Estero, ilog nagbara sa basura PAGIGING DUGYOT SINISI SA PAGBAHA

ISINISI ni Senador Loren Legarda sa kawalan ng disiplina ng marami ang malawakang pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa dulot ng matinding pag-ulan dala ng Habagat. Sinabi ni Legarda na puno ng basura ang mga daluyan ng tubig tulad ng mga kanal, estero at maging mga ilog. Bukod dito, tinayuan na rin ng mga bahay, gusali at iba’t ibang istruktura ang waterways kaya’t hindi makadaloy nang maayos ang tubig. Binanggit din ng senador ang walang disiplinang pagtatapon ng mga basura sa dagat mula sa mga dumaraang…

Read More

P360-M AKAP FUNDS PAGPAPARTEHAN NG 36 CONGRESSIONAL DISTRICTS

MAKATATANGGAP ng tig-sampung milyong piso na Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) funds at family food packs ang 36 congressional district para sa kanilang mga constituent na naapektuhan ng Bagyong Crising. Ayon kay Leyte Rep. Martin Romualdez, may kabuuang P360 million na halaga ng AKAP ang inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tulungan ang mga biktima ng bagyo. “This is just the beginning of our coordinated disaster response. Malayo pa ang mararating ng tulong na…

Read More

Maltese citizenship patunayang wala nang bisa VACC KAY GIBO: RESIBO O RESIGN

TILA hinahamon ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na ipakita sa publiko ang lahat ng opisyal na dokumentong nagpapatunay na legal niyang tinalikuran ang pagiging mamamayan ng Malta—o agad na lisanin ang kanyang pwesto. Sa isang opisyal na pahayag nitong Martes, nanawagan si VACC President Arsenio “Boy” Evangelista kay Teodoro na patunayan ang pagsunod niya sa Republic Act No. 9225 (Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003) at sa Implementing Rules and Regulations nito. Binigyang-diin ni Evangelista na hindi ito personal o…

Read More

ABOGADO PINABUBUWAG SENADO: MATIRA NA LANG SI RISA

NANAWAGAN ang isang abogado na buwagin na lang ang Senado at itira si Senadora Risa Hontiveros kasunod ng isyu ng umano’y budget insertion sa Senado. Sa isang post sa X (dating Twitter), sinabi ni Jesus Falcis, na maaari namang buwagin ang Senado, bukod kay Hontiveros, dahil pareho lang ang tungkulin nito sa Kamara. “Abolish pork barrel or abolish Senate? Charot! Open bicam proceedings muna para walang secret budget insertions,” wika ni Falcis sa kanyang post. “Pero pwede din abolish Senate – except for Senator Risa Hontiveros, karamihan diyan redundant lang…

Read More

DOBLE KARANG BATAS

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari MABALASIK pa rin ang ating pambansang kamao, Manny Pacquiao, sa kanyang ginawang pagbabalik sa boxing ring pagkalipas ng apat na taong pamamahinga. Bagama’t kinapos si Manny upang maagaw ang WBC world welterweight crown mula sa Amerikanong si Mario Barrios – 115-113 ang score ng isang judge na pumapabor kay Barrios at dalawang judge naman ang nagbigay ng parehong 114-114 score – nakita ng buong mundo na nananatili ang lakas at husay ng ating kababayan sa kabila ng kanyang edad na 46. Trenta anyos…

Read More

Report card ni Yorme Isko: Malinis, matinong gobyerno nadarama ng Manilenyo

PUNTO DE BISTA NI BAMBI PURISIMA NAPANSIN n’yo ang napakalaking pagbabago sa Maynila sa loob lamang ng mahigit dalawang linggo, at kahit ang taga-labas ng siyudad, manghang-mangha. Malinis na ang mga kalsada, ‘yung dating nakahambalang na walang disiplinang vendor na kung saan-saan lamang nagdudumi at nagtatapon ng basura, nawalis na, nalinis na. Wala na ang amoy ihi at ebak, maaliwalas na sa mata ang paligid ng Divisoria, Carriedo, Blumentritt, Pedro Gil, Vito Cruz, palibot, paikot ng city hall at ng Quiapo, at iba pang public market. Mabango na ang Maynila,…

Read More

FLOOD MITIGATION PROJECTS NI QC CONG. BONG SUNTAY

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG SA panahong tila paulit-ulit ang trahedya ng pagbaha sa lungsod, isang lider ang patuloy na nagiging tinig ng pagkilos at tagapagtaguyod ng solusyon para sa mga taga-District 4 ng Quezon City—si Congressman Bong Suntay. Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Cong. Suntay ang kanyang malasakit sa mga residente ng lungsod. Ngunit sa pinakahuling hakbang upang isulong ang P12.743 bilyong Flood Mitigation Projects, pinatunayan niyang higit pa sa mga salita ang kanyang serbisyo. Sinasabing sa pakikipagtulungan kina Mayor Joy Belmonte at Konsehal Miggy…

Read More

MAG-ASAWANG TALUNAN NOONG 2025 ELECTION SA PAGKA-GOV, UMAASINTA NG UPUAN SA BARMM PARLIAMENT — REP. MANGUDADATU

ISANG mag-asawang natalo noong May 2025 elections ang pinaniniwalaang nasa likod ng disinformation campaign laban kay Special Assistant to the President Anton Lagdameo kaugnay sa mga isyung ipinakakalat sa Bangsamoro Automomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Pahayag ito ni Maguindanao del Sur Congressman Esmael ‘Toto’ Mangudadatu hinggil sa mga isyu sa BARMM na pilit iniugnay ni Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu kay Lagdameo upang dungisan ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang special assistant. Bago pa ang 2025 elections ay lantaran nang inihahayag sa publiko ng…

Read More

Muling pag-upo ni Yedda Romualdez MOCKERY NG ELECTORAL PROCESS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA babala ang pahayag ni election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na magkakaroon ng “mockery” sa electoral process ng bansa kung hindi kukuwestyunin sa Korte Suprema o sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na payagan si Yedda Romualdez na umupo bilang third nominee ng Tingog Party-list sa papasok na 20th Congress gayung natapos na nito ang kanyang 3 consecutive terms bilang kongresista. Si Yedda, asawa ni House Speaker Martin Romualdez ay unang naging Leyte District Representative…

Read More