MINORITY SENATORS TIWALANG SUSUNOD SENADO SA FINAL RULING NG SC

BUMISITA si Representative Dibu Tuan ng Third District ng South Cotabato sa Senado upang mag-courtesy call sa mga senador ng 20th Congress upang magkaroon ng magandang ugnayan sa kanila. Nasa larawan ang pakikipaghuntahan niya kina Senator Imee Marcos at Senator Rodante Marcoleta sa plenaryo. (DANNY BACOLOD) TIWALA ang minority senators na kung sakaling mabaligtad ang desisyon ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ay susunod ang Senado. Kasabay nito, tiniyak ni Senador Panfilo Lacson na kapag nangyari ito ay pangungunahan niya ang mosyon upang i-pull…

Read More

ISKOlar NG BAYAN PROGRAM BUBUHAYIN SA MAYNILA

BUBUHAYIN ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang “ISKOlar ng Bayan Program” para sa mga kuwalipikadong estudyante ng Maynila. Ang plano ng alkalde na ibalik ang programa na dati niyang inilunsad noong siya ay konsehal pa lamang hanggang maging bise alkalde ng Maynila ay matapos bumisita sa kanyang tanggapan ang Informatics Philippines. Nag-alok ang kumpanya ng 50% diskwento sa matrikula para sa mga kuwalipikadong estudyante ng Maynila. Ang ISKOlar ng Bayan ay bukas para sa mga undergraduate at diploma programs kasama ang mga kawani ng Manila City Hall. Ayon sa alkalde,…

Read More

8 TIMBOG SA DRUG DEN SA ROXAS CITY

ROXAS CITY – Walong drug personalities ang nahaharap sa habambuhay na pagkakakulong matapos madakip sa sinalakay na drug den na giniba ng mga operatiba ng PDEA Capiz Provincial Office at PNP RIU-PIT Capiz sa Sitio Cassandra, Barangay Punta Tabuc sa lungsod nitong nakalipas na linggo. Isa sa mga suspek na kinilalang si alyas “Reynaldo,” na umano’y tagapamahala ng drug den, ang nananatiling pinaghahanap. Narekober sa buy-bust operation ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. Kakasuhan sila ng paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12 ng…

Read More

DALAGITA GINAPANG NG KAPITBAHAY

NADAKIP ang isang 44-anyos na lalaki makaraang umano’y pasukin nito sa kuwarto ang 19-anyos niyang kapitbahay at hinalay ito sa Sta. Mesa, Manila nitong Lunes ng madaling araw. Agad namang nagsumbong ang biktima kasama ng kanyang ama, sa barangay officials na siyang nag-ulat ng insidente sa Sta. Mesa Police Station 8. Mabilis namang nadakip ang suspek na si alyas “Eliot”, 44-anyos, ng nagrespondeng mga pulis. Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Marebel Clarite ng Women’s Desk, bandang alas-5:30 ng madaling araw nang maalimpungatan umano ang biktima nang maramdamang may…

Read More

ONLINE REGISTRATION PLANO NG COMELEC SA SUSUNOD NA TAON

MAGPAPATUPAD ang Commission on Elections ng online registration para sa susunod na halalan para makaiwas sa dagsa ng mga magpaparehistro. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, electronic registration ang paraan ng komisyon para makapagparehistro online ang mga botante kung may maipapasang batas para rito. Ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng insidente kung saan may nahimatay o nabilad sa init ng araw dahil sa haba at dami ng voter registrants. Pero paglilinaw ni Garcia, kinakailangan pa ring magtungo sa local offices ang mga nagparehistro online upang makuhanan ng litrato at…

Read More

HIGIT 2.8M NAGPATALA SA BSKE – COMELEC

KARAMIHAN sa mga bagong nakapagpatala para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay mga kabataan, sinabi ng Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sa halos 2.8 (2,727,643) milyon na mga nagpalista para makaboto sa BSKE, nasa 65-67% ng mga nagpatala ay mga kabataan kabilang ang mga bagong botante. Sinabi ni Garcia, pasok pa rin bilang botante ang mga nagparehistro maliban na lamang kung may reklamo laban sa kanila na ihahain sa Election Registration Board. Giit pa ng Comelec, hindi nasayang ang pagpaparehistro ng mga botante sa…

Read More

TUMAWID NA LOLA NAHAGIP NG MOTORSIKLO

NAMATAY habang isinusugod sa ospital ang isang 80-anyos na lola makaraang mabundol sa isang motorsiklo habang tumatawid sa panulukan ng Rizal Avenue at Tambunting Street, Sta. Cruz, Manila nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si “Lola Leonila”, residente ng Brgy. 206, Sta. Cruz, Manila, habang sugatan naman ang driver ng motorsiklo na si R-Jay Besana, nasa hustong gulang, isang waiter, residente ng Valenzuela City. Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa…

Read More

RIGODON SA LIDERATO NG EOD K9

BINALASA ni Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre III ang pamunuan ng Explosives and Ordnance Disposal K9 Group. Bagaman tumangging idetalye ng pinuno ng PNP ang balasahan, may kinalaman umano ito sa nag-viral na patpating aso ng nasabing unit kamakailan. Tiniyak naman ni Torre ang buong suporta sa kanilang EOD K9 unit na aniya’y isa sa mahalagang bahagi ng operasyon ng PNP. Naganap ang pagbalasa matapos mag-viral sa social media kamakailan ang K9 Dog na si Kobe dahil sa sobrang kapayatan nito. Paliwanag ni Torre, sinanay ang mga…

Read More

SOLON ‘TO THE RESCUE’ KAY VICE GANDA

“TO the rescue” ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kanyang kabarong komedyante at TV host na si Vice Ganda matapos palagan ang kanyang ‘jet ski holiday’ joke’ ng mga Duterte supporter. Sa kanyang video message, hindi na ipinagtaka ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang pagkuyog ng Duterte supporters sa komedyante dahil masakit aniyang tanggapin ang katotohanan. Sa isang concert, ginawang subjects ni Vice Ganda ang isyu sa jetski na patungkol sa pangako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential election na kapag siya ang nanalong…

Read More