalipas na anim na buwan. Sa nasabing bilang 51 communist terrorists ang napatay ng mga tauhan ng pamahalaan sa tuloy-tuloy na focus at intelligence driven operation na kanilang inilunsad sa iba’t ibang area of operation mula Enero 1, 2025 hanggang sa kalahatian ng buwan ng Hunyo. Base sa estadistika, 44 NPA ang…

Read More

SONA NI PBBM BOBOYKOTIN NI VP SARA

MULING ibo-boycott ni Vice President Sara Duterte ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa July 28, 2025 kasabay ng pagbubukas ng 20th Congress. Sa panayam ng mga mamamahayag kay House Secretary General Reginald Velasco, kinumpirma nito na nagpadala ng sulat si Duterte para ipaalam na hindi dadalo sa ikaapat na SONA ni Marcos. Gayunpaman, sinabi ni Velasco na hindi pa rin ipaookupa ang upuan ni Duterte at mga staff nito sa gallery ng plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagbabaka-sakaling magbabago ang…

Read More

NILABAG NA BATAS NG DUTERTE YOUTH SISILIPIN

NAWALAN na ng partido at upuan sa Kongreso, posibleng panagutin pa si Roland Cardema at mga opisyal ng Duterte Youth party-list dahil sa paglabag sa Party-list System Act o Republic Act (RA) 7491. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kasunod ng desisyon ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division na kanselahin ang registration ng Duterte Youth ni Cardema, ay umingay ang panagawan na panagutin ito sa paglabag sa nasabing batas. “Kaisa kami sa panawagan na panagutin ang Duterte Youth sa paglabag sa Saligang Batas at sa karapatang pantao ng…

Read More

Kalaban na-DQ ng Comelec REP. ABANTE BALIK KONGRESO

BALIK sa Kongreso si Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., matapos bawiin ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ni Luis “Joey” Chua Uy makaraang mapatunayan na hindi ito natural-born Filipino. “This is not about personalities—this is about the rule of law. The Constitution must prevail. Our democracy depends on it,” pahayag ni Abante matapos siyang ideklara bilang nanalong kinatawan ng ika-6 na distrito ng Lungsod ng Maynila noong nakaraang May 12, 2025 election. Base sa resulta ng halalan, si Uy ay nakakuha ng 64,746 na boto laban sa 63,358…

Read More

RIGODON SA PNP: 11 GENERALS SAPOL

pulis

NAGPATUPAD ng malawakang balasahan sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), epektibo nitong Huwebes. Pirmado ni PNP-Personnel and Records Management Director PMGen. Constancio Chinayog, ang kanilang reassignment order na may petsang Hunyo 19, 2025. Kabilang sa mga bagong itinalaga ang ilang Police Regional Directors, District Directors sa Metro Manila, at Directors ng support unit ng PNP sa Camp Crame. Itinalaga bilang officer in charge ng Area Police Command-Visayas si Police Major General Robert Alexander Morico II; Police Brig. Gen. Rolindo Soguilon, bilang acting Regional Director ng PRO 10;…

Read More

LOOK: Sky-high thrills at this Rooftop Restaurant and Bar Officially Takes Off in the Heart of Pasay

Ribbon Cutting: [L-R] Dam Parcon, One Selah General Manager; Pastor Tony Ong;  Architect Jefferson Tomas, One Selah President and CEO; Atty. Peter Pardo, Pasay City Hall Chief-of-Staff; and Fanny Tomas, One Selah Representative Pasay, Philippines – If you’re craving a different kind of rooftop experience—one that blends adrenaline, cityscapes, good food, and cozy vibes in one unforgettable place—then it’s time to look up. Located at the top of Selah Pods Hotel along F.B. Harrison in Pasay City, Selah Sky has officially opened its rooftop restaurant, bar and adventure zone, inviting…

Read More

Pastor Legacy Racing Team

Ang Pastor Legacy Racing Team na pinamumunuan ng Raceform Coach at race car champion na si Don Pastor. Nanalo ang mga Pastor sa Manufacturers Class. Si Marco Pastor, apo ng maalamat na car racing champion na si Tom Pastor at anak ng National Racecar champion na si Carlo Pastor, ay nakakumpleto ng 121 laps sa isang Honda Brio. Sa ginanap na 12hrs Kalayaan cup. International Raceway o Speedway sa Angeles City, Pampanga noong Linggo, Hunyo 15, 2025. Layunin ni Marco na ituloy ang kanyang pangarap na isang upuan sa F1…

Read More