SA nagkakaisang boto, sinabi ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) na ang reklamong impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte-Carpio ay labag sa Konstitusyon. Hindi bumoto sina Justice Alfredo Benjamin Caguioa (nag-inhibit) at Justice Maria Filomena Singh (naka-leave). Ayon sa Korte, nilabag ng reklamo ang isang taong pagbabawal sa paghahain ng impeachment dahil may mga naunang reklamong naisampa. Pero nilinaw ni Spokesperson Camille Ting na hindi nito pinawawalang-sala ang Pangalawang Pangulo. Pwede pa aniya siyang sampahan ng panibagong reklamo, ngunit sa Pebrero 2026 pa ito maaaring gawin. “It is…
Read MoreMonth: July 2025
BAM NANINDIGAN NA DAPAT ITULOY ANG IMPEACHMENT TRIAL
NANININDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Sa isang pahayag, sinabi ni Aquino na bilang co-equal branch, dapat nirespeto ng Korte Suprema ang mandato at kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng impeachment trial. “Bilang co-equal branch, malinaw ang mandato ng konstitusyon at kapangyarihan ng Senado, kaya nararapat na irespeto ang proseso ng impeachment,” wika ni Aquino. “Nananawagan ako sa mga kapwa Senador na agad magsagawa ng caucus para talakayin ang desisyong binabalewala ang aming tungkulin sa Saligang Batas,” dagdag pa niya.…
Read MoreGOITIA ITINUTURING NA MATALINONG DISKARTE ANG KASUNDUANG MARCOS-TRUMP
“HINDI ito pagtalikod sa interes ng bansa. Hindi rin pagyuko sa dikta ng Amerika kundi maituturing na isang matalinong diskarte ni Pangulong Ferdinand Marcos sa isinagawang kasunduan ng kalakalan at seguridad sa pagitan nila ni United States President Donald Trump na hindi dapat kaagad husgahan.” Pahayag ito ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, isang tapat na lider ng apat na civic oriented groups na nagtataguyod at sumusuporta sa mga karapatan ng Pilipino at sa mga isyung panlipunan sa bansa. “Diskarte ito, hindi pagsuko,” buwelta ni Goitia sa mga kritiko…
Read MoreMPT South extends aid to Habagat, Typhoon-hit CAVITEX and CALAX Communities
In the wake of the recent typhoon and intensified southwest monsoon (Habagat) that battered parts of Metro Manila, Cavite, and Laguna, Metro Pacific Tollways South (MPT South), a unit of Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), has launched immediate relief operations to assist severely affected communities along the Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) and Cavite-Laguna Expressway (CALAX). MPT South swiftly coordinated with local government units of its expressways’ alignment communities to distribute a total of 3,000 relief packs to families temporarily displaced by the widespread flooding. The company also announced plans to extend…
Read More4 KATAO NATABUNAN NG LUPA; 2 PATAY, 1 NAILIGTAS, 1 MISSING
CAVITE – Patay ang dalawang construction worker, nailigtas ang isa pa habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasamahan makaraang matabunan ang kanilang barracks nang gumuho ang lupa sa border ng Silang at Tagaytay City noong Huwebes ng umaga. Ayon sa Silang DRRMO, bandang alas-6:00 ng umaga nitong Biyernes nang marekober ang katawan ng ikatlong biktima matapos matukoy ang kinaroroonan ng bangkay nito. Nabatid sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-10:00 ng umaga noong Huwebes sa border ng Sitio Cabangaan, Silang, Cavite at Brgy. Iruhin West,Tagaytay City. Nabatid na pawang nasa…
Read MoreSARI-SARI STORE OWNER SUGATAN SA HOLDAPER
QUEZON – Sugatan ang isang 35-anyos na babae nang bugbugin ng isang hinihinalang holdaper sa kanyang tindahan sa Caliya Subdivision, Brgy. Masin Norte, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya at base sa kuha ng CCTV, bandang alas-9:10 nang dumating ang suspek na nakasuot ng facemask, sumbrero at itim na hoodie, sa tindahan ng biktimang si Maureen Comia. Matapos magtanong-tanong at mamili ng ilang gamit, naghinala si Comia na may masamang binabalak ang suspek kaya ikinandado nito ang bintana at pinto ng…
Read MoreBAHAY NAGIBA SA BAHA, SENIOR CITIZEN INANOD
BATANGAS – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 75-taong gulang na babae nang tangayin ng baha makaraang mahulog mula sa kanilang nagibang bahay sa gilid ng ilog sa Brgy. Gelerang Kawayan, sa bayan ng San Pascual sa lalawigan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Dolores Cruz, residente ng nasabing barangay. Ayon sa report ng San Pascual Police, dakong alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima kasama ang kanyang 65-taong gulang na asawa at 14-taong gulang na apo. Bigla umanong…
Read MoreEpekto ng Bagyong Crising, Dante, Emong at Habagat 25 PATAY, 3 MISSING
PATULOY na nararamdaman ng bansa ang pinagsama-samang epekto ng nagdaang Typhoon Crising, Dante at ng kalalabas pa lamang na Bagyong Emong, at habagat sa area of responsibility ng Pilipinas na nakaapekto sa buhay ng 3.8 milyong indibidwal o katumbas ng mahigit isang milyong apektadong pamilya mula sa 17 rehiyon sa bansa. Sa bilang, 167,000 katao pa o higit 47,000 pamilya ang nanunuluyan sa mahigit 1,000 evacuation centers. Sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes ng umaga, umakyat na sa 25 katao ang…
Read More3 TIRADOR NG SARI-SARI STORE NABINGWIT
ARESTADO ang tatlong lalaki makaraang pasukin ang isang sari-sari store at sinikwat ang deposit box habang malakas ang buhos ng ulan sa Barangay 705, Malate, Manila noong Huwebes ng madaling araw Sa tulong ng mga barangay tanod ay nadakip ang mga suspek na sina alyas “Jeric”, “Russell” at “Aries”, kapwa 18-anyos, ng naturang lugar. Base sa ulat ng Malate Police Station 9 ng Manila Police District, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang distrungkahin ng mga suspek ang steel window ng isang sari-sari store sa nabanggit na lugar. Makaraang makuha ang…
Read More