MODERN EQUIPMENT SA LAS PINAS HOSPITAL

PINANGUNAHAN nina Senadora Camille Villar at dating senadora Cynthia Villar ang inagurasyon ng ilang mahahalagang imprastraktura at makabagong kagamitan sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center nitong Huwebes, Agosto 7. Kabilang sa mga bagong ipinakilalang proyekto ang makabagong Radiology Imaging Machines, kabilang na ang CT at MRI scanners, isang bagong connecting bridge, at ang Senator Cynthia Villar Multi-Purpose Hall. Ang mga proyektong ito ay nagpapakita ng malaking pag-unlad sa kakayahan ng ospital na magbigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng Las Piñas at mga karatig-lugar.…

Read More

Sen. Jinggoy pinangalanan 3 opisyal ng DPWH na sangkot sa pagguho ng Isabela bridge

MANILA – Pinangalanan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y may kinalaman sa pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa lalawigan ng Isabela. Nabunyag ang pagkakilanlan ng mga opisyal ng DPWH nang tanungin ni Sen. Rodante Marcoleta si Estrada matapos ang kanyang privileged speech noong Agosto 4, kung saan binigyang pansin ang bumagsak na Cabagan-Sta. Maria Bridge na nagkakahalaga ng mahigit ₱1.2 bilyon. Sa pagtatanong naman ni Sen. Imee Marcos ay nilinaw ni Sen. Estrada na walang kinalaman…

Read More