NILABAG NA BATAS NG DUTERTE YOUTH SISILIPIN

NAWALAN na ng partido at upuan sa Kongreso, posibleng panagutin pa si Roland Cardema at mga opisyal ng Duterte Youth party-list dahil sa paglabag sa Party-list System Act o Republic Act (RA) 7491.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kasunod ng desisyon ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division na kanselahin ang registration ng Duterte Youth ni Cardema, ay umingay ang panagawan na panagutin ito sa paglabag sa nasabing batas.

“Kaisa kami sa panawagan na panagutin ang Duterte Youth sa paglabag sa Saligang Batas at sa karapatang pantao ng mga pinatahimik nila sa panlilinlang at panre-red tag,” ayon sa mambabatas.

Mula nang ihayag ng Comelec ang kanilang desisyon, hindi pa naglalabas ng statement ang Duterte Youth party-list partikular na ang kinatawan ng partido na si Rep. Drixie Mae Cardema na inakusahang ilegal na gumamit ng apelyidong “Cardema”.

Ayon kay Brosas, nilabag na ng Duterte Youth ang nasabing batas sa una nilang pagsali sa party-list election noong 2019 dahil ang kanilang first nominee na si Ronald Cardema ay 33-anyos noon gayung hanggang 30 lang ang pwedeng kumatawan sa grupo.

Nang maupo matapos hindi aksyunan ng Comelec ang disqualification case na isinampa sa grupo noong 2019, wala umanong ginawa si Cardema at kanyang partido kundi mang-red tag ng mga kritiko ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

(BERNARD TAGUINOD)

69

Related posts

Leave a Comment