MAY kabuuang 93 pares ng mga matagal nang magka-live-in ang ikinasal sa huwes at simbahan bilang bahagi ng “Kasalang Bayan ’25: Manila June Bride” sa Maynila. Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang tumayong principal sponsor sa 28 na pares na ikinasal sa St. Vincent de Paul Parish sa Ermita at 65 pares naman na ikinasal sa Adamson Gymnasium kung saan ang alkalde rin ang nag-officiate. Ang “Kasalang Bayan 2025: Manila June Bride” na ginanap noong June 14, 2025 ay bahagi ng mga aktibidad tungo sa ika-454 anibersaryo ng pagkakatatag…
Read MoreMonth: June 2025
PANUNUMPA NG TEAM PAG-ASA
NANUMPA na sa kani-kanilang tungkulin ang buong Team Pag-asa sa pangunguna ni Parañaque 2nd District Congressman-elect Brian Raymund Yamsuan sa harap ni Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan. Si Cong. Yamsuan ay kasamang nanumpa sina Parañaque City Vice Mayor-elect Benjo Bernabe, 2nd District Councilor-elect Tess De Asis, 2nd District Councilor-elect Binky Favis at 1st District Councilor-elect Shannin Mae Olivarez nitong Miyerkoles, June 18, 2025. Ginanap ang panunumpa sa En Banc Session Hall ng Korte Suprema sa lungsod ng Maynila. (DANNY BACOLOD) 114
Read MoreMANILA CITY HALL EMPLOYEES, NGANGA?
NANGANGAMBA ang mga empleyado ng Manila City Hall na hindi sila makasweldo sa huling buwan sa pwesto ng natalong si Mayor Honey Lacuna. Sa kumakalat na usap-usapan sa city hall, umaabot sa P1.4 bilyon ang halagang kailangang pasahod sa mga kawani ng pamahalaang lungsod — na sa paglalarawan ay iniwang nakanganga sa pag-aalala na walang sasahurin. Dagdag ng sources, kapos at halos ubos na ang cash reserves ng city treasurer at posibleng kakapusin ang ipasasahod hanggang Disyembre ngayong taon. Ayon sa mga nagrereklamo, inuna pa ni Mayor Honey ang magbakasyon…
Read MoreSa Caribbean Water Park SAKSINGAYON SUMMER SAYA, KASAMA ANG PAMILYA!
ISANG araw bago ang selebrasyon ng Araw ng Mga Tatay ay isinagawa ng pamunuan ng PeryodikoFilipino, Inc ang SAKSI NGAYON SUMMER SAYA, KASAMA ANG PAMILYA! ” A Family Day Activity” noong nakaraang Hunyo 14, 2025 sa CARIBBEAN WAVES WATER PARK RESORT sa Mahabang Parang, Sitio Abo, Pulong Sampaloc, Dona Remedios Trinidad, Bulacan. Dakong alas-8 ng umaga pa lang nagsimula na ang aktibidad na kung saan ay nagkaroon ng mga palaro na pinangunahan ng SAKSI NGAYON TEAM na sinalihan ito ng mga kustomer ng CARIBBEAN WAVES WATER PARK RESORT. Nagbigay naman…
Read MoreSANA MARAMING MATUWA SA EXTENSION NI KAP
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SWERTE naman ng mga barangay official sa pagpapaliban ng nalalapit na barangay and SK elections (BSKE). Suwerte na, mapalad pa kapag naging apat na taon na ang kanilang turno, mula sa tatlong taong limit. Sabagay, kung ngayong taon mag-eeleksyon ay lalabas na dalawang taon lang nagsilbi ang mga nakapwesto ngayon sa barangay. Unfair nga naman. Ayan, niratipikahan ng Kongreso ang bicameral committee report na nagpapaliban ng naturang halalan. Ang ulat, na pinagsama ang Senate Bill No. 2816 at House Bill No. 11287, ay nag-amyenda sa Republic…
Read MoreKUMUSTA ANG INTERNET CONNECTIONS SA PILIPINAS?
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KAMAKAILAN ay may mga nakakwentuhan tayong ilang kapatid sa hanapbuhay na suyang-suya at galit sa ilang korap na opisyal ng pamahalaan na ginagawang sandata o panakot ang krimeng libelo upang takutin at busalan ang mga mamamahayag sa pagsisiwalat ng kabulukan at tiwali na gawain. Opo at dapat na aminin, may ilang ‘journalist’ o nagkukunwaring mamamahayag ang abusado, iresponsable at sadyang dapat na kasuhan ng libelo. Ito yung tinatawag na mga propagandista, na ginagamit ang kalayaan sa pamamahayag sa paninira ng reputasyon, dangal at pagkatao…
Read MoreSOLON KAY VP SARA: FAKE NEWS QUEEN
INILUKLOK ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro si Vice President Sara Duterte bilang “Fake News Queen” matapos panindigan ang maling impormasyon na kaanak niya si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro. Ayon kay Castro, kapwa na nila nilinaw ng Malacañang na wala silang kaugnayan sa isa’t isa kundi magkaapelyido lamang subalit pinaninindigan aniya ni Duterte ang una nitong alegasyon na magkamag-anak sila. “Paulit-ulit na lang ang pagpapakalat ng kasinungalingan ni VP Sara Duterte. Walang katotohanan ang kanyang sinasabi na magkamag-anak kami ni Usec. Claire Castro. Ito ay malinaw…
Read MoreParunggit kay Bato SOLON: BUTI PA MGA BATA ‘DI NALILINLANG NG AI
KINUWESTYON ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang pagse-share ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ng isang AI (artificial intelligence)-generated video ng dalawang kabataang estudyante na tutol umano sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. “Mabuti pa ang mga bata, nakakaintindi na may mga kayang gumawa at magpakalat ng AI-generated videos para manlinlang ng kapwa,” ayon pa sa mambabatas na numero unong kritiko ni Dela Rosa. Nangangamba ang mambabatas sa kakayahan ni Dela Rosa na maging judge sa Impeachment trial ni Duterte partikular na sa pangingilatis sa mga ebidensyang…
Read More‘TAMBANGAG’ NASA LIKOD NG MGA GRUPONG KONTRA KAY FPRRD – REP. PULONG
INAKUSAHAN ni Davao City Rep. Paolo Duterte na pinopondohan ng “Tambangag” ang mga grupong kontra sa pansamantalang paglaya ng ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte. Ginawa ni Pulong ang pahayag matapos umanong makarating sa kanila na may grupo na nagbabala sa mga bansa na tatanggap sa dating pangulo kapag inaprubahan ng International Criminal Court (ICC) ang kanilang apelang “interim realease”. “May I remind 1Sambayan that numerous countries have in fact lauded FPRRD in his crusade to combat crime in our country and I would not be surprised if many…
Read More