DPA ni BERNARD TAGUINOD TUWING nagbubukas ang bagong Kongreso, paligsahan ang mga congressman sa paghahain ng kani-kanilang panukala para amyendahan ang isang umiiral na batas na hindi na epektibo para isulong daw kapakanan ng bawat Pinoy at ng bansa sa kabuuan. Sa katunayan, madaling araw pa lamang ay pumipila na ang mga staff ng mga congressman sa Bills and Index Division para ihain ang panukalang batas ng kanilang amo na sisipot lang kapag naihain na at meron nang numero para humarap sa media o kaya ay magpapa-picture. Ang unang sampu…
Read MoreDay: July 2, 2025
‘MULTO NG KAHAPON’ NAKAKABIT KAY NEPOMUCENO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TSUPI na si Commissioner Bienvenido Rubio sa Bureau of Customs. Maraming nagulat. Hindi inaasahan lalo pa’t marami ang nagsasabing mahusay naman ito. Pero ang higit na ikinagulat sa Aduana ay ang ipinalit sa kanya. Bagaman hindi bagito dahil hindi ito ang una na ginampanan niya ang ganitong papel, mukhang malapit muli sa intriga ang katatalagang commissioner ng BOC na si dating Office of Civil Defense (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno. Maintriga nga kung papatulan ang haka-hakang umandar ang bata-bata system sa pagkakatalaga kay Nepomuceno. Ang siste raw…
Read MoreBASAAN BA O BASTUSAN NA?
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN TUWING Hunyo 24, inaabangan sa San Juan City ang Wattah Wattah Festival. Isa ito sa pinaka-energetic na fiesta dahil sa basaan. Makikita mo ang mga tao, may dalang balde, tabo, hose, bote ng tubig, at kung anu-ano pa. Basaan dito, sigawan doon. Ang saya ng lahat. Pero sa mga nakaraang taon, hindi lang tubig ang bumaha. Kasama na rin ang reklamo, aksidente, at gulo. Kaya nitong taon, pinatunayan ni Mayor Francis Zamora na puwedeng i-celebrate ang Wattah Wattah na may order at respeto. Nag-set…
Read MoreCEASEFIRE SA ISRAEL AT IRAN, ‘DI PA RIN SURE NA BABABA PRESYO NG BILIHIN
PUNA ni JOEL O. AMONGO BAGAMA’T nagpatupad ng tigil-putukan sa pagitan ng Iran at Israel ay hindi pa rin siguradong bababa ang presyo ng mga bilihin sa Pilipinas. Matatandaan noong June 13, 2025, “Friday the 13th”, unang pumutok ang pambobomba ng Israel sa mga plantang nuclear ng Iran at agad namang nagdeklara ang mga kumpanya ng langis sa Pilipinas na magtataas sila ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ng mahigit kumulang sa limang piso kada litro. Sa kasaysayan ng mga pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ito na…
Read MoreDISMAYADO KAY CHIZ: VETERANS BLOC BINUO SA SENADO
AMINADO si Senador Juan Miguel Migz Zubiri na hindi siya kuntento sa liderato ngayon sa Senado sa ilalim ni Senate President Chiz Escudero. Kasabay nito, sinabi ni Zubiri na bumuo rin sila ng veterans bloc sa Senado na kinabibilangan niya kasama sina dating Senate President Tito Sotto at Senators Ping Lacson at Loren Legarda. Isinusulong anya nila ang kandidatura ni Sotto bilang Senate President dahil nakita nila ang kwalipikasyon at kakayahan nitong mamuno sa Mataas na Kapulungan. Gayunman, may naririnig na rin anya silang impormasyon na mayroon nang 13 boto…
Read MoreANTI-POLITICAL DYNASTY BILL INIHAIN SA KAMARA
HINDI isinusuko ng mga militanteng mambabatas sa Kamara de Representantes ang kanilang krusada na tapusin ang political dynasties sa Pilipinas bagama’t mahigit dalawang dekada na itong ipinaglalaban. Noong Lunes ay muling inihain nina ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan party-list Rep. Renee Co ang House Bill (HB) 209 o “The Anti-Political Dynasty Act” na unang ipinaglaban na panukala ng mga miyembro ng Bayan Muna party-list noong 2001. “Bayan Muna party-list first filed a House Bill prohibiting political dynasties in 2001. Similar measures filed by the Makabayan bloc in…
Read More21K PULIS ITATALAGA SA IKA-4 SONA NI PBBM
TIYAK na magmimistulang military garrison ang paligid ng Batasang Pambansa Complex kaugnay sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong buwan ng Hulyo, sa dami ng mga pulis at sundalong itatalaga para mangalaga sa kaayusan at seguridad ng publiko at ng mga dadalo sa SONA ng presidente. Ayon sa PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), magtatalaga sila ng hindi bababa sa 21,000 pulis sa araw ng SONA ng Pangulo na huhugutin mula sa iba’t ibang distrito ng Kalakhang Maynila. Hindi pa umano kasama…
Read MorePULIS PATAY, 1 KRITIKAL; SUSPEK PATAY RIN SA BARILAN SA PRESINTO
CAVITE – Patay ang isang pulis habang kritikal ang isa pa nang barilin ng suspek na kalalabas lang mula sa Iwahig Prison and Penal Farm, ngunit napatay rin, matapos nitong agawin ang service firearm ng isa sa mga biktima sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Carmona nitong Miyerkoles ng umaga. Kapwa isinugod sa ospital ang mga biktimang sina PMSg. Joel Mendoza at PSSgt. Joseph Martin Fabula, kapwa nakatalaga sa Carmona Component City Police Station, dahil sa mga tama ng bala sa katawan subalit nalagutan ng hininga si Mendoza Namatay…
Read MoreBARANGAY HEALTH CENTER SA CAVITE NILOOBAN
CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang manloob sa isang Barangay Health Center sa Trece Martires City noong Martes ng madaling araw. Hawak na ngayon ng Trece Martires Component City Police Station ang suspek na si alyas “Tuklas”, 26-anyos, ng Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite Ayon sa ulat, puwersahang pumasok ang suspek sa Barangay Health Station sa Block 2, Lot 1, Phase 1-A, Southville, Brgy. Inocencio sa lungsod, at tinangay ang double burner gas stove kasama ang LPG tank nito bandang alas-2:00 ng madaling araw saka tumakas. Ngunit may…
Read More